" TANTANAN na ninyo si Gabriella! Bakit ba lagi ninyo siyang binubully? Tigilan na ninyo siya kung hindi ako ang makakalaban ninyo."
That moment nagkaroon ako ng pag-asa. Akala ko kasi lahat ng tao ay walang pakealam sa akin. Naiyak ako noong mga oras na hindi dahil sa pambubully ng mga kaklasi ko, napaiyak ako dahil sa lalaking ito na nagtatanggol sa akin. Ngayon ko lang naramdaman na mahalaga ako. Halos lahat kasi ng mga estudyante ay ilag sa akin. Ano ba kasi masama na wala siyang ama? Ano din masama sa paglalabada ni inay para mapag-aral ako? Malas ba talaga ako kaya kami iniwan ni itay?
Itinayo ako ng batang lalaking ito. Alam ko kaklase ko siya pero hindi ko alam pangalan niya dahil transferee ito. Napatitig pa ako sa kanya dahil kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang mga luha ko.
"Salamat." Iyon lang ang nasabi ko dahil napapaluha pa rin ako.
"Wala iyon. Dapat kasi lumaban ka sa kanila. Wag mong ipakita na mahina ka. Mabuti na lang at nandito ako. Wag kang mag-alala ipagtatanggol kita sa kanila. Ako na ang prince charming mo. Tulad ng sa fairytale."
Simula ng araw na iyon ay lagi na kami magkasama. Hindi ko alam pa alam ang totoong pangalan niya basta ang sabi niya ay siya daw si Prince Charming. Halos araw-araw ay binibigyan ko siya ng mga candy o chocolate na binibili ko sa tira kong baon.
"Ayaw mo ba? Bakit hindi mo pa binubuksan? Akin na nga." Gusto kong bawiin ang mga binigay ko, hindi niya kasi iyon binuksan. Dahil siguro tigpipiso lang ang presyo. Akmang kukunin ko na ay agad niya itong binawi.
"Gusto ko. Bubuksan ko na. Wag kang hihingi." Nakangiti ito habang binabalatan niya ang mga tsokolate.
"Ibinigay ko na nga yan. Bakit pa ako hihingi? Tanga ka ba? "
"Edi mabuti sa akin na lahat ito."
"Di ka man lang ba magtethank you sa binigay ko?
"Hindi. Bayad mo ito sa pagtatanggol ko sayo diba? "
Napakunot ako ng noo. "Edi hindi. Diyan ka na nga." Nagsimula na ako maglakad palayo dahil nainis ako sa kanya.
Tinawag niya ako at hinabol. "Ito naman nagtatampo agad. Thank you na."
"Hindi ako nagtatampo. Babalik na ako sa room dahil baka mapagalitan tayo ni teacher."
Dati ay uwing-uwi ang pakiramdam ko pag nasa school dahil ayoko sa mga ibang estudyante. Pero noong magtransfer dito si Prince Charming ay ganado na ako sa pagpasok. Sobrang naging close kami. At super saya ko pag kasama ko siya.
Hindi na din ako binubully ng mga kaklasi ko dahil mukhang takot sila kay Prince Charming. Sobrang nagpapasalamat ako dahil doon.
"Para sa iyo yan Gabriella. Happy Birthday." Napatingin ako sa hawak nito na chocolate at teddy bear na kulay pink.
"Anong birthday? Matagal pa birthday ko. Bat mo ako bininigyan ng regalo."
"Edi advance birthday gift ko sa yo. Kunin mo na baka magtampo ako sa iba ko ito ibibigay."
Kinuha ko ito sa kanya para wala na siya masabi. Pero nagtataka ako bakit binibigyan niya ako ng regalo.
"Binili mo ba ito? Wala ka namang pera."
"Pinabili ko kay mama. Baka kasi di na kita mabigyan ng regalo sa mismong birthday mo."
Napaisip ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin doon? Aalis ba siya? Wag naman sana.
TATLONG araw na ang nakalipas simula ng binigyan ako ng regalo ni Prince Charming. Nagtataka ako dahil tatlong araw na rin siyang absent. May sakit kaya siya? Hindi niya alam kung ano nangyari sa kanya.
Umuupo na ako ng maayos ng pumasok na ang teacher namin.
"Okay class.Listen please. May announcement ako. Your classmate Drake Alexander Alcantara will be transfer to other school. Sa States na daw siya mag-aaral. He will send his goodbye. Dadaan sila ng mommy niya dito kaya wag masyadong mag-ingay. "
Alam niya si Drake Alexander ang Prince Charming niya. Pero totoo ba ang narinig niya? Aalis at iiwan na siya? Paano na siya? Edi mabubully na naman siya dahil wala na ito sa tabi niya
Hindi ko na mapigilan ang sarli ko. Umiiyak na ako at patakbong lumabas ng classroom. Narinig kong tinatawag ako ni teacher pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.
Pumunta ako sa lugar na laging tambayan namin ni Xander kapag recess time namin. Doon na ako umiyak ng umiyak. Hindi man lang niya sinabi na aalis na pala ito.
"Gabriellaaaa..." Nilingon ko ang boses ng tumawag sa akin. Mas lalo ang humagulgol ng makita si Xander sa harapan ko. Umiiyak din ito.
Niyakap ko siya at lalong bumuhos ang mga luha ko. "Bakit di mo sinabi na aalis ka? Iiwan mo na ako? Please wag kang umalis."
"Sorry Gabriella. Biglaan din. Kung ako lang ay ayoko umalis. Ayaw kitang iwanan."
"Bat aalis ka pa kung ayaw mo naman pala. "
"Hindi pwede. Pero pangako babalik ako. Wag mo ako kakalimutan ah? "
"Bakit naman kita makakimutan? Basta mangako ka na babalik ka. "
"Oo naman. Pag lumaki na tayo babalikan kita tas papakasalan kita."
"Yung teddy bear na ibinigay ko? May nilagay ako doon."
"XANDER, let's go. Baka malate tayo sa flight."
Nakita kong lumapit ang nanay niya sa amin. Magkahawak ang kamay namin ni Xander pero ng hawakan din siya ng kanyang nanay sa kabilang kamay at nag-umpisa ng maglakad ay unti-unting nagkahiwalay ang aming mga kamay.
SIMULA ng araw na iyon kung kailan nagtapat si Xander nag pag-ibig ay hindi na ito mawala sa kanyang isip. Naalala na rin niya ang mga memories niya noong mga araw na iyon. Naalala din niya ang araw na binigyan siya nito ng chocolate at teddy bear.
Alam niya na nandoon pa rin ang teddy bear na iyon kahit halos dalawang dekada na ito. Ganoon siya kaingat sa mga gamit niya. Hinahanap niya ngayon ang teddy bear na iyon. Baka na misplace ito ng mag-ayos sila ng gamit ng lumipat sila sa apartment ng kanyang ina.
"Nasaan na kaya yon? Alam ko nabitbit ko yon nung lumipat kami pero di bakit di ko makita."
Nagtanong na siya sa kanyang mama dahil baka naitabi niya ito. Gusto niya talaga malaman kung anong nandoon. Bakit kasi ngayon lang niya naalala ang sinabi noon ni Xander na may nakalagay sa teddy bear na iyon. Ano kaya?
"Nay, may napansin po ba kayo teddy bear na pink?" Naiinis na ako dahil kanina pa ako naghahanap.
"Yung luma na may kulay puti na ribbon? Tinapon ko na kahapon sa basurahan noong naglinis ako. Matanda ka na para sa teddy bear tapos luma pa. Bili ka nalang ng bago."
"Whatttt? No. Saan mo po tinapon? "
Tinuro ni nanay ang basurahan sa labas. Kinalkal ko iyon. Ilang minuto kong hinanap at ng makita ko ay niyakap ko ito. Mabuti na lang at hindi pa dumaan yung garbage collector. Kung magkaganon ay baka suyurin pa niya ang lahat ng imbakan ng basura para mahanap lang yon.
Dumiretso ako sa kwarto ko. Hinanap ko kung may nakalagay dito na kahit anong bagay. Wala ako makita. Anong meron dito? Mukhang wala naman. Binaliktad ko ang teddy bear. Sa may puwitan nito ay may nakita akong maliit na bulsa. Kinapkap ko ang bulsa nito at may papel kaya kinuha ko. May nakasulat sa papel kaya binasa ko ito.
"Gabriella, Happy birthday. Advance gift ko na yan sa iyo kasi baka hindi na kita mabibigyan sa mismong birthday mo. Ipinabili ko to kay mama. Nag-away si mama at papa. Gusto ni mama sa America na kami mag-aaral ni kuya. Di ko alam kung kailan kami uuwi o kung uuwi pa kami. Wag ka magpapabully ah? Labanan mo sila. Pero wag kang mag-alala babalik ako. Babalikan kita. Pag malaki na tayo gusto kita ligawan at pakasalan kaya wag ka magpapaligaw sa iba. Hintayin mo ako.
Your Prince Charming"
Habang binabasa ko iyon ay bigla na lamang pumatak ang mga luha ko.