"Salamat, anak kasi napatawad mo na ako. Alam ko malaki ang pagkukulang ko sa inyo ng nanay mo noong iwan ko kaya. Pero pangako babawi ako sa inyo."
"Tay, wag na po nating balikan ang nakaraan. Ang mahalaga po ay bumalik kayo."
"I love you my princess."
"Mahal din po kita tay."
Niyakap ko ng mahigpit si itay. Alam ko kung gaano niya ako kamahal. Araw-araw niya itong pinaparamdam sa akin. Ganoon pala ang pakiramdam na may tatay ka. Kahit may nanay na ako ay iba parin kapag kasama mo silang dalawa. Noong una ay hirap akong tanggapin si tatay dahil sa ginawa niyang pang-iiwanan sa amin ni tatay. Siya din kasi ang dahilan kung bakit ako nabully ng mga kaklasi ko. Pero kahit ano namang gawin ko, kahit pabalik-baliktarin ang mundo hindi mag-iiba ang katotohanan na ama ko siya. Kung hindi dahil sa kanya ay wala ako sa mundong ito. Iyon ang isa sa dahilan kaya kahit papano ay naging magaan ang pagpapatawad ko sa kanya.
Hindi naman ako nagkamali na bigyan siya ng second chance. Sa halos tatlong dekada naming paghihiwalay ay bumawi siya. Pinaramdam niya sa akin ang responsibilidad niya bilang ama.
Noong una ay makaramdam din ako ng hirap lalo na ng magalit sa amin si inay. Halos pagtabuyan na niya ako papunta sa ama ko. Pero naisip ko na hindi ito ang gusto ko. Ang gusto ko ay makumpleto kami at matawag na masaya at kumpletong pamilya.
Nanghihinayang ako nang malaman ko na may iba na palang pamilya si dad. Akala ko matutupad na ang pangarap ko na magkakasama sama na kami. Pero di nagtagal ay natanggap ko na rin. Mabait naman sa akin si tita Nelia at tinuturing na akong sariling anak. Ganoon din sina Carlo at Sandra. Kaya kahit papaano ay may matatawag na ako na pamilya.
Ang lambing sa akin ni dad. Lagi niya din akong pinapaalalahanan sa mga bagay bagay. Ang sarap lang sa pakiramdam na alam mong gina-guide niya ako sa mga desisyon ko sa buhay.
Siya din ang isa sa dahilan kung bakit hindi na ako ulit takot magmahal. Siya ay nagpalakas ng loob ko para tanggapin sa buhay ko si Xander. Bilang lalaki, ramdam daw ni dad kung gaano ako kamahal ni Xander. Sa kanya na mismo nanggaling. Sobrang boto siya sa manok niya. Haha.
Mapang-asar din si dad. Lagi niya sinasabi na wag ko daw siya kalimutan pag nag-asawa na ako. Paano naman mangyayari iyon? Baka daw pag nag-asawa na ako ay mawalan na ako ng oras sa kanila. Advance mag-isip ah. Boto na boto siya kay Xander at gustong-gusto na niya kami makasala pero ganyan naman naiisip niya.
Lahat ng bagay ay nasiayos na. Wala na nga akong mahihiling pa sa buhay. May health and wealth na kami, buo na ang pamilya ko at may love life pa ako. So ano pa bang kulang? Siguro ay tapos na ang pagkamiserable ng buhay ko. Panahon na ito para sumaya na ako. May kasabihan nga na here uis always rainbow after the rain.
Pero lahat ng ito ay mukhang maglalaho na lang bigla dahil sa trahedyang nangyaring ito sa buhay ko. Hindi ito totoo di ba? Hinding-hindi. Ayokong maniwala. Di ako iiwan ni dad. Ngayon ko lang nakasama si dad. Bakit babawiin na naman siya sa akin.
"Dad, wake up. Wag mo kaming iwan. Sabi mo babawi kapa sa akin, kaya di ka pwedeng umalis. Dad.. Dad."
Niyakap ko siya habang binalot na siya ng mga nurses sa buong katawan ng kumot. Humahagulgol kaming lahat sa loob ng operating room.
Ang unfair naman talaga ng buhay. Sandali lang ang saya ko dahil ngayon miserable na naman dahil wala na si dad. Hindi ako papayag. Magbabagad ang may gawa nito. Sisiguraduhin kong magbabayad silang lahat.
"Dad, don't leave us. Buksan mo ang mga mata mo."
Niyakap ako ni Xander. Halos wala na akong lakas para gumalaw pa. Mabuti nalang at nandito si Xander para alalayan ako.
"Kumain ka muna, love. Hindi ka pa kumakain magmula noong lunch time. Baka ikaw naman magkasakit." alalang sabi sa akin ni Xander. Pero wala akong gana. Paano pa ako makakakain, wala na si dad. Hindi ko tanggap.
"Hindi ako gutom, kayo na lang. Di ko iiwan si dad dito. Hihintayin ko siyang magising."
"Gab, alam ko mahirap, pero wala na si tito. Nasa mabuti na siyang kalagayan."
"No. E ako nasa mabuti ba akong kalagayan? Dapatbdin ba akong mamatay para bumuti din ang kalagayan ko?!"
"Stop saying nonsense Gab. Nandito kami. Hindi ka namin iiwan."
Mas lalo pang umigting ang pag-iyak ko. Parang hindi ko na kaya. Parang nawalan din ako ng lakas. Gusto kong makasama si dad. Magiging magaan na siguro ang kalooban ko kapag ganoon ang nangyari.
Ano na gagawin ko? I want to die, also. Masyado na kasing masakit ang mga nangyayari sa akin. Pag namatay na ako saka lamang ito mawawala.
"How can I handle it, Xander? Parang gusto ko na ding mamatay. I want to be with dad."
"No. Makakaya natin to. I am here. Nandiyan din sina tita Nelia at Tita Gina, Carlo at Sandra. Makakaya natin to. Laban lang."
Hinaplos ko ang mukha ni Xander. Katulad ko ay umiiyak na din ito.
"Thank you sa lahat, love and I love you. "Yun lang ang nasabi ko at tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.
"Wake up, love . You are dreaming."