"Love, let's talk."
Nasa bahay na ako. Hindi ko na hinintay pa na sunduin ako sa school ni Xander. Ayaw ko na muna kasi siyang makita. Masyadong mahirap para sa akin. Hindi ko kaya. Baka umiiyak lang ako kapag nakita ko siya.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong isumbat sa kanya ang lahat. Gusto kong ipamukha sa kanya ang panloloko niya sa akin. Kaso parang hindi ko kaya. Hindi ko kayang kausapin siya. Wala akonhlg lakas ng loob. Natatakot din ako baka hindi ko kayanin ang mga sasabihin niya.
Mas pinili ko na iwasan na lamang siya. Yun lang ang magagawa ko sa ngayon. Baka kapag lumipas ang mga araw ay makakaya ko na siyang harapin at isusumbat ko sa kanya ang lahat.
Batid sa mukha ni Xander ang inis. Aba siya pa ang may ganang mainis. Siya ang may kasalanan ng lahat kaya ako ganito ngayon.
"Ano? " Tipid ko lang na sabi.
"What is your problem? Iniiwasan mo ba ako? "
"Hindi." sagot ko lang.
"Then why are you so cold? Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko at hindi ka dinnagrereply sa mga text ko. Tapos ngayon hindi mo man lang sinabi na wala ka na pala sa school. Sana sinabi mo para hindi ako nagmukhang tanga kakahintay sa iyo."
"Edi sorry. But please umuwi ka na."
"Galit ka ba sa akin? Just tell me. Kung may nagawa akong kasalanan sabihin mo. Hindi ako manghuhul. Galit ka na pala hindi ko man lang alam." Naiinis na niyang sabi.
"Oh come on Xander. Alam mo kung bakit ganito ako."
"Hindi ko nga alam. Wala akong ideya. Gaya ng sabi ko hindi ako manghuhula. At wala akong maalala na pinag-awayan natin."
"Tama na Xander. Umuwi ka na." Tinalikuran ko na ito at papasok na sana ako sa kwarto ko nang bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"Let's fix this Gab. Ano ba kasi kinagagalit mo? Just tell me para maintindihan ko kung anong kinagagalit mo."
"Umuwi ka na."
"Paano ako uuwi kung alam kong galit ka. Hindi ako makapagfocus sa trabaho ko dahil iniisip kita. Alam ko may mali sa mga kinikilos mo. Pero wala talaga akong ideya kung bakit ka nagkakaganyan."
Tinitigan ko siya at nakit ko na parang malapit na siyang umiyak. Wow ah. ang galing din umarte. Paawa effect lang ang peg.
Malalim ang ginaw kong buntong hining. Kailangan kong lakasan ang loob ko para masabi sa kanya ang alam ko. Ipapamukha ko sa kanya ang panloloko nila sa akin ni Sandra."
"Okay I'll tell you. Anong meron sa inyo ng kapatid kong si Sandra?"
Nakita ko kung paano siya nagulat sa tinanong ko. Parang lalo akong nanlambot dahil sa reaksiyon niyang iyon. Dahil doon ay mas lumakas ang kutob ko na may something sa kanilang dalawa.
"O bakit parang magulat ka? Akala niyo di ko malalaman na may something sa inyo. Niloloko niyo ba ako? Of all people kapatid ko pa talaga? Go to hell."
"Sorry."
Iyon lang ang nasabi niya pero may laman ang salitang iyon. Bakit siya nagsosorry? So sila nga talaga?
Humagulgol na ako. Bakit? Totoo ba ito?
"Sorry kung naglihim ako sa iyo Gab. Hindi ko naman alam na hahantong sa ganito. Dapat pala naging honest ako sa iyo."
Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya. Alam ko sobrang sakit ng sampal na iyon dahil mismong palad ko ay sumakit sa lakas ng pagkakasampal ko.
"So kayo? Behind my back!"
Tumawa ako ng malakas. Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko.
"No. Hindi."
"Wag kang magpatawa Xander. Nahuli na kita. How dare you? Akala ko pa naman ay ibang-iba ka sa lahat ng mga lalaki. Katulad ka rin pala nila."
"No Gab. Mali ka ng akala."
"E ano? Magkalandian lang sa call at text?"
"Please listen Gab. Mali ang akala mo. Okay I tell you the truth. Sandra is my ex girlfriend. Sorry dahil bindi ko nasabi."
Nagulat ako sa sinabi niya. Ex niya si Sandra? Pero bakit niya nilihim sa akin kung wala ng something sa kanila. So nauna pala sa kanya ang kapatid niya.
"Kung wala na kayong nararamdaman sa isa't isa edi sana sinabi mo sa akin, hindi ito na nagmukha akong tanga. Bakit palihim mo siyang tinatawagan? Bakit namimiss mo na ba siya? "
"Stop it Gab. Alam mong hindi iyan totoo. Past is past. Matagal na kaming tapos ni Sandra. Alam mong ikaw na ang mahal ko. Kaya wag kang mag-isip ng ganyan."
Kahit kailan talaga ay napapaamo ako ni Xander sa mg salita niya. Pero bakit nakakaramdam pa rin ako ng takot.
Come on Gab. Baka nagsasabi ng totoo si Xander. May tiwala ka naman sa kanya di ba? Kung ex na niya ang kapatid ay ibig sabibin ay wala ng namamagitan sa kanila. Just forgive him and move on. Mahal mo naman siya di ba?
No. Baka nagsisinunging lang siya. Kung naglihim siya ibig sabihin ay may ayaw siya na malaman mo. Baka kung hindi mo pa nalaman ay wala din siyang balak na aminin sayo mismo.
Iba-iba na ang pumapasok sa pag-iisip. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Sobrang sakit. Ang sobrang sakit kapag alam mo na may nagawang kasalanan ang taong sobrang mahal mo.
Niyakap ako ng mahigpit ni Xander. Lalo na akong humagulgol. Parang ikamamatay mo pag nabigo na naman ako sa pag-ibig.
Isang desisyon ang nabuo sa pag-iisip ko. Sana ay hindi ko pagsisihan.
Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at tinitigan siya ng seryoso.
"Let's break up Xander."