Start na ang school year at pumapasok na din si Ella. Ilang buwan na din ang nakalipas simula ng magkita at magkausap sila ni Xander. Hindi din ito tumatawag o nagtetext. Binasted na niya ito kaya ano pa inexpect niya? May pride naman siguro ang lalaking iyon kaya di niya ipinipilit ang sarili niya. Nakaramdam lang siya ng disappoinment, akala kasi niya ay mangungulit ito sa kanya hangga sa mapapayag niya ito na manligaw.
Medyo out of place siya sa mga kaklasi niya dahil mas matanda siya sa mga ito kaya nahihiya siyang makipagclose sa mga ito. May mangilan ilang halos kaedaran lang niya kaso halos lalaki naman ito.
Lunch time ay mag-isa lang siyang kumain sa canteen. Medyo awkward lang dahil nag-iisa lang siya sa table. Nasa kalagitnaan siya ng pagkain nang may lumapit sa kanya na lalaki.
"Hi. Can I join? Wala na kasi available na table." Napatitig ito sa lalaki. Alam niya kaklase niya iyon. Alam niya ang itsura pero di niya lang alam ang pangalan.
"Sure." Matipid na sagot lang niya at ipinagpatuloy na ang pagkain.
Umupo naman ang lalaki at nagsimula na din kumain. Sa upper vision niya ay alam niya na nakatitig ito sa kanya. Nilingon niya ang lalaki at halatang nagulat ito.
"What? "
"Why? " sagot ng lalaki.
"Why are you looking at me?"
"Masama ba tumingin? Sorry. Ang ganda mo kasi kaya di ko mapigilang tumingin."
"I know. Pero ayoko tinitingnan mo ako."
"Why? Bawal ba?"
"Yes. And just give respect. I'm older than you."
"I'm 22. Ikaw ba? "
"25." So basically ate mo ako kaya tigilan mo yan."
"Why? May nagawa ba ako mali? I'm just starring at you at wala ako nakikitang problema dun. Gusto ko lang naman magpakilala dahil magkaklase tayo. Magkikita tayo hanggang sa matapos ang school year. By the way, I'm Justine Lopez. Ikaw?"
Inilahad pa ang kanyang kamay senyales na gusto niya makipagshake hands.
"Gabriella Fuentes." Hindi ko iniabot ang kamay ko bagkus ay tumayo na ako bitbit ang pinagkainan ko. Narinig ko pa nagsalita ito.
"Sungit."
Pinapalit ko na ang apelyido ko. Iyon ang gusto ni dad. Apelyido kasi ni nanay ang matagal kong ginamit. Wala naman masama kung gamitin ko ang Fuentes. Pumayag na din naman si nanay kaya walang problema.
Tapos na ang class ko kaya balak ko ng umuwi. Magcocomute lang ako ngayon dahil nabutas ang gulong ng sasakyan ko. Hindi ko na nahintay na matapos ang pag-ayos nito. Hinatid lang ako ni Carlo kanina bago siya pumasok sa trabaho. Ayoko ng magpasundo pa kaya balak kong magcommute. Ngayon lang naman dahil tiyak na gawa na bukas ang kotse ko. Tsaka sanay naman ako magcommute dahil iyon ang ginagawa ko dati pa.
Malapit na ako sa labas ng Unibersidad ng may tumawag sa pangalan ko.
"Wait, Gabriella. Pauwi ka na ba? Gusto mo bang sumabay sa akin? I will give you a ride."
It was her makulit na kaklase. Si Justine.
May itsura naman ang lalaking iyon. Kaso di niya feel. Mukha kasi siyang badboy. Baka ano pang gawin nito sa kanya. Ngayon lang naman sila nagkakilala.
"No thanks." Sagot ko lang.
"Ang tipid mo talaga magsalita no? Binabayaran ba ang laway mo?"
"Feeling close?"
"Close na tayo di ba?"
"In your dreams."
"Tara na." Kinuha ni Justine ang kamay ko at nagsimula ng maglakad. Pilit kong inaalis ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak nito. "Let me go. Ayoko nga."
Mas lalo pa humigpit ang paghawak niya. Nagulat naman ako bigla ng may lumapit na lalaki sa amin at inaalis ang pagkakahawak sa akin ni Justine.
" Let her go. " Nang makawala ang kamay ko ay bigla niyang sinuntok si Justine. Napatakip pa ako ng bibig nang makita ko siya na napahiga at hawak ang panga na nasuntok. Bumangon ito at akmang gaganti ng suntok nang pigilan sila ng mga guard.
Hinarapan ko ang lalaking nanuntok it was Xander. Ang tagal niyang di nagparamdam tapos ngayon ay bigla bigla na lamang nanuntok.
"What the hell are you doing? Bakit mo siya sinuntok?"
"I saw him taking you forcely. Kaya pinigilan ko siya. May masama ba sa ginawa ko?"
"What are you doing here, then?"
"Sinusundo kita, Ella. Let's talk. Please. Just once."
Pinagbigyan ko na siya sa gusto niya. Wala naman siguro masama. Sumakay sila sa kotse nito. Nakatingin lang ako sa labas habang nagbabyahe. Di ko din alam kung saan kami pupunta. Tahimik lang ako. Wala din naman ako masasabi.
"Who's that guy? Nanliligaw ba yon sa iyo?" Binasag ng binata ang katahimikan.
Hinarapan ko ito. "Wala ka na don."
Ewan ko bat iyon ang naging sagot ko. Alam ko nainis din ito sa narinig.
"Okay." Yon lang ang nasagot niya.
Wala na sa amin ang nagsalita pa. Hanggang sa nakarating kami sa isang resto. Umupo na kami at nagsimulang mag-order.
"Anong sasabihin mo? Just tell me para makauwi na ako."
Malungkot ang mga mata ni Xander. Naawa tuloy ako sa kanya. Ano ka ba Ella? Walang ginagawang masama yung tao. Bakit todo ka magsungit sa kanya?
"I'm sorry kung di ako nagparamdam sa iyo ng ilang months. May problema lang sa pamilya at sa company."
"Hindi mo kailangang magsorry. Bakit ka nagsosorry? Wala namang tayo."
Napayuko si Xander. Hindi ko alam bat nasabi ko iyon sa kanya. Ang harsh ko.
"I know. Pero.... pero wala ba talagang pag-asa? Kahit kaunti lang? May iba ba? Yung lalaking yon ba?"
Hindi naalis ang mga mata ko sa kanya. Ramdam ko ang lungkot sa kanya. Para ngang malapit na itong umiyak. Wala ba talaga siyang pag-asa? Ewan niya, di siya sigurado. May iba ba siya? Wala. Ano ba kasi nasa isip niya? Ang masasaktan lang siya? Kay Dice, kay Carlo. Gusto pa ba niya dagdagan? Bakit ba advance siya mag-isip? Masasaktan kaagad?
Kilala mo naman si Xander di ba? Siya yung Prince Charming mo. Ipagtatanggol ka niya, hindi ka niya sasaktan.
"Wala akong iba Xander. Kaklase ko lang si Justine."
"Then why? Bakit hindi pwede? Tell me para maintindihan ko."
"Natatakot ako, Xander. Ayoko na masaktan. Lagi lang ako nasasaktan pag nagmamahal ako. Baka kapag nasaktan ulit ako hindi ko na makayanan pa."
"Sinong nagsabi na masasaktan ka? Hindi ko magagawa sa iyo yon. Kung hahayaan mo lang ako ay papatunayan ko sa iyo ang sarili ko. You will be the happiest woman in the world."
Hindi ko napansin na tumutulo na ang mga luha ko. Na touch kasi ako sa sinabi niy. Alam ko sincere ang mga salitang iyon. Pero bakit may pumipigil? Puru negatives ang naiisip niya.
"I'm sorry." Iyon lang ang nasabi niya at nagwalk out ito.
Palabas siya ng resto na umiiyak. May mga napatingin sa kanya. Rinig din niya na tinatawag siya ni Xander pero hindi ito lumingon.
Nasa labas na siya at umiiyak pa rin.
"Gabriella."
Nilingon niya ito. "Tigilan mo na ito Xander. Sorry. Pero wag nalang ako."
Niyakap siya ng binata pero pilit siyang kumakalas. Buong pwersa niya ito itinulak. Pero nagulat siya sa susunod na ginawa ng binata. He kissed her. Sa labi. Gusto niya ulit itong itulak pero parang nawalan siya ng lakas. That kissed warm her heart. Parang nawala lahat ng bigat sa kalooban niya. Napansin na lamang niya ang sarili na tumutugon na ito sa halik ng binata.
Ngayon, sigurado na siya. This man will make her believe in forever again.