One year later... Kahit papano ay naging mabuti na ang lahat. May pagkakataon na naaalala ko ang nakaraan pero pinipilit kong magpakatatag at makalimot. Sinunod ko ang kagustuhan ni inay na iwasan na ang pamilya ni Xander at nagawa ko naman iyon. Sa totoo lang ay hindi lang sa pamilya ni Xander ako dumistansiya pati na din kay dad at sa pamilya niya. Simula ng maospital si Sandra at muntik ulit makunan dahil sa aksidenteng pagkahulog niya sa hagdan ay nagalit sila sa akin. Hinayaan ko na lamang sila. Kahit kasi ipaliwanag ko na inosente ako ay hindi nila ako paniniwalaan. Mas paniniwalaan nila si Sandra na matagal na nilang nakasama kaysa sa akin. Ang hindi ko lang matanggap ay pati si Xander ay hindi naniniwala sa akin. Of all people, siya ang mas nakakakilala sa akin, pero bakit pati si

