Oy Ella, nirerequest nung isang gwapong customer sa pangatlong line ng table doon oh. Ikaw na daw magdala ng order niya. Nalingon ko ang gawi kung saan itinuru ng manager namin ang customer na tinutukoy niya. Isang gwapong lalaki nga ito. Natatandaan ko ang mukha nito. Nasa cashier ako at sa akin siya nagpila at nag-order.
Nagpapart time job ako dito sa fast food chain na ito upang suportahan ang pag-aaral ko. Nag-aaral ako sa araw at nagtatrabaho sa gabi.
Nung kinukuha ko ang order niya ay alam kong titig na titig ito sa akin. Kahit nga pinapunch ko na ang order niya ay nakikita ko sa upper vision ko na nakatingin pa rin Ito sa akin. Medyo nakaramdam pa nga ako ng asiwa sa ginagawa niyang pagtitig sa akin e.
"Bakit di nalang po siya lumapit at kunin ang order niya. Di naman po ito resto para ilapag pa sa kanya ang order niya."
Kahit gwapo ka wala akong time sa iyo. Wag ako. Nasabi ko sa sarili ko at ipinagpatuloy ang ginagawa sa cashier. Napalingon ako bigla ng makita ko na papalapit dito ang gwapong lalaking iyon. Bakas sa mukha nito ang disappoinment dahil hindi napagbigyan ang gusto niya. Well kung siya ang may-ari rito o boss namin siya ay pwedi pa. Kaso hindi niya trabaho ang maghatid ng order sa table.
Naging busy siya sa trabaho niya. Marami kasi customer ngayon. Palibhasa biyernes ngayon. Halos mga estudyante ang customers nila. Bigla siya napalingon sa pwesto nung table ng lalaki kanina. Wala na ito at grupo na ng mga estudyante ang nakaupo na doon.
Alas dyes na ng gabi ng makapag-out siya sa work. Palabas na siya ng fast food chain ng marinig niyang may tumawag sa pangalan niya.
"Ella, wait."
Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses. At nagulat ako ng makita ko ito. It was him. The guy na gusto magrequest na ihatid ko sa kanya ang order niya. Di pa pala Ito umuuwi.
"Kilala mo ako? Anong kailangan mo?" Masungit kong tanong.
"Ang sungit mo naman. Gusto ko lang makipagkilala sa iyo."
"Kilala mo na ako. Alam mo ng Ella ang pangalan ko diba?
"I just want to know you more."
Gusto kong tumawa sa sinabi niya. Sa tono ng pananalita nito at naisip niya na baka type siya nito. Well sorry siya dahil wala akong time.
"What is your point? Don't tell me may gusto ka sa akin? Well sad to say. I don't have time. Alam ko sobrang ganda ko pero wala kang mapapala. So you better get lost."
"Oo sobrang ganda mo, oo gusto kita. Wala naman siguro masama kung ligawan kita, right? Besides, wala ka din naman boyfriend kaya walang masama."
Nakakaloko ang ngiti na iyon ng lalaking iyon. "Sino namang nagsabi na wala akong boyfriend? " Masungit na tanong ko.
"Yung manager niyo. Kaya hayaan mo ako nagpakilala. I'm Dice. And I like you Ella since the day we first met."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ano daw? Since we first met? Ang tinutukoy ba niya na first met ay yung kaninang nag-order siya? O mas matagal na?
"What do you mean? Nafall ka kaagad sa akin kani kanina lang? Wow ah."
"No, since the day I saw you joining the pageant at your University. You are the most beautiful women there. At kahit di ka nanalo you are the winner for me."
Naalala ko iyon. University days nang panahon na iyon at may pageant. Sumali ako dahil may premyo. Sayang din iyon dahil pambili ko ng pang project ko. Sinamantala ko na baka manalo e. First pageant ko iyon kaya di ko na aasahan na makuha ang korona. Ayus na sakin kahit 2nd runner up lang. At least may prize pa din naman.
"Nag-aaral ka ba doon? Stalker ba kita? "
"Dati. Kagagraduate ko lang that time. Napasyal lang ako sa school dahil may kinukuha ako na mga papers na kailangan ko sa trabaho. University days din noon kaya pumunta nadin ako. Then I saw you."
Tatlong araw ang nakalipas ng makilala ko si Dice. Ewan ko kung pinagtitripan niya lang ako. Pero matapos yun ay lagi niya ako hinahatid sa part time job ko at babalikan ulit para ihatid sa bahay. Sa mga sandaling iyon ay narealize ko na totoo ang sinsabi niya dahil ang effort at tiyaga niya.
Lumipas ang isang buwan ay lalong naging matiyaga si Dice sa panliligaw. At kahit papaano ay nagugustuhan ko na rin siya.
Walang pasok at day off ko din sa trabaho. Nagyaya si Dice na makipagdate. Susunduin niya sana ako kaso ayoko puntahan niya ako sa bahay dahil nandoon si nanay. Hindi pa kasi siya kilala ni nanay dahil hindi ko pa siya pinakikilala. Kapag kasi inahatid niya ako pauwi sa bahay ay tulog na din si nanay dahil sa pagod din sa pagtatrabaho.
Nagkita nalang kami ni Dice sa resto na sinasabi niya. Nagulat pa ako dahil sobrang mahal sa resto na iyon at halatang mayayaman lang ang ang pumupunta doon. Nahiya tuluy ako sa suot ko. Bakit hindi sinabi ng binata na dito pala sila kakain. Edi sana nakapagdress pa siya. Nakasimpleng blouse lang ito at pantalon tapos naka flat shoes lang.
"Bakit hindi mo sinabi na dito tayo pupunta? Tingnan mo ang suot ko? Tas ikaw naka semi formal kapa e ako parang kakain lang sa karinderya."
"I don't care. Still you are the most beautiful woman here."
Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya o gusto lang niyang pagahanin ang kalooban ko.
Siya na nag-order dahil wala ako alam kung ano masarap sa menu. Basta ang nakita ko ay nakakalula ang mga presyo ng pagkain.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng bigla isa isang lumapit ang mga waitresses sa akin at nag-abot isa isang roses. Natipon lahat ng mga roses dahil sa daming lumapit para bigyan ako. At hindi ko napansin na lumapit na sa akin si Dice at inabot ang isa pang bouquet ng roses at lumuhod sa harap ko.
Naluha na ako ng tuluyan sa ginawa ni Dice. Sobrang natouch ako sa ginawa niya. This time sobrang sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko na siya. Pero bakit parang may pumipigil? Naisip ko ang kalagayan namin ni Dice. Alam ko mayaman sila samantalang ako ay walang wala. Kaya ba namin abutin ang kanya kanyang mundo namin? Kaya ko ba na tumaas para maabot siya? O siya Naman kaya ba niya bumaba para makasama ako?
"Oh wag kang umiyak di pa ako nagpopropose sa iyo.". Napatawa naman ang mga tao sa paligid ko na ngayon ko lang narealize na nakatingin pala sila lahat sa gawi namin.
"I love you so much, Ella. I can't imagine my life without you. I am willing to prove how much I love you. I accept you from being who you are. Wala ako pakealam kahit ano pa estado ng buhay mo. I can give you my world. Just let me do it. I love you. Can you be my boyfriend? "
Lalo na ako humagulgol. Sa kanya na nanggaling. He accepts me from who am I. Kaya ano pa poproblemahin ko?
Narinig ko pa ang pagtili ng mga tao na halatang kilig na kilig din. "Say yes. Say yes." Sigawan ng mga tao."
Hindi ako sumagot dahil hindi salita ang naging sagot ko kundi itinayo ko siya at ginawaran ng mahigpit na yakap at matamis na halik sa labi.
Nagsisigawan ang mga tao.
Pagkaalis ng pagkakayakap ko kay Dice ay nagulat ako dahil tuyong tuyo na ang mga roses na ibinigay niya sa akin kinuha ko iyon pero nasugatan ako sa mga tinik nito. Nilingon ko si Dice pero wala na siya. Iniwan niya ako.
Napamulat ako. Saka ko na napagtanto na panaginip lang pala iyon.