Masakit ang ulo ni Ella ng mapabangon siya sa kanyang kama. Kinuha niya ang cellphone niya para tingnan ang oras. It's 6:09 am. May time pa siya maligo at mag-ayos dahil 8 am palang ang pasok niya sa resto. Mabilis niyang hinanda ang susuotin papunta sa trabaho at agad na nagtungo sa banyo para maligo. Napasulyap siya sa salamin habang naliligo. Mugtong-mugto ang mga mata niya.
Gusto na naman niyang maiyak. Naalala na naman niya ang pagtatalo nila ng kaniyang ina kagabi. Napahawak siya sa kanyang panga kung saan napadapo ang palad ng ina ng sampalin siya nito. Ang sakit lang isipin na humantong sa ganito ang sitwasyon nila ng nanay niya.
Kung kailan dumating sa eksena ang tatay nila saka pa lalong gumulo ang lahat. Naiisip nga niya na kung talagang wala na palang pag-asa ang pag-iibigan nilang dalawa, kanino siya sasama? Sa mama niya na kasama niya sa pakikipaglaban sa kahirapan o sa tatay niya na magtatawid sa kanya patungo sa kaginhawaan.
Mabilis siyang nagbihis at naglagay ng light make up. Paalis na siya. Hinanap niya ang ina pero wala ito sa bahay. Nakaramdam ulit siya ng lungkot. Iniiwasan na talaga siguro siya ng nanay niya. Pumunta siya sa kusina dahil balak niya muna uminom bago umalis. Nakaramdam siya ng gutom dahil hindi siya nakakain kagabi. May nakatakip na ulam sa lamesa kaya kinuha niya iyon.
Gusto niyang maluha. Ang niluto kasi niya na ulam na adobong manok na paborito nilang dalawang mag-ina ay hindi man nabawasan. Ibig sabihin ay hindi man ito tinikman ng nanay niya.
NASA trabaho na si Ella pero wala doon ang focus niya. Naalala pa rin niya ang nangyari sa kanila ng nanay niya. Ayaw na ba sa kanya nito?
Break time na nila. Hindi siya makakain ng maayos dahil sa dami ng iniisip niya. Kaya naiisip nalang niya na kunin ang cellphone niya. May messege ito galing sa ama.
"What time ang out mo sa work mo, anak? I fetch you at 6pm sa bahay ka na magdinner. May ipapakilala ako sa iyo."
Napakurot ang kilay ko. Sino kaya ipapakilala niya? Siguro ang asawa ito at mga anak.
Nasabi na din ng kanyang tatay na may pamilya na ito. May dalawa siyang anak. Dahil doon, tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na magkakabalikan pa sila ni mama. Ayoko naman na masira pa ang pamilya niya ng dahil lang sa amin. Dahil kahit baliktarin ang mundo ay sila ang legal na pamilya. Kahit nauna kami. Mas matanda daw kasi ako ng isang taon sa panganay niyang anak sa asawa niya. Bale ate ako ng mga kapatid ko sa tatay.
Nagreply ako na uuwi ako ng maaga para makapag-ayos at sunduin ako sa bahay bago mag alas sais. Hindi na ako tumutol. Siguro wala naman masama. Ganoon din naman ang gusto ni nanay. Pero hindi ibig sabihin noon ay sasama na ako sa kanila. Hindi ko iiwan si nanay. Ako lang ang pamilya niya. Kaya kahit anong mangyari ay hindi ko siya iiwan. Kahit pagtabuyan niya pa ako.
Bago mag alas singko ng hapon ay nasa bahay na ako. Wala pa rin sa bahay si nanay kaya hindi ko alam kung paano ako magpapaalam gayong wala din naman siyang cellphone.
Naghanda at nag-ayos ako kahit papaano para naman maging presentable ang itsura ko pag humarap sa pamilya ni tatay. Nagdress ako ng lagpas sa tuhod at nagflat shoes. Pwede na ito.
Alas singko y media ng makarating si tatay dito sa bahay. Pero wala pa rin si nanay. Di na ako makakapagpaalam pa sa kanya.
Nakasakay na kami sa kotse at pabyahe na papunta sa bahay nila. Kinakabahan ako. Baka di nila ako magustuhan. Bumuntong hininga na lamang ako ng malalim para maibsan ang pagkakaba ko.
"Are you alright? Don't worry mabait si Nelia pati mga kapatid mo kaya wag kang mag-alala."
"I know dad. Naisip ko lang po si nanay. Di po ako nakapagpaalam sa kanya."
"Nag-usap na kami ng mama mo kagabi."
Seryoso ako napatingin sa tatay ko. Hinihintay ko siyang ipagpatuloy ang sasabihin niya. "She wants you to stay with me. Gusto niya na sakin ka na tumira. What's your opinion about that?"
Nalungkot ako sa sinabi niya. Talaga bang pinagtatabuyan na siya ng nanay niya?
"Gusto ko din po kayong makasama pero kailangan ako ni nanay. Ayoko po siyang iwanan. "
"I know. I offer her an apartment na mas comfortable para sana doon na kayo tumira at para din mas kampante ako sa kaligtasan niyo. But she refused"
"Kukumbinsihin ko po siya."
Ilang minuto lang ay nakarating na kami bahay nila. Namangha at nalula sa sobrang ganda ng bahay nila. O baka hindi man bahay maituturing iyon kundi palasyo.
Hinawakan ni Itay ang kamay ko kaya nawala ang panginginig ko. "Let's go inside my princess, our palace is waiting for you."
Pagkapasok namin ay sinalubong kami ng tatlong katulong. Bumati pa ito sa amin.
"Good evening po Sir and Maam. Ready na po ang hapunan. Nandoon na po sina Ma'am Nelia at Ma'am Sandra. Si Sir Carlo po nasa study room pa po pero pababa na di po siya."
"Okay Aling Maria. Salamat po." sabi ni itay at bumaling sa akin. "Let's go Ella. The food is ready."
Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya. Kaagad kong nabungaran na nakaupo sa eleganteng mes ang dalawang babae. May katandaan ang isa kaya malamang ito ang asawa ni tatay. Maganda pa rin ito kahit may katandaan na. Nakangiti ito sa akin at niyakap ako. Samantala, ang isang babae naman ay mukhang masungit ang itsura. Maganda din ito kaso di ko siya feel dahil mukhang hindi niya ako gusto.
"Hello hija. I'm your tita Nelia. Pero mas okay if you call me Mama." Nakasmile ito sa akin. "And this is your sister, Sandra. Sandra say hi to your ate."
Nginitian niya ako at inabot ang kamay iya. Hello ate Ella nice to meet you. I'm Sandra. "
"Nasaan ang kuya mo, Sandra? Can you call him para sabay sabay na tayong kumain."
Tumalima naman ito at umakyat sa taas para tawagin ang kapatid.
Kahit papaano ay napanatag na ang kalooban ni Ella dahil mabait ang asawa ng kanyang tatay. Pwera nalang kay Sandra na halatang masungit at mukhang di siya ganoon kagusto. Sana naman ang anak na lalaki ni itay ay hindi masungit tulad ni Sandra. Sana mabait din ito tulad ng nanay nila.
Bumaba si Sandra pero hindi niya kasabay bumaba ang kapatid niya.
"Nasaan ang kuya mo? Bat di pa bumababa? Masamang paghintayin ang pagkain." ani ni tita Nelia.
"Susunud nalang daw po siya. Tinatapos niya daw ang presentasyon niya para sa company natin bukas."
"Ang anak mong iyan, honey, mana sayo na workaholic. Akala mo naman may girlfriend na na pakakasalan."
Magsasalita sana si tatay para magkomento sa sinabi ni tita Nelia pero sumabat si Sandra. "Mayroon na daw po girlfriend si kuya, soon daw ipapakilala niya "
Nagumpisa na kami kumain kahit wala pa ang hinihintay namin. Naging komportable naman ang kalooban ko dahil makwento si Tita Nelia. Nasa ganoon kaming momento ng mapansin ko na may lalaking palapit na sa kinaroroonan namin.
Napatda ako ng makita ko ang lalaking iyon. Nanlalamig ang buong katawan ko ng makilala ko ito. Pero bago pa ako makapagsalita ay ...
"Gab? "
It was Carlo.