Sinagot ko na si Xander. Bakit ko pa patatagalin? Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganito. Six years ago noong huli ko itong naramdaman. Sana naman ay hindi katulad noon ang wakas ng love story ko. Ayoko ng maranasan ulit iyon. Alam ko na hindi katulad ni Xander ang ibang mga lalaki na manloloko. Iba siya. Ibang-iba siya kay Dice.
Teka bakit ko naman siya naaalala ngayon? Wala ng dahilan para alalahanin ko pa siya. Ang walang kwentang lalaking iyon ay hindi ko na dapat iniisip pa.
E paano kung magkita kayong muli? Ano ang gagawin mo Ella? Wala! Wala siyang gagawin dahil walang dahilan para pag-aksayahan pa ito ng panahon niya. Wala na siyang pakealam pa. Hinihiling na nga niya na mamatay na iyon dahil sa sobrang sakit ng ginawa nito sa kanya. Ganoon ba kababa ang tingin niya dito para lang paglaruan ang damdamin niya?
Nalaman na din ng pamilya ko ang tungkol sa amin ni Xander. Mas masaya pa nga sila kaysa sa akin e. Ganoon sila kaboto sa kanya. Balak na din niya ako ipakilala sa pamilya niya. Wala akong ideya kung sino sila. Wala naman siya naikwentong iba maliban sa kapatid niya na nasa ibang bansa daw. Excited akong makilala sila pero may kaba din. Magugustuhan kaya nila ako? Sana. Naiisip ko kasi na baka katulad din sila ng mga magulang ni Dice na ayaw sa akin kahit di pa ako nakikita o nakikilala man lang ay kaagad akong hinusgaan. Hindi naman siguro. Dahil kahit papaano ay may kaya na kami sa buhay. Thanks to dad.
Naisip ko bigla. Parang gusto ko na na magkrus muli ang landas namin ni Dice. Bakit? Dahil gusto kong ipamukha sa kanya na nagkamali siya na iwanan ako. Gusto kong pagsisihan niya na pinakawalan pa niya ako.
BAWAT araw ay pinaparamdam sa akin ni Xander kung gaano niya ako kamahal. Napakasweet, lovable at caring niya sa akin. Para akong prinsesa kapag kasama ko siya. Naging spoiled brat na nga ako dahil lahat ng gusto ko binibigay niya. What a perfect boyfriend. Sana hindi siya magbago. I see my future with him. Naiimagine ko nga ang sarili ko na magiging asawa ko at magiging ama ng mga anak ko. Ganoon ba talaga ang feeling pag sigurado ka na sa taong mahal mo? Sana nga. Gusto ko siya na ang makakasama ko hanggang sa pagtanda ko. I can wait to see that coming. Soon. Very soon.
Nasa school na ako. Kaso wala pa ang prof namin kaya nagcecellphone lang ako dahil inip na inip na ako. As usual kinukulit na naman ako ni Justine. Ang lalaking ito ay wala yatang kasawa-sawa sa pang-iinis sa akin. Kahit sungitan ko ay lapit parin ng lapit. Gusto ko nga siyang tanungin kong may gusto ba ito sa akin. Ayokong mag-assume. Tsaka kung magkagayon man, sorry na lang siya kasi may Xander na ako. At kulang na kulang siya ng isang daang ligo para mahigitan ang mahal ko.
"Bakit ba lapit ka ng lapit sa akin? Kung aasarin mo nanaman ako. You better get out."
"Gusto ko lang makipagkaibigan sa iyo. Wala ka din naman kaclose sa mga kaklasi natin. Kaya advantage na din sa iyo to no. Swerte mo at may nakikipagkaibigan sa iyo na gwapo." Confident na sabi nito.
"Wow ah. Gwapo? Saan banda?"
"Side by side. Basta lahat ng may side." Patawa nitong sagot sa akin. Inis na injs na talaga ako sa lalaking ito. Kung wala lang kami sa loob ng room tinadyakan ko na ito sa takong ng suot kong sandals.
"May gusto ka sa akin no?" Panghahamon na tanong ko.
"Paano kung sinabi kong oo."
"Tell, sorry. May boyfriend ako. Kaya tigilan mo na ako."
Sasagot pa sana ito ng biglang nagring ang phone ko. It was Carlo. nagtataka ako bat kaya napatawag ito? Ano kayang kailangan niya? Bihira lang kasi itong tumawag o magtext sa akin tuwing emergency lang. May ilangan parin kasi sa pagitan namin. Ikaw ba naman malaman mong kapatid mo pala ang nanliligaw sa iyo.
Lumabas muna ako ng room dahil medyo maingay sa loob dahil sa daldalan ng mga kaklase ko.
"Hello. Bakit napatawag ka? May problema ba? "
"Gab. Si dad. " Sa tono ng boses niya ay halatang galing ito sa pag-iyak. Bigla tuloy akong dinalaw ng kaba. May masama bang nangyari kay dad? Wag naman sana.
"What happen to dad? Tell me Carlo!"
"Nasa hospital kami. Nabaril si dad. Pumunta kana dito. We will wait for you."
Hindi na ako nagdalawang-isip na pumunta sa hospital. Nagcutting class na ako. Tinext ko na din kay Xander pumunta ako sa hospital at sinabi ang nangyari kay dad. Baka kasi sunduin pa niya ako sa school kapag di ko agad nasabi. Patapos nadin naman ang klasi namin.
Nagtaxi na ako papunta sa hospital na itinext ni Carlo. Hindi ko mapigilang maiyak sa nangyari kay dad. Sino kaya may gawa nito sa kanya? Sana maging okay lang si dad. Di ko kaya pag may nangyaring masama sa kanya.
NASA labas ng operating room sina tita Nelia, Carlo at Sandra. Lahat sila ay umiiyak na. Nang makita ako nila ako ay nilapitan ako ni tita Nelia at niyakap ako.
Napaluha na din ako ng yakapin ako ni tita.
"Tita, kumusta sa dad? Okay lang po siya di ba?"
"Kasalukuyan siyang inooperahan. Of course. Matapang si Charlie kaya alam kong malalampasan niya ito."
Mahigit isang oras na pero wala paring lumalabas na doctor. Halos lahat kami ay hindi na mapakali.
Dumating si Xander at agad akong niyakap. Patuloy lang akong lumuluha dahil sa pag-iisip kay dad. Sana maging successful ang operasyon niya.
LUMABAS ang isang nurse. Lahat ng nasa operating room ay aligaga. I know there is sometbing wrong sa loob. Pero ayokong mag-isip ng negative. Alam kong kakayanin ito ni dad.
Dinig na dinig namin ng biglang mag flat line ang ECG monitor. Lahat kami ay nataranta at pumasok na sa operating room. Lahat kami ay nag-iiyakan na dahil nakikita namin na nirerevive na si dad.
No this can't be. Hindi pweding mamatay si dad. Wag muna. Hindi ko kaya.
"Dad, lumaban ka." Pasigaw na sagot ko. Yakap yakap ako ni Xander at pilit na kinakalma. Pero hindi ko kaya. Para akong nabingi sa mga sumunod kong narinig mula sa isang doctor. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko tanggap. No...
Time of death: 5:19 pm.