Xander's POV
"Let's do your homework Sab, I will help you."
"Thank you po Tito."
Sabrina is my neice. She is my brother's daughter. Simula ng sanggol pa ito ay halos kami na ng parents ko ang nag-alaga sa kanya. Pero ang kuya ko? Wala siyang pakealam sa sarili niyang anak. Dahil hindi naman daw niya ginusto na mabuntis ang naging babae niya.
Nagbago na siya. Hindi na siya ang dating kuya ko na masayahin, responsable at matino. He change a lot. Alam niyo kung bakit? Because of just a woman na hindi naman namin nakilala.
Niloko siya ng babaeng kaisa-isang minahal niya. Wala siyang ibang ginawa kundi maglasing, araw-araw ay ganoon niya. Iba iba na ding mga babae ang kinakalantari niya. Babae dito babae doon. Ganoon ba talaga niya kamahal ang babaeng iyon? Na halos napariwara na ang buhay niya dahil lang sa pang-iiwan nito? Gusto ko makilala ang babaeng yon noong mga panahon na iyon. Gusto ko makita kung ganoon ba ito kaganda para lang magkaganyan siya. I want to know kung anong meron sa babaeng iyon para sirain lang niya ang buhay niya dahil hindi sila nagkatuluyan. Pero hindi niya sinabi kung nasaan ito. Kahit pangalan nga niya ay hindi niya nabanggit.
He said she was his first love. Unang kita palang daw niya sa babaeng iyon ay agad na siyang na fall. Hindi ako nPatawa sa sinabi niya. I know, it's possible na malove at first sight dahil ganoon din ako. I fell at first sight kay Gabriella, my grade school classmate. Sobrang bata ko pa noon, sampung taon siguro. Pero alam ko sa sarili ko na gusto ko siya. She was bullied by our classmates at ako ang naging prince charming niya. That moment ay sobrang saya ko dahil naging close kami at lagi kami magkasama. I always comfort her pag umiiyak siya. I became his shoulder to cry.
Nasa Canada si kuya for almost five years. Mas pinili niya doon para makalimot. He manages our business there. Umuuwi lang siya ng ilang linggo dito kada taon para makasama ang anak na si Sab. Alam namin na hindi niya gaano tanggap ang anak niya. Hindi niya ginustong mabuntis ang isa sa mga babaeng bayaran sa isang bar ng minsang malasing siya. Hindi daw kayang buhayin ng babaeng iyon ang anak niya kaya ibinigay niya kay kuya. Nagkaroon pa sila ng kasunduan na hindi na niya maaaring kunin ang anak niya at binigyan pa siya ng pera nina daddy. Sumang-ayon naman ang babae at kinuha ang pera.
Naging masaya naman ang bahay dahil kay Sab. She is five years old. Naging close nga kami at minsan ay napagkakamalan pa ako na anak ko siya. Sab is sweet kaya stress reliever ko din siya kapag pagod sa pagpapatakbo ng Company. Dapat si kuya ang nasa posisyon ko pero dahil napariwara ang buhay niya noon ay napilitan ako saluhin siya. Pero di nagtagal ay nagustuhan ko na rin.
PARA akong tanga sa nakikita ko. I have a box full of candy and chocolate wrappers. Naipon ko ito noong bata pa ako. Naalala ko na binibigay sa akin ito Gabriella kapag magkasama kami. Ayoko sana kainin at itatago ko nalang kaso nagagalit siya, ayaw ko daw ba kaya hindi ko kinakain. Kaya mga wrappers lang ang naipon ko. Ganoon ko siya kagusto ng mga panahon na iyon. Hangga ngayon nakatago pa. Hindi nga alam ni kuya o nina mom and dad. Magkaroon din naman ako ng mga exes pero yung pagtingin ko kay Gabriella is still there. Actually, kahit papaano ay nakalimutan ko na ang tungkol sa kanya. Naalala ko lang ulit siya ng linisin ko ang cabinet ko at nakita muli ang box na ito full of wrappers. Muling bumilis ang t***k ng puso ko ng alalahanin ko ang memories naming dalawa.
I even hire a private investigator para malaman kung kumusta siya o nasaan na siya. Naging masaya naman ako ng ibinalita sa akin ng investigator ko na wala pa siyang asawa. So may pag-asa pa ako.
NASA office ako ng makatanggap ako ng text galing sa P.I ko.
"Sir, nasa coffee shop po si Ms. Gorospe malapit lang sa Company ninyo."
Bumilis ang t***k ng puso ko. Ito na ang pagkakataon ko para magkita kaming muli. Sobrang ganda na niya ng makita ko ang mga stolen pictures na ibinigay ng P.I.sa akin. Ako kaya ay naaalala pa niya?
Mabilis akong umalis at pumunta sa coffee shop. Nasa tapat palang ako ng pintuan ay agad ko na siyang napansin. She is more beautiful kesa sa mga stolen pictures. Abala ito sa pagkakalikot ng kanyang cellphone. Punwesto ako malapit sa kinaroroonan niya pero hindi niya pa rin ako napansin.
Umabot na halos sampung minuto. Hindi na ako makatiis kaya linapitan ko na siya.
"Gabriella Gorospe, It's that you?"
Napatingin siya sa akin. Mas maganda siya sa malapitan. Alam ko bakas sa mukha niya ang pagtataka dahil parang hindi niya ako makilala.
"You know me?" Nagtatakang tanong nito sa akin.
"Of course. Don't tell me hindi mo na ako kilala? Masyado bang malaki ang iginuwapo ko para di mo na ako makilala? I am your prince charming, Gabriella. "
Nakanunot ang noo niya at pilit akong inaalala.
"I'm sorry but I think nagkakamali ka. Hindi kasi kita nakikilala. "
Nalungkot naman ako bigla sa.sinabi niya. Hindi na niya ako maalala. Naupo ako sa tapat niya .
"I'm Drake Alexander. Xander for short. Where classmates noong grade school. Ako yung nagtatanggol sa iyo kapag binubully ka ng iba nating mga kaklase."
Nagliwanag naman ang mukha na para bang sumang-ayon sa nasabi ko. Sa nakikita ko ay parang naaalala na niya ako. Ay! mabuti naman.
"Ikaw si prince charming ko? " tanong nito
Tumango ako at ngumiti. "Nakakatampo ka naman, sa gwapo kong ito nakalimutan mo ako? E ako nga nakaside ka palang nakilala na kita."
"Sorry. Gusto ko na kasi kalimutan ang nangyaring iyon sa buhay ko. So kumusta ka na?"
"CEO na ako sa company namin. Obligasyon iyon ng kuya ko pero dahil nadisappoint sila sa kanya kaya sakin napasa ang responsibilidad."
"Wow ah bigtime ka na pala prince."
Ngumiti ako sa sinabi niya "How about you? Nag-asawa ka na ba?"
Napatawa lang ito ng malakas sa naging tanong ko. Kahit alam ko na wala ay tinanong ko pa rin. Gustonko kasi manggaling sa kanya.
"Wow ah. Asawa agad tanong mo? Wala pa nga akong boyfriend asawa pa kaya?"
Sumigla lalo ang mukha ko. Siyempre ganoon ang ineexpect ko na sagot niya.
"Edi mabuti. Walang magagalit. Can I get your number then?"
Kinuha niya ang phone ko at isinave ang number niya.
ANG saya ko ng makauwi ako sa bahay. Ala para akong tanga. Number pa lang ang nakuha mo, hindi ang puso niya no. Well. malapit na.
HINDI ako mapakali sa loob ng office. Gusto ko na ngang umalis dahil excited ako. Paano ba naman magkikita kami ni Gabriella and this is it. Aamin na ako sa kanya na gusto ko siya. Wala na akong sasayanging pang oras. Baka maunahan pa ako ng iba. No way. Subukan lang nila. I will never let her go.
"I LIKE YOU Gabriella. Since day one."
Malakas ang loob ko na sinabi ko iyon. Ayokong matorpe sa kanya. Mahirap na baka may umagaw pa sa kanya sa akin kung di pa ako aamin. Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya kaya alam ko nagulat siya sa sinabi ko.
"I know it sounds like crazy. Pero gusto kita kahit noong mga bata pa tayo. Kaya sobrang saya ko noong nakita kitang muli."
Sandaling natahimik siya. Baka hindi pa maprocess sa utak niya ang inamin ko sa kanya. Ang bilis mo kasi Xander. Di pa man kayo nag-uumpisang kumain iyan na bungad mo.
I feel cofident na magugustuhan niya din ako. Marami na kami memories dalawa noong bata pa kami kaya alam ko walang dahilan para hindi siya pumayag. I will be her forever price charming.
"I'm sorry, Xander. Sa iba mo nalang ibaling ang pagmamahal mo."
Ouch!