Hindi ako makagalaw sa pagkakaupo ko. I was shocked. Totally shocked. Andaming pumapasok sa pag-iisip ko. Bakit ganito. Is this even true? Why? How? Bakit tumatawag si Xander sa kanya? Anong meron sa kanila. Sa nakikita ko ay hindi naman sila gaanong nag-uusap pag magkakasama kami sa bahay. Ano ito? Niloloko ba nila akong dalawa? Is Xander having affair to my sister? Sinasaksak ba nila ako patalikod?
I even checked my phone. Hindi naman siya tumawag sa akin o nagtext man lang. Wow ah. Ano ito? Marami naman magkakapangalan. Malay mo kapangalan lang niya? Pilit kong kumbinsi sa sarili ko.
Pero malinaw na ito ang mahal niyang si Xander dahil memoryado niya ang numero nito. Wala na siyang nagawa kundi ang humagulgol na lang.
Lakas loob siyang tumakbo palabas ng room. Hindi na niya kaya pang manatili doon. Baka makitabpa siya ng Tita niya at magtanong ito kung bakit siya umiiyak. Ayaw din niyang mapng-abot silang dalawa ni Sandra sa loob dahil hindi siya handang malaman ang totoo.
Ang malas malas mo naman sa pag-ibig Gabriella. Una kay Dice, tapos si Carlo ngayon naman ay kay Xander na lubos mo ng minamahal. Paano nagawa sa akin ni Xander ito? Akala ko ay iba siya sa lahat ng lalaki. Pero nagkamali pala siya. At ang masakit ay sa kapatid pa niya. Ang lakas ng loob nila na lokohin ako. Humanda silang dalawa sa akin.
Pumunta ako sa parking lot at pumasok sa aking kotse. Doon ko na ibinuhos ang lahat ng luha ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Hindi parin ako makapaniwala sa mga malaman ko. Ang dami dami naring negative comments sa utak ko.
Pinaandar ko ang kotse ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang ay kailangan ko makalimot.
Hindi ko na napansin na dinala na pala ako ng sasakyan ko sa dati naming tirahan ni nanay. Naiisipan kong pumunta sa playground malapit sa aming dating bahay.
Malaki na ang pinagbago nito. Mas gumanda na ito kaysa dati. Marami na rin ang nadagdag na mga swing at slide. Mabuti nalang at wala png mga bata na naglalaro. Atleast kahit umiyak ako ay walang makakakita.
Madalas akong pumupunta dito noong bata ako, kapag malungkot ako.
Umupo ako sa isang swing. Nagsimula na naman akong umiyak. Bakit ganito ang buhay ko? Habang buhay na yata talaga akong malungkot.
May sumpa ba sa buhay ko? Sandali lang ako nagiging masaya pero pag malungkot ako sobra sobra naman.
Naalala ko nanaman si Xander at ang mga pangako niya. Sabi niya sa akin na pasasayahin niya ako. Anong nangyari? Siya ang dahilan kung bakit ano nagkakaganito ngayon.
Halos isang oras na akong nandoon. May mga bata narin na naglalaro at nakatingin sa akin. Iniisip siguro nila na ang tanda ko na para pumunta dito.
Napagpasyahan ko ng bumalik sa kotse ko.
Nang makasakay na ako ay narinig ko na nagriring ang phone ko. Naiwan ko ito dito noong pumunta ako sa playground.
It was Xander. At wala akong balak na sagutin iyon. For what? Baka ano pang masabi ko sa kanya.
Nagsimula ko ng paandarin ang kotse at napagdesisyonan na uuwi na sa bahay.
Dumeretso na ako sa kwarto ko. Wala din naman si nanay baka nagdeliver ito ng mga orders. May online business kasi siya ng mga damit. Kaysa naman daw wala siyang magawa dahil naiinip din siya sa bahay. Tumigil na din naman siya sa paglalabada, utos ni dad.
Humiga na ako sa kama ko. Pero ewan ko ba kung bakit bigla na naman akong naiyak. Hindi ko maiwasang hindi isipan ang ginawa sa akin ni Xander. Sobrang mahal ko na siya. Hindi ko kaya kapag nalaman kong niloloko niya lang ako.
Sa kakaiyak ni Gabriella ay hindi niya namalayan na nakatulog na ito.
Napagising na lamang ito ng may malakas na katok sa kanyang kwarto.
"Love are you okay? Open the door, please."
Gusto na naman niyang maiyak ng malaman na si Xander pala iyon. Anong ginagawa niya dito? Hindi pa siya ready na harapin ito. Baka makita niya palang ang anino ng binata ay humagulgol na siya. Ayaw niyang malaman ang totoo. Natatakot siya.
Wala siyang balak buksan iyon. Aayahan nalang siya ang binata hanggang sa magsawa ito.
Ilang saglit lang ay nagulat ito ng biglang bumukas ang pinto. Nabungaran niya kaagad si Xander na mukhang alalang-alala.
Nagkunot ng noo ang binata ng makita na nakagising naman pala ang dalaga. Nilapitan niya ito sa kama.
"What the hell are you doing, Gab? Pinag-alala mo kaming lahat. Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko? Akala ko kung napano ka na. Ayaw mo din buksan ang pinto kahit gising ka na. Is there something wrong? Tell me."
Nagtaas ng kilay si Ella. Wow ah. Ang lakas ng loob mong sabihin na nag-aalala ka? Ikaw ang dahilan kaya ako ganito? Patay malisya lang ang peg? Ang galing mong maginarte. Naloko mo ako.
"Im okay Xander. Can you see I'm just sleeping. Kaya lang imbis na makapagpahinga ako ay binulabog mo ako!"
Tinitigan ko siya. Bakas sa mukha niya ang gulat ng sumagot ako sa kanya.
"What happen to you, love? May nangyari ba? May nagawa ba akong mali?"
"Wala. Just leave. Gusto ko magpahinga." Iyon lang ang sinabi ko at humiga ako patalikod sa kanya.
"Kung may problema ka Gab just tell me. Nag-aalala din sina Tita Nelia bigla ka daw umalis ng di nagpapaalam."
"I just want to rest Xander, just go away."
Hindi ko na narinig na sumagot si Xander. Kahit nakatalikod ako sa kanya ay alam ko hindi niya nagustuhan ang pagtataboy ko sa kanya.
"Okay fine. Gab. Magpahinga ka na muna. Saka na tayo mag-usap. I love you."
Hindi ako sumagot. Pumatak na ang mg luha ko. Naramdaman kong sumampa siya sa kama at hinagkan ang sa aking noo. Lumabas na ito at sinara ang pinto.
Hindi pa kaya ako nadehydrated? Kanina pa ako umiiyak. Bakit hindi maubos ubos ang mga luhang ito? Kailangan ko na bang tapusin akong lahat? Para matapos na. Para maging masaya na sila ni Sandra. Ako lang ang kontrabida sa pag-iibigan nila. Iyon na siguro ang pinakamabuting desisyon para hindi na ako masaktan pa.
Hindi ka ba lalaban Gabriella? Di ba mahal mo siya? Wag mong hayaan na magkahiwalay kayo.
Pero sa kabilang side ng utak ko ay iba ang sinasabi.
No Gabriella, makipaghiwalay ka na.