Alas onse na ng gabi pero hindi pa din ako dalawin ng antok. Lutang na naman ang kaisipan ko. Parang gusto ko ng mabaliw. Ilang rebelasyon pa ba ang gigimbal sa akin. Ang dami ng nangyari. Dumagdag p si Carlo. Is it for real? Kapatid ko siya? Gusto ko na talagang maniwala na pinaglalaruan ako ng tadhana. Inamin ko na sa sarili ko na nagugustuhan ko na siya pero gusto kong tumawa ng malakas ng naiisip ko na kapatid ko pala siya.
Ano ba naman ito? Paano ko pa mahaharap ang tatay ko pag nalaman nila ang panliligaw sa amin ni Carlo. Naging awkward ang eksena namin noong hapunan simula ng nakasabay namin si Carlo.
"Do you know her, Carlo? " Seryosong tanong ni tatay.
Tumango lang si Carlo at napatingin silang lahat sa akin.
"How? " Tanong ni Tita Nelia.
Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanila ang totoo. Baka kase magulantang sila pag nalaman nila na nililigawan ako ni Carlo. Nililigawan ako ng kapatid ko. Napatingin ako sa kanya ng sumagot ito.
"I just met her at resto kung saan siya nagtatrabaho."
Parang gusto ko maluha sa sinabi niya. Wow ah. I just met at resto pala ah. Kapal ng mukha. Ang sabihin niya ay hindi siya magkaugaga sa kakahintay kung kailan ko siya sasagutin. Pero naisip ko okay nadin siguro yon para hindi na nila malaman pa na nanligaw ito sa kanya. Hindi na rin niya ito maipagpapatuloy lalo pa at nalaman nila na magkapatid pala sila.
"It's that true, hija?" tanong ni Tita Nelia na para bang hindi naniniwala sa kanyang anak.
"Opo tita." nasagot ko nalang para hindi na humaba pa.
"Saang resto ka nagtatrabaho?" biglang tanong ni Sandra na parang nag-iinsulto ang tingin at ngiti.
Sa isang resto sa Makati. I am a waitress." Proud kong sabi. Wala namang masama sa trabaho niya. Marangal na trabaho naman iyon kahit mababa lang sweldo. Iyon ang bumubuhay sa kanila, ang kinikita niya dito ang pangsuporta sa pang-araw-araw na pagkain.
"You should quit from your job anak. I can give you a spot from our company." Bigla naman nabaling ang tingin ni tatay kay Carlo. "Your brother is my successor. So can you give a spot to your sister?"
"I heard na accountancy ang kinuha mo noong college hindi mo lang natapos. What about if continue mo ang pag-aaral mo ng dalawang taon and then we give you a spot to accounting department. What do you think son?
"If gusto niya dad."
"Pag-iisipan ko po tay."
Lampas alas syete na ng matapos na kami sa paghahapunan. Ipinakita pa nina tatay at tita Nelia ang kabuuan ng bahay at di ko mapigilang mamangha sa lahat na sulok ng bahay. Ngayon lang kasi ako nakatapak sa ganitong kaganda at kalaking bahay.
Alas otso na ng gabi. Nasa sala ako at nanonood ng movie. Nagpaalam si itay na maliligo lang muna. Nasa kusina naman si Tita Nelia at kausap ang mga katulong dahil may binibilin ito. Si Sandra naman ay pumasok na sa kanyang kwarto. Okay lang yon dahil hindin siya feel makausap. Si Carlo naman ay di din ako kinausap simula ng matapos ang hapunan.
Hindi siya mahilig manood ng tv kaya pinatay na niya iyon. Ng tatalikod na ako para pumunta na lamang sa may terrace ay nagulat ako dahil narito si Carlo at malungkot ang mukha.
"Let's talk Gab."
"Bakit? Ano pa sasabihin mo? Yung panloloko mo tungkol sa pagkatao mo?"
"Look Gab, I'm sorry. Hindi ko naman intensyon na magsinungaling sa iyo. Balak ko naman talaga aminin ang lahat pero nangyari ito at hindi ko tanggap kung ano man ang katotohanang ito na nalaman ko."
"Ito ang katotohanan, at kailangan nating tanggapin."
"No. I will tell dad about us."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Carlo. "Are you insane, Carlo? Anong tungkol sa atin? Wala namang tayo. Di ba sinabi ko naman sa iyo simula noong una na wala kang aasahan sa akin? "
"Really? So yun talaga ang nararamdaman mo sa akin all this time? Bakit? Siya pa rin ba Gab? Is he still in your heart? "
"Look Carlo. Wag mo idamay ang nakaraan ko. It's not the issue here. Wala naman magbabago e. Hindi tayo pwede dahil magkapatid tayo."
"And still no parin naman ang magiging sagot mo kahit di tayo magkapatid di ba?"
Alas nuebe na noon ng makauwi ako sa bahay. Niyakap ko si itay bago siya tuluyang umalis. Ni lock niya ang pintuan. At bago siya nagtungo sa kwarto niya ay nagtungo siya sa kwarto ng ina. Mabuti na lang at hindi nakalock ang pintuan ng kwarto nito. Nakita niya na himbing na ito sa pagtulog. Nilapitan niya ito at hinalikan sa noo.
"I love you nah. Sorry po sa lahat. Hinding-hindi ko po kayo iiwan.".
Napagising ako bigla dahil nanaginip ako ng masama. Parehong panaginip kung saan kasama ko si Dice. Ang panaginip kong iyon ay bahagi ng memories ko noong kasama ko pa si Dice. It was a beautiful memory lalo na noong dinala niya ako noon sa isang mamahaling restaurant at nagbigay ng maraming rosas. Pero bakit napanaginipan ko na natuyo ang mga rosas at ng hawakan ko ito ay natusok ako sa mga tinik nito. Tapos ngayon naman ay punung-puno ng mga uod at bulate ang mga natuyong bulaklak na iyon? Sa unang panaginip ko ay biglang nawala si Dice pero ngayong pangalawa ay nandoon siyang muli.
Ano kaya ibig sabihin ng panaginip na iyon? Bakit napapanaginipan ko siyang muli? Ano ka ba Ella? Nakalimutan mo na siya diba? Wala ng dahilan para isipin ko pa siya. Matagal na tapos ang istorya namin ni Dice dahil wala siyang kwentang lalaki. Iniwan siya nito ng basta-basta na lang.
Naisip niya bigla. Paano talaga kung isang araw magkita ulit sila? Ano gagawin niya?
"Subukan lang niyang bumalik. Mapapatay ko siya pag nakita ko siya."
It was a painful end. O baka nga hindi man talaga nag end dahil basta niya lamang ako iniwan sa ere. Naniwala ako sa kanya na mahal niya ako at tanggap niya kung sino at ano ako. Pero nagkamali ito dahil hindi man lang siya ipinaglaban lalo na sa magulang nito. Hindi ko man nga nakilala ang mga magulang niya, pero kung makahusga sila sa kanya na gold digger ito ay wagas.
Ayaw niya sa lalaking walang panindigan. Marahil totoo siguro na bored lang ang lalaking iyon kaya siya nilapitan.
Ang tanga lang niya dahil naniwala siya sa mga mabulaklak na salita ni Dice. Pilit niya noong sinisiksik sa isipan niya na ipaglalaban siya nito dahil hindi siya natinag sa mga sinabi ng nanay nito ng minsang tumawag ito sa kanya at sinabing di siya totoong mahal ng anak niya.
Ang wagas na pag-ibig niya sa binata ang mas nagpatatag sa kanya. At sariwang sariwa pa sa utak niya ang mga nakita niya noon na nagpagunaw sa mundo niya.
Hindi siya pumasok sa part time niya para puntahan ang condo ni Dice. May kalayuan din iyon pero kailangan niyang makita ito para matigil na ang lahat at malinawan na siya.
Alam niya ang lugar ng condo niya dahil minsan na siyang naidala ng binata doon.
Akmang kakatukin na sana niya ang pintuan pero naisipan niya munang itutok ang tainga sa pintuan upang marinig kung nandoon ito.
She heard Dice talking. May kausap ito at nakikipagtalo.
"Ma stop it okay. Don't waste your time kay Ella. She's nothing to me kaya itigil niyo nyan. I will broke her up soon. Pag sawa na ako. You know me better ma. Hindi ko igigive up ang company dahil lang sa kanya. Hindi pa ako baliw."
Hindi na niya tinapos pa ang sasabihin ng binata. Dahil kung magpapatuloy pa siyang makinig ay hindi na niya makakayanan pa.
It was her first heartbreak.