Episode 16

1029 Words
Naramdaman kong may tumatapik sa aking pisngi. Naririnig ko din na may tumatawag sa aking pangalan. Daan-daan akong naimulat ang aking mga mata at agad kong nabungaran ang gwapong mukha ni Xander. Nakasandal ang ulo ko sa kanyang balikat. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na nasa harap pa kami ng operating room. Hindi ko na din alam kong ano na ang nangyari.  "You are dreaming, Gab. Kaya ginising na kita."  Tinitigan ko si Xander ng mabuti. What he is saying? Panaginip lang ba yon? Nanaginip lang ba ako na wala na si dad? Kung ganoon edi maganda. Muli akong nabuhayan. Hindi pa patay si dad. Hindi niya pa kami iniwan. Si Carlo na lang din ang nakita kong naroon. Nakayuko ito at malalim din ang iniisip. Wala na sina Tita at Sandra. Marahil ay umuwi na muna.  "How is dad?" Unang naging tanong ko.  "He's fine love. The operation is successful pero wala pa din malay si tito until now." Sobrang saya ko. It's confirmed. Dad is alive. Lumapit sa amin si Carlo. "Xander, iuwi mo muna si Gab para makapagpahinga na din siya. Ako na magbabantay kay dad." Hinarapan ko si Carlo. "No. Dito lang ako. Gusto ko nandito ako pag nagising na si dad."  "Gab look. May pasok ka pa bukas. Kaya magpahinga na kayo. May trabaho din si Xander." "Ayoko. Hindi ako uuwi hanggat hindi ko nakikita na nakadilat na ang mga mata niya." "Gab wag na matigas ang ulo. Ako na ang bahala sa lahat. Including those bastards na gumawa sa kanya nito." Sandali ako natigilan. Yeah, kailangang magbayad ng gumawa nito sa kanya. Hindi ako makakapayag na hindi sila makulong laht. Kahit magtago sila sa dulo ng mundonay hahanapin niya ang mga ito.  "May ideya ka na ba kung sino sila?" Si Xander na ang nagtanong. "Yes. Pero kailangan pa natin ng mas matubay na ebidensiya." "Sino ang pinaghihinalaan mo?" "It's Mr. Julio Lopez. Siya lang ang alam kong may galit kay dad." "Whose that Carlo? Anong kasalanan ni dad sa kanya para gusto niya itong patayin?" Sabt ko sa kanila. "Kalaban siya sa negosyo ni dad. Nalugi sila. Sinisisi nila si dad. But God knows wala siyang gunawa na masama. Noong isang araw pumunta siya sa Company. Pinagbantaan niya si dad."  "I will help, Carlo para makulong siya." sabi ni Xander. HINATID na din ako ni Xander sa bahay. Bigla kong naalala si nanay. Hindi ko pa pala siya nasabihan tungkol sa nangyari kay dad. Nawala sa isip ko dahil sa pag-aalala sa nangyari.  "Nay, sorry kung di ko agad nasabi sa iyo. Si dad kasi... si dad, nabaril siya." Napatingin siya sa akin at napatigil sa paghuhugas ng mga pinggan. Katatapos lang kasi naming kumain. Hinitay niya pa ako para sabay na kami.  Nagulat ako sa reaksiyon ni nanay. Akala ko ay magwoworry iyo kay dad dahil papaano ay may pinagsamahan silang dalawa. Pero parang wala lang ito sa kanya at nagpatuloy na sa ginagawa siya.  Nakaramdam ako ng kaunting lungkot. Halos mag-agaw buhay si dad pero mukhang wala lang kay nanay. Siguro ay hindi pa niya lubusang napapatawad si dad. Darating din siguro ang araw na tuluyan na niyang mapapatawad si dad. Not now but soon.  MAAGA akong gumising para pumasok pa sa school. Exams din kasi namin kaya no choice ako kahit ayaw ko talagang pumasok dahil gusto kong bantayan si dad sa hospital. Dadaan pa ako sa bahay nina dad para kunin ang kotse ko dahil ayaw ko ng magpahatid kay Carlo dahil alam kong pagod din siya.  Pagkatapos ng exams ko ay dumeretso na ako sa hospital. Susunod na lang daw si Xander dahil may kailangan pa siyang tapusin sa opisina.  Naroon na sina Tita at Sandra at nagbabantay na kay dad. Wala pa rin maly si dad. "Hello po tita. Hello Sandra." Bati ko sa kanila at niyakap sila. "Hija. Nandito ka pala. Dapat ay nagpahinga ka muna. Alam kong pagod ka din sa school." "Ayos lang po ako, tita.Gusto ko pong magbantay kay dad. Gusto ko po narito ako sa tabi niya pag nagising na siya.  "Oo nga. Sana gumising na ang daddy niyo. Hindi din ako makatulog kafabi sa kakaisip sa kanya. Akala ko iiwan na niya tayo. Pero kilala ko siya. Alam ko matatag ang daddy niya kaya malalampasan niya rin ito." "Opo tita. Alam ko din po iyan." "Wala ata si Drake? " tanong bigla ni Sandra. Nakunot ng bahagya ang noo ko. Maka Drake naman ito kala mo ganoon sila ka close. Hinayaan ko nalang at ngumiti. "Nasa opisina pa si love. May tinatapos na trabaho. Inaasikaso niya din kasi ang kaso ni dad." Hinarapan ko si tita Nelia at sertoso ang mukha nito. "May alam ba kayo kung sino ang may gawa nito sa kanya?" "Yes tita. Si Carlo po ang may sabi. Meron daw po nagbanta sa kanya sa Conpany noong isang araw. Iyon ang suspetiya niya na bumaril kay dad. Don't worry tita mabibigyan ng katarungan ang ginawa nila kay dad. Makukulong silang lahat na may gawa nito sa kanya." "Dapat lang. Dahil hindi ako papayag na hindi mabibigyang ng hustisya ang nangyaring ito sa asawa ko." Halos magkwentuhan lang kaming tatlo sa room ni dad. Kahit papaano naman ay hindi kami naiinip sa paghihintay na magising si dad. Sandaling nakarandam kami ng gutom ay inutusan ni Tita Nelia si Dandra na bumili ng makakain sa labs ng hospital. Tumalima naman ito kaagad.  Patuloy lang kami nagkukwentuhan ni Tita Nelia. Napakabait talaga niya. Kahit papaano ay masaya na rin ako dahil siya ang napangasawa ni dad. At alam ko mahal nila ang isa't isa.  "Wait lang hija ah. Punta lang ako sa Comfirt Room." Tumango lamang ako sa kanya at pumunta na ito sa cr.  Tinitigan ko si dad. Kailan kaya siya magigising? Gusto ko ako ang una niyang makita pagmulat niya ng kanyang nga mata. I really missed my dad. Yung pang-aasar niya sa akin. Natigilan ako ng biglang magring ang phone ni Sandra. Naiwan niya ito habang bumibili ng makakain sa labas. Nakapatong lang ito sa kinauupuan niya kanina. Katabi ko lang ang upuan na iyon. Ayaw ko sanag tingnan pero parang may nag-uudyok sa akin na tingnan kung sino ang tumatawag. May kuryosidad na namayani ya katauhan ko. Hinawakan ko ang cellphone niya. At bigla akong nanlamig ng mabasa ko ang pangalan sa screen nito. Napahawak ako bigla sa aking bibig. Totoo ba ito? Drake Alexander calling ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD