Episode 12

1015 Words
Paboritong tambayan ko ang kapag wala kaming pasok ang playground malapit lang sa aming bahay. Kapag kasi naglalaro ako ay nakakalimutan ko ang problema ko. Ang swing ang siyang karamay ko kapag umiiyak na ako. Ano bang kasalanan ko sa kanila? Bakit hindi nila ako tigilan sa pambubully? "Gabriella?" Hinarapan ko kung saan nanggaling ang boses. Siya yon. Si Prince Charming ko na nagtanggol sa akin kapag binubully nila ako. Nagulat ako dahil nandito siya. Malapit lang kaya dito ang bahay nila? Noong isang araw ay absent siya kaya wala na naman siyang kakampi noong binully siya.  "Anong ginagawa mo dito? Malapit lang ba ang bahay mo dito?" tanong ko sa kanya. Nilapitan niya ako at sumakay sa isa pang swing sa right side ko. "Kasama ko si mama, may kinausap lang siya kaya nagpaiwan nalanh muna ako dito at babalikan. E ikaw? Taga dito ka ba? Bakit umiiyak ka?" "Malapit lang dito ang bahay namin." Yun lang ang naging sagot niya. Ayaw niyang sagutin ang tanong nito kung bakit siya umiiyak. "Inaway ka ba ulit ng mga kaklasi natin? Sorry ah hindi ako nakapasok sa school." Nginitian ko siya. Napakaswerte ko naman dahil nandiyan siya.  "Dito ako pumupunta pag malungkot ako." "Edi malungkot ka kaya ka narito? "  "Ay ang kulit. Malamang! Kaya nga ako nandito di ba?" Inis na sagot ko sa kanya.  "Edi paborito mo na ang lugar na ito? Lagi kasi kita nakikitang malungkot. Ibig sabihin lagi ka nagpupunta dito." Gusto ko matawa. Hindi ko alam kung nambubusit lang siya sa sinabi niya. Pero totoo naman. Gaano ba ako kadalas maging masaya? Sa tingin ko mas madalas pa akong malungkot kaysa masaya.  "Siguro." Tanging sagot ko lang. "Edi dapat madalas din ako nandito."  Tinitigan ko siya ng mabuti. "Bakit naman? Madalas ka din bang malungkot?" Usisa ko. "Hindi." "E bakit ka pupunta dito?" "To comfort you. To make you happy." That was one of the happiest memory ni Ella kasama si Xander. Doon lang niya naramdaman na may alaga siya, liban sa nanay niya. Akala niya ay wala ng ibang taong magpapahalaga sa kanya. But there is Xander. Her Prince Charming, her knight in shinning armor. Super thankful siya sa lalaking ito. Bakit ba kasi ngayon lang niya naalala ang lahat ng ito?  Si Xander na kaya ang hinihintay niya na forever? Sana nga. Dahil last na ito. Kapag nasaktan pa siya dito ay mas maigi nalang na tumanda siya na dalaga.  IT'S been one week simula ng mangyaring iyon sa resto. Yung naghalikan kami. Sa oras na iyon ay hinayaan ko ang sarili na sumugal sa nararamdaman ko. Wag naman sana siya masasaktan. Lagi ako sinusundo ni Xander pagkataos ng class ko. Nakilala narin siya ng family ko. Boto na nga si Papa at Inay sa kanya. Inaasar pa ako ni Kuya Carlo na sumabay na daw kami ng kasal sa kanila. Wow ah? Di ko pa nga sinasagot kasal agad? Darating din tayo diyan.  "Hey, Gabriella. Free ka ba mamaya?"  It was Justine. Wala pa ang prof namin kaya kinakalikot ko lang ang phone ko. Hindi ko sana siy sasagutin sa tanong niya kaso tumabi pa ito ng upuan at nilapit ang mukha sa akin. Naasiwa tuloy ako sa ginawa niya. "Sorry pero wala akong time."  Wala naman talaga akong time. May lakad kami ni Xander. At kahit wala kaming date ni Xander ay hindi ko siya bibigyan ng oras ko. "Ang sungit mo talaga no? Araw-araw ka sigurong may dalaw?" "Nagsasabi ako ng totoo, may date ako mamaya, happy?" Tumayo ako at lumipat ng pwesto. Naiinis kasi ako sa kakulitan niya. Araw-araw niya ako kinakausap pero wala akong kainte-interes sa sinasabi niya. Hindi ko na dinadala ang kotse ko. Hinahatid kasi ako ni Carlo sa school bago siya pumunta ng Company tapos si Xander naman ang sumusundo sa akin. Walang palya.  Katatapos ng klasi ko. Stress na stress ako sa dami ng reports at projects namin. Bago ako lumabas ng school para hintayin sa labas si Xander ay nagretouch muna ako. Kinuha ko ang press powder sa bag at naglagay sa mukha dahil oily na ito. Naglagay din ako ng lipstick at nagpabango.  "Naks. Nagpapaganda si ateng sa date niya ah." Hindi na ako nagulat ng harapan ko ang nagsalita. It was Justine again. Wala naman ibang ginawa ito para asarin siya. Hindi na lamang niya ito pinansin at lumabas na ng Unibersidad. Nasa tapat palang siya ng gate ay nabungaran ko na si Xander. Nakasandal ito sa labas ng kotse at kinakalikot ang cellphone. "Nasa labas na ako. I'll wait for you here."  Hindi na ako nagreply dahil malapit na din naman ako sa kinaroroonan niya. Nakita naman ako agad ni Xander at nagwave sa akin. I smiled at him at patakbo ko na siyang tinungo.  "How's your day?" Tanong sa akin ni Xander habang nagdidrive ito.  "Medyo pagod lang dahil sa daming ginagawa sa school. I need sweets."  "So you need me pala? " Nagloading ako sa sinabi niya. Napatawa na siya pero ako nag-iisip pa rin. Ano daw?  "Ano ba yan Gab. Ang hina naman ng signal mo. Nakakatawa ka tuloy." Sandali ko siya tinitigan. Mas lalo siyang gumwapo dahil sa pagtawa niya. Lalo tuloy bumilis ang lagtibok ng puso ko.  "Happy? Happy?" Inis na tugon ko. NASA milktea shop na kami. Nag-order siya gusto kong flavor ng milktea at dalawang slice ng cake. Nag-aasaran lang kami dalawa habang kumakain. Napagkwentuhan namin ang childhood memories namin. Sobrang kampante na ng kalooban ko sa kanya. Lagi na ako ngumingiti pag kasama ko siya. Lagi nga siya nagjojoke kaso ang corny naman. Minsan naman nagloloading ako dahil di ko gets ang mga jokes niya. Para nga kaming mga bata kapag humahagikgik, halos lingonin pa kami ng mga nasa katabi naming table pero wala kami pakealam.  Nasa byahe na kami. Pauwi na din kami dahil alas siyete na ng gabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin natigil sa pagjojoke ang binata. Napapatawa lang ako hindi sa joke kundi sa kakornihan niya. "I love you Gabriella." Sandali namayani ang katahimikan. Hinarapan ko siya pero siya naman ay nakatitig sa daan at nakafocus sa pagdidrive. Hindi ko alam kung ano isasagot ko. Nakatitig lang ako sa kanya pero hindi pa rin siya nililingunan ni Xander. Sa pagkakataong ito ay walang negative comments ang isip niya. Sobrang gaan ng pakiramdam niya.  "I love you too, Xander."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD