Isang linggo na ang nakakaraan simula ng tagpong iyon. Pagkatapos din ang pagcecelebrate namin sa kaarawan ni inay ay hindi na kami gaano nag-uusap pa. Alam ko galit siya sa akin dahil sa ginawa ko. Akala ko ay madali lang din mapapatawad ni Inay si itay katulad ko. Akala ko magiging masaya at buong pamilya na din ako. Akala ko lang pala ang lahat.
Nakita ko kung gaano kagalit si nanay ng makita niya na kasama ko siya. Dinig na dinig ko ang mga masasakit na salitang ibinato ni nanay. Iyon lahat siguro ang mga kinikimkim na galit ni Inay. Lahat ng panunumbat ay nasabi na niya.
Hindi ko din naman siya masisisi. Masyadung masakit para kay nanay ang lahat. Wala din nagawa si itay kundi lumalis na lang. At nakita ko kung gaano Ito kalungkot habang hinahatid ko siya sa labas.
Ang pangarap niya na maging kumpletong pamilya ay baka malabong mangyari pa. Ano ba naman Ito? Puro kalungkutan nalang ang kwento ng buhay ko.
"Mukhang galit na galit sa akin ang nanay mo anak. Pero pinapangako ko gagawin ko ang lahat magpatawad niya lang ako."
Niyakap ko si itay. Ramdam ko ang lungkot niya. Bahagya ako sumaya dahil nararamadam ko na mahal na mahal niya si Inay. Baka may pag-asa pa na magkabalikan sila. Alam ko mahal na mahal pa rin siya ni nanay. Natatakpan lang ng galit niya sa puso niya. Tutulungan ko silang magkaayos.
Bago sumakay si itay sa kotse niya ay may iniabot itong calling card. Kinuha ko iyon at tinitingnan ko ang kotse niya habang palayo.
Binasa ko ang nakasulat sa calling card. President Charlie Fuentes, C.F Company, Contact details 09*********.
Ang yaman pala talaga ng tatay niya. Kung sana noon pa niya nakasama ang tatay niya edi sana ay maganda na ang buhay niya. Hindi na siya nabully noong bata siya at nabibili na niya ang gusto niya. Hindi na din sana niya kailangan pang magwaitress. Puru pasarap lang sana inaatupag niya, shopping dito shopping doon. Bar dito bar doon.
Day off ko ngayon. Naglinis lang ako ng buong bahay. Nagluto na din ako ng dinner dahil pauwi na din si nanay galing sa paglalaba sa kabilang kanto. Gusto ko din naman siya makausap para magkabati na kami dahil hindi ako sanay na magkatampuhan kami. Itinext ko pa si tatay. Ang sabi ko ay kakausapin ko si nanay dahil hanggang ngayon ay hindi pa din kami nag-uusap.
Matapos kong itext si tatay ay bigla kong naalala si Carlo. Simula ng araw na iyon. Ang araw kung kailan inagawan niya ako ng halik. Magmula noon ay hindi na siya nagparamdam pa. Anong nangyari doon? Hindi na siya pumupunta dito at wala din siya call or text man lang.
Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa iyo Ella e. Natauhan na siya. Pakipot ka kasi kaya yan itinigil na niya siguro ang panliligaw sa iyo.
Bigla ako nalungkot sa naisip kong iyon. Hindi naman ako ganoon ka manhid. Kahit papaano ay nagkaroon na ito ng puwang sa puso niya. Sayang nga lang kung totoo tumigil na ito sa panliligaw.
Tinext ko siya. "Oy kumusta ka na?" Gusto ko pa sanang dagdagan ang sasabihin ko. Gusto kong itanong kung bakit hindi na siya nagagawi dito o kung ano na ginagawa niya. Pero mas pinili niya na wag na lang. Ayaw niya ipahalata dito na namimiss na niya ito.
Ilang minuto ang ang lumipas ay natatanggap ako ng reply kay Carlo. "I'm sorry Gab kung ngayon lang ako nakapagtext sa iyo. May problem kasi sa bahay at naging busy din ako sa trabaho. You know naman para sa future natin Ito. Pupuntahan kita pag naayos ko na lahat. Alam ko namimiss mo na ako. And I miss you too. See you soon. I love you Gab."
Nagtaas ang isang kilay ko. Wow ah. Assuming. Pero assuming lang ba talaga siya? E mukhang totoo naman na namimiss mo siya e.
Napangiti ako bigla. Hala ano to? Don't tell me may nararamdaman kana sa kanya?
Hinintay ko si nanay. Pasado alas otso na ng gabi ng makauwi si Inay. Nagkasalubong ang paningin namin pero alam ko malamig ang mga titig na iyon.
"Nay."
Hindi sumagot si nanay. Tinalikuran niya lang ako. Doon na bumuhos ang luha ko. Hindi ako sanay sa malamig na trato niya sa akin. Nilapitan ko siya at niyakap sa likod.
"I'm sorry nay. Wag na po saying magalit sa akin. Ayoko po na ganito tayo. "
Umalis sa pagkakayakap ko si Inay at hinarapan ako. Lumuluha na din ito. "Naiintindihan kita anak. Alam ko nahihirapan kana sa buhay natin. Sorry kasi di ko maibigay sa iyo ang marangyang buhay. Kung gusto mo talaga sa tatay mo, hahayaan kita sa poder niya. Iwanan mo ako at sumama kana sa kanya."
Lalo ako humagulgol sa narinig ko mula kay nanay. Ano ibig niyang sabihin? Pinagtatabuyan na ba niya ako? Hindi ito ang inaasahan ko.
"Nay anong sinasabi mo? Wala ako sinasabi na sasama ako kay itay."
"E bakit kasama mo siya? Di ba sabi mo makakaya natin kahit wala siya. Chaka paano mo siya nahanap?"
"Nagkita po pami sa isang grocery. Nagpakilala po siya sa akin na siya daw po ang tatay ko. Opo, nasabi ko po inyo na ayaw ko na siyang makita. Pero nakita ko na sinsero si tatay sa paghingi ng tawad. Bakit ayaw niyo siyang pakinggan muna?"
Kapwa kami humahagulgol ni Inay. Ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa aming dalawa.
"Wala ng pag-asa para sa aming dalawa. May ibang pamilya na ang tatay mo. May asawa't mga anak na siya. Kaya itigil mo na ang pangarap na mabubuo tayo. Pero kung gusto mo sumama sa kanya. Sige umalis ka . Iwan mo ako. Magpakasaya ka sa pera niya!"
Bigla ako nakaramdam ng inis sa sinabi ni inay. Ganoon ba ang iniisip niya sa akin? Na mayaman si itay kaya madali sa akin ang patawarin siya? Na pera niya ang gusto ko?
Nagalit ako. Oo. Pero kahit anong galit ko ay tatay ko pa rin siya. At hindi magbabago iyon.
"Ganyan po ba ang tingin niyo sa akin? E bakit po kasi inilihim niyo ako sa kanya na buntis kayo? Edi Sana sinabi mo po sa kanya na may anak kayo. Edi sana ibinigay niyo na lamang ako sa kanya sa simula palang. Sana noon mo pa ako ibinigay para hindi ko na naranasan pa ang pesteng buhay na ito!"
Halos masapo ko ang bibig ko dahil hindi din ako makapaniwala na nasabi ko iyon, sa harap pa ni inay.
Isang malakas na sampal ang natanggap ko galing sa kanya. Ni minsan ay hindi ito nagawa ni Inay. Ngayon lang. Dahil doon ay parang natauhan ako sa mga pinagsasalita ko kanina.
"Stop it Gina. Don't hurt our daughter."
Sabay kaming nalingon ni Inay sa pinanggalingan ng boses. It was my father. At bago pa ako malapitan ni itay ay patakbo kong tinungo ang kwarto ko at inilock ko iyon.
Ang sakit. Ang sakit sakit. Hindi ako makapaniwala na nasampal ako ni Inay ng ganoon. Di ko siya masisisi. Hindi maganda ang naging sagot ko sa kanya kaya deserve ko iyon.
Kaninang hinihintay ko si Inay ay gutom na gutom na ako pero balak ko pa rin sumabay na kumain sa kanya. Pero ng dahil sa pag-iyak ko ay nawala ang gutom ko. Saka ko na iisipin ang mga susunod na mangyayari. Magpahinga ka muna Ella.
Unti-unti ko nalamang napansin na nakaramdam ako ng antok at tuluyang nakatulog.