XANDER'S POV
Sobrang saya ko kapag kasama ko si Gabriella. It feels like heaven with her. Lagi lang kami tumatawa. Joke dito joke doon ang ginagawa ko para lang mapasaya siya kahit alam kong corny ako. Sobrang komportable kaming dalawa sa isa't isa. Ngayon ko lamang siya nakita na ganito kasaya. Ibang iba na siya sa Gabriella na nakilala ko noon na laging malungkot at umiiyak. Noon pa lang ipinangako ko na sa sarili ko na pasasayahin ko siya palagi. Pero mukhang mas ako ang masaya pag kasama ko siya. Ikaw ba naman kasama mo ang babaeng mahal mo, di ka sasaya?
Sobrang saya ko noong nahalikan ko siya. Parang gusto ko patigilin ang oras ng mga oras na iyon. Mas lalo pa akong sumaya ng tumugon siya sa mga halik ko. That moment nabuhayan ako ng pag-asa. Alam ko may pagtingin din siya sa akin.
Pumayag na siya na ligawan ko. Halos mapasayaw pa ako sa sobrang saya ko. Daig ko pa ang nanalo sa lotto sa sobrang saya. Minsan nga ngumingiti pa akong mag-isa. Para na akong baliw. Napansin iyon ng mga magulang ko. Naikwento ko naman ang tungkol kay Gabriella dahi pilit nila inuusisa kung bakit ganoon ang kinikilos ko. They want to meet her. Soon sabi ko. Pag sinagot na niya ako.
Araw-araw kong sinusundo si Gabriella paglabas niya sa school. Siyempre kailangan ko patunayan ang sarili ko sa kanya. She even introduce me to her family. Kilala ko na ang pamilya niya at sobrang thankful ko dahil welcome ako sa kanila. Madalas nga kami inaasar ng daddy niya kung kailan ang kasal. Ganoon kaboto sa akin ang daddy niya. Siyempre, darating din kami doon. Malapit na.
Niyaya ko siya na magdate after ng klasi niya. Alam ko pagod siya at stress sa mga projects niya pero naglaan pa rin siya ng oras para sa akin. Nakakatouch naman. Dinala ko siya sa isang milktea shop. Gusto niya daw ng sweets.
Halos nag-aasaran lang kami sa buong stay namin doon sa shop. Para nga kaming mga bata kung tumawa. Wala kami pakealam kahit pagtinginan kami ng mga tao doon dahil sa sobrang ingay namin.
Kapag kasama ko siya ay lagi kong hiling na tumigil ang oras. Feeling ko nga kahit maghapon kami magkasama ay kulang na kulang iyon sa akin. Ganoon ko siya kagusto. Ipinangako mo sa sarili ko na hinding-hindi ko siya sasaktan. Siya ang buhay ko. Siya lang ang gusto ko. Wala ng iba.
Pauwi na kami galing milktea shop. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto ko siyang halikan muli. Natatakot lang ako baka magalit siya bigla pag ginawa ko iyon ng walang dahilan.
Sa daan lang ang tingin ko habang nagdidrive. Ayaw ko siyang titigan. Lalo kasi ako nafafall sa kanya. Baka hindi ko din mapigilan ang sarili ko na halikan siya kapag nagpatuloy pa ako sa pagtitig sa kanya.
Sandali kami natahimik pareho. Walang nagsasalita sa aming dalawa. May gusto ako sabihin sa kanya. Ito na ba pagkakataon ko? Say it Xander. Say it.
"I love you, Gab."
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para masabi ko iyon. Sinabi ko iyon ng hindi tumitingin sa kanya. Nakafocus lang ako sa pagdidrive. Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon niya. Mahina lang ang pagkakasabi ko pero alam kong narinig niya ako. Pero bakit hindi siya sumagot? Nakaramdam tuluy ako ng konting hiya.
Nagsisisi tuloy siya kung bakit nasabi niya pa yun. Hindi iyon ang tamang oras para sabihin yon. Tsaka nanliligaw palang ito kaya wag siyang magexpect na sasagot ito sa kanya.
Alam niya sa side vision niya ay nakatingin sa kanya si Gabriella. Gusto niya itong harapan kaso nahihiya siyang tumingin.
Ilang minuto ng nababalot ng katamikan. Naging awkward tuluy ang paligid sa kanilang dalawa.
Wag kang umasa Xander na sasagot siya kaagad ng I love you too. Ano ka sinuswerte? Halos kakaumpisa mo palang manligaw. Wag kang assuming. Kahit gwapo ka, hindi ganoon kadali ang lahat. Take her time. Masasabi din niya yan sa iyo. Not now but soon.
Ano kaya iniisip ni Gabriella? Gusto ko malaman. Baka kasi naiinis na pala siya sa akin di ko pa alam. Sana sumagot siya. Kahit I hate you lang. Kesa itong wala siyang sinasabi. Nahihiya tuloy ako sa kanya. Say something Gabriella. Say something.
"I love you too, Xander. "
Hindi ako mali ng dinig di ba? Sumagot siya. Parang hindi ako makapaniwala. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Tumatalon na yata ang puso ko sa sobrang saya.
Itinigil ko ang kotse at hinarapan siya. Nagulat ako ng tingnan ko siya ay may tubig na sa gilid ng kanyang mga mata. Is she crying? Why?
Pinahiran ko ang mga luha niya at ngumiti.
"Why are you crying, Gab?"
Hindi siya sumagot. Bagkus ay niyakap niya ako ng sobrang higpit. Niyakap ko din siya sa likod. Humahagulgol na siya. Di ko alam kung bakit siya umiiyak? Tears of joy? Pero mas masaya ako.
Bumitaw siya sa pagkakayakap at tinitigan ako. Alam ko mangungusap ang mga mata nito. Tila may gusto siyang sabihin.
"Xander. "
"Hmmm. May gusto ka bang sabihin?"
Tumango ito.
"Just tell me."
"I read your letter doon sa binigay mo na teddy bear."
Naalala ko iyon. Ng mga panahon na malapit na kami umalis kami papuntang States ay binigyan ko siya regalo. Chocolates at isang pink na teddy bear. Hindi ko kayang magpaalam sa kanya ng personal dahil hindi ko kaya kaya nagsulat nalang ako ng sulat at doon ko sinabi ang lahat ng gusto kong sabihin.
I smile to her.
"Natatandaan mo pa ba ang sinulat mo doon? "
"Oo naman. Di ba sabi ko babalikan kita, that's why I am here. I said na ipagtatanggol pa rin kita at ako ang forever Prince Charming mo. I even said na paglaki natin ay liligawan kita kaya di ka pwedeng magligaw sa iba. Nagawa ko na din iyon. Halos nagawa ko na lahat ng sinabi ko diba? Isa na lang ang hindi."
Seryoso ang mga tingin sa akin ni Gabriella.
"Na pakakasalan mo ako?" She answered.
Napangiti ako sa sinabi niya. Alam niya pala yon. Yes iyon na nga lang ang hindi natutupad pero alam ko mangyayari din iyon.
"Yup. Kaya dapat sagutin mo na ako para maging girlfriend na kita then kasal na noon diba?" Pabiro ang sabi kong iyon pero hindi biro ang naging sagot niya.
"Ok then. Sinasagot na kita."