Episode 8

1052 Words
Ilang buwan na ang nakakalipas. Nagresign na ako sa trabaho ko sa restaurant. Napag-isipan ko kasi ang offer ni tatay. Balak ko ipagpatuloy ang pag-aaral ko na accountancy para makapasok na ako sa C.F Company sa Accounting Department. Nag inquire na ako sa dati kong pinasukang unibersidad noong college ako. Sakto naman ay malapit na ang bakasyon at pwede na magenroll ang iba. Ayokong makipagsiksikan sa mga ibang estudyante kaya nagenroll na ako kaagad. Kahit papaano ay nasa ayos na ang lahat. Nagkabati na kami ni nanay. Nagbalik na ang dati naming closeness kaya sobrang saya ko. Lumipat na din kami ng bahay. Nakatira kami sa apartment na inerekomenda ni tatay. At kahit papaano naman ay nagkabati na silang dalawa ni inay. Paminsan minsan ay dumadalaw naman si tatay sa amin. Dumadalaw din ako sa bahay nina tatay at nakakabonding sina Tita Nelia. Si Sandra naman ay kahit papaano ay nagiging close na kami. Si Carlo naman ay madalas busy sa Company kaya madalang mo lang siya makita. Pero kahit papaano naman ay kinakausap niya ako pag nagkikita kami. Nagpapasalamat din ako dahil alam ko nakapagmove on na siya. Meron na kasi ito nililigawan at napakilala na niya ito sa amin.   Naging magaan na ang bawat araw ko dahil wala na akong pinoproblema pa.May sarili na din ako sasakyan. Nagdriving school ako at ng pumasa ako ay binili ako ni tatay ng sasakyan. Natuwa daw kasi siya dahil pinagbigyan ko ang gusto niya na mag-aral ulit. Para din daw di na din ako magcommute pag pumasok na ako sa Unibersidad.  Napagdesisyunan kong pumunta sa isang coffee shop. Nakaupo ako sa isang dulong table at kinuha ang cellphone ko upang magcheck ng social media k habang umiinom ng kape.  "Gabriella Gorospe?  It's that you?" Napatingin ako sa nagsalita. Iniisip ko kung bakit niya ako kilala pero siya ay hindi ko naman kilala.  "You know me?" Nagtatakang tanong ko.  "Of course. Don't tell me hindi mo na ako kilala? Masyado bang malaki ang iginuwapo ko para di mo na ako makilala? I am your prince charming, Gabriella. " Napakunot ako ng noo at pilit siyang inaalala. Prince charming? Kailan pa? "I'm sorry but I think nagkakamali ka. Hindi kasi kita nakikilala. " Naupo ito sa tapat ko ."I'm Drake Alexander. Xander for short. We're classmates noong grade school. Ako yung nagtatanggol sa iyo kapag binubully ka ng iba nating mga kaklase." Sa sinabi nito ay parang nagflash back sa kanya ang pangyayaring iyon. Nabully siya noon dahil wala siyang ama at sinasabi nila na malas ito kaya iniwan sila ng tatay niya. Lagi ako umiiyak noon pero mabuti nalang ay nandyan si prince charming ko para ipagtanggol ako. Nalimutan ko na ang pangalan niya pero tandang tanda ko pa ang magliligtas niya sa akin kapag binubully ako. "Ikaw si prince charming ko? " Tumango ito. "Nakakatampo ka naman, sa gwapo kong ito nakalimutan mo ako? E ako nga nakaside ka palang nakilala na kita."  "Sorry. Gusto ko na kasi kalimutan ang nangyaring iyon sa buhay ko. So kumusta ka na?" "CEO na ako sa company namin. Obligasyon iyon ng kuya ko pero dahil nadisappoint sila sa kanya kaya sakin napasa ang responsibilidad." "Wow ah bigtime ka na pala prince." Ngiti ang tugon nito sa akin. "How about you? Nag-asawa ka na ba?" Napatawa ako ng malakas sa sinabi ni Xander. "Wow ah. Asawa agad tanong mo? Wala pa nga akong boyfriend asawa pa kaya?" Bigla lumapad ang ngiti nito dahil sa narinig sa sinabi nito. Totoo naman ang sinabi niya kanina.Kung dati ay cute siya noong bata ngayon ay sobrang gwapo na niya. Kaya siguro hindi ko na siya nakilala pa.  "Edi mabuti. Walang magagalit. Can I get your number then?" Ibinigay ko ito sa kanya. Wala naman siguro masama.  NASA bahay ako ni dad. Daddy na ang naging tawag ko sa kanya. Level up na. May family dinner kami ngayon. May sasabihin daw si Carlo kaya gusto nito na nandito kami lahat. "Dad, Mom and sisters. Listen. Bella and I will getting married." Nagulat kami lahat sa sinabi ni Carlo. Alam ko naman na mahal na mahal nila ang isa't isa. Pero ilang months pa lamang sila magkasintahan. Ganoon kaagad sila kasigurado? "Masyado naman ata mabilis anak?" Si Tita Nelia na ang nagtanong. "Bella is pregnant mom. Pero hindi naman iyon ang dahilan kaya kami magpapakasal. I love her so much kaya gusto ko siyang pakasalan." "Kung sigurado ka dyan son, Dad will not disagree. So may napili na kayong date?" "Not yet dad. Help us to pick the best date as soon as possible bago lumobo ang tiyan niya." Tapos na ang dinner at nasa sala kami nina Carlo at Bella.  "Congrats brother and to you future sister-in-law."  "Thanks ate." Ngiting tugon ni Bella.  Nagkwentuhan pa kaming tatlo habang nanonood ng tv. Tiningnan ko ang phone ko kung nagtext na si nanay. Maya-maya lang ay uuwi na din ako. May 11 missed calls ako pero unregistered number naman. Nagtaas ako ng kilay. Sino kaya ito? Nagtext din ito sa kaya at binasa iyon. "Hi Gabriella. It's me Xander, your handsome prince charming. " "Bakit di mo sinasagot calls ko? Have you eaten your dinner?" "Let's meet kapag available ka. Please." Nireplyan ko siya ng mabilis. "Sure." Nagpaalam na ako kina dad para makauwi na. Nagtext na din kasi si inay na umuwi na ako.  "I LIKE YOU Gabriella. Since day one."  Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko sa kanya. Ano daw? Gusto niya ako? Since day one? Ano ibig sabihin noon? Since noong bata kami? "I know it sounds like crazy. Pero gusto kita kahit noong mga bata pa tayo. Kaya sobrang saya ko noong nakita kitang muli." Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Xander. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Hindi ko din alam kung ano magiging reaksiyon ko. Sa totoo lang ay itinago ko na ang puso ko. Lagi na lang kasi ako nasasaktan ng dahil sa pag-ibig. Una kay Dice tapos kay Carlo. Kung tatanggapin ko siya tapos ay may mangyayari na naman ay baka hindi ko na makayanan. Ayoko na masaktan. Masaya na ako kung anong meron ako ngayon. I just want to be happy.  "Why don't you give it a try, Ella.Di mo malalaman kung di mo susubukan."Heto na naman ang puso ko na panira. Lagi nalang ako napapahamak dahil panay ang sunod ko dito. "No, Ella. Wag mo ng subukan. Iwasan mo na agad bago kapa masaktan. Unahin mo naman ang isip kaysa puso. Be wise. "I'm sorry, Xander. Sa iba mo nalang ibaling ang pagmamahal mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD