Episode 19

1057 Words
"What are you saying, Gab?" "Hindi ka naman siguro bingi para hindi marinig ang sinabi ko Xander. Maghiwalay na tayo!" Pasigaw mong sabi sa kanya. Mabuti na lang at wala pa si nanay dahil ayokong makita na nag-aaway kami ni Xander.  "Ganoon ba kadali sa iyo na iwan ako? Ganyan ba kababaw ang pagmamahal mo sa akin? Sinabi ko na sa iyo. Matagal na kaming tapos ni Sandra. Ikaw na ang mahal ko." Sa totoo lang ay gustong gusto kong bawiin ang mg sinabi ko. Mahal na mahal ko siya. Nabigla lang ako sa mga sinabi ko dahil sa sobrang galit ako. Pero ewan ko bakit parang napipi ako. "Love pag-usapan natin ito ng mabuti. Hindi ako papayag sa sinabi mo na maghiwalay na tayo. Hindi ko kaya. Please. Forgive me dahil naglihim ako sa iyo. Pangako hindi na mauulit. Kahit tanungin mo pa sa Sandra." Tinitigan ko lang siya habang lumuluha ako. I see sincerity in his eyes. Umiiyak din ito tulad niya.  Sobrang mahal niya ito pero sobrang sakit naman ang ginawa niya dito. Siguro ay kailangan niya muna ng space para makapag-isip isip.  "Umalis ka na muna Xander hayaan mo na muna akong pag-isipan ang lahat." Bakas sa mukha ni Xander ang kalungkutan. Wala na itong nagawa kundi sundin na lamang ang sinabi ng dalaga. Bago pa ito umalis ay sinikap parin nito na halikan siya sa noo.  Nang marinig na niya na humandar na ang kotse ni Xander ay kaagad siyang pumasok sa kanyang kwarto. Pabagsak itong umupo sa kanyang kama at patuloy na humagulgol. Ano ng gagawin mo niyan Ella? Mapaninindigan mo ba iyang ginawa mo? Bakit ka nakipaghiwalay kung hindi no naman pala kaya?  Makalipas ang dalawang araw ay nakatanggap ako ng balita galing kay Tita Nelia na gising na daw si dad. Ateast may good news na dumating.  Pagkatapos din ng pakikipaghiwalay ko kay Xander ay hindi na niya ako sinusundo pag-uwi galing sa school. Ni call at text wala din. Lalo tuloy ako nakaramdam ng inis sa kanya. So ganoon nalang iyon? Hindi niya man lang ako susuyuin hanggang sa mapatawad ko siya.  Nasa school pa ako noong nakausap ko si Tita. Gusto ko na ngang umalis para mapuntahan ko na si dad. Excited na akong makita siya. Baka hinahanap na niya ako. Kung wala lang talaga kaming exam sa last subject namin ay magcucutting nalang ako.  AT sa wakas ay natapos na ang aking klase. Hindi ko pala nadala ang kotse ko dahil flat na naman. Hinatid lang ako ni Carlo kaninang umaga. Nagtatanong din siya kung bakit parang puyat ako at tinanong kung may problema ba daw ako. Sinabi ko nalang na madaming ginagawa sa school. Alam ko hindi siya naniwala sa palusot ko pero hindi na ito nagtanong pang muli.  Halos gabi-gabi akong umiiyak. No. halos oras oras pala lalo na pag mag-isa na ako. Sobrang laki ng impact ng paghihiwalay namin ni Xander.  Nasa labas na ako ng unibersidad para mag-abang ng taxi. Halos bente minutos na akong nandoon pero wala pa rin dumadaan. Naiinis na ako dahil kanina pa ako naghihintay. Nasa hospital na din sina Carlo kaya nahihiya na akong sunduin pa ako dito. May tumigil na kotse sa tapat ko pero hindi iyon pamilyar. Kaya ang ginawa ko ay hinayaan ko na lamang. Hanggang sa nagbukas ang bintana nito. It was Justine. Nakangiti ito sa akin.  "Mukhang wala kang sundo ngayon ateng sungit. I can offer you a ride. Please sumakay ka na."  Nagdadalawang isip pa ako kung sasaay ako dahil wala among tiwala sa kanya. Pero nang maalala ko si dad ay pumayag na din ako. Baka matagalan pa ako kung maghihintay pa ako ng taxi." Sumakay na ako at nagseat belt. Hinarapan ko siya at sinabi ang lugar na hospital na pupuntahan ko.  "Anong gagawin mo don? Don't tell me buntis ka?" Udyok na tanong nito.  "Judgemental?" Nakataas na kilay na tugon ko sa kanya. "O relax . Nagbibiro lang naman ako. Bakit ang sungit sungit mo sa akin? Wala naman akong gingawang masama. Gusto ko lang makipagkailbigan sa iyo." "Bakit?" "Kasi. Kasi... Wala kang kaibigan sa school." "I don't need a friend." "Bakit naman? Gusto mo laging nag-iisa?" "Ayokong madaldal. Magmaneho ka nalang diyan. Baka mabangga pa tayo." "Sungit!" Hindi na ito muli pang nagsalita. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa marating namin ang hospital.  Pinagbuksan pa niya ako pinto ng kotse bago ako makababa. Prinsesa lang ang peg.  "Thanks Justine. Babawi na lang ako sa iyo para mabayaran ang utang na loob ko sa iyo." "Sure. Why not. Basta friends na tayo ah?" Tumango na lamang ako pero nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Bumili muna ako ng isang basket ng prutas sa tapat lang ng hospital bago ako pumasok. Dali-dali kong tinungo ang room ni dad. Excited ko na siyang makita at mayakap. Pagbukas ng pinto ay nagulat ako ng makita kong nandoon si Xander. Nandito pala siya at siyempre nandoon din si Sandra na todo ayus pa. Aba nasa hospital ka. Wala ka sa bar.  Nilapag ko ang binili kong mga prutas at nilapitan si dad at niyakap. I missed him so much. Mabuti na lang at okay na siya.  MASAYA kaming nagkukwentuhan nina dad. Napag-usapan na din namin ang tungkol sa mga kaso na isasampa doon sa tinutukoy ni Carlo na si Julio Lopez. Kinonpirma din ni dad na sila nga iyon.  Yun din ang dahilan kung bakit nandito si Xander. Alam ko nakakahalata silang labat na iniiwasan ko siya. Pero wala lang sa kanila ang nagtatanong. Kinakausap niya ako pero malalamig ang mga nagiging sagot ko.  Bukas ay maaari na daw lumabas si dad. Sobrang saya namin dahil magaling na siya.  Halatang maayos na nga si dad dahil nakukuha na niyang makipag-asaran kina Xander at Carlo. Nagjojoke na nga sila ng sobrang korni at sila-sila lang din ang natatawa.  Hindi ko mapigilang mainis ng makita kong pinapalo palo pa si Sandra ang kaliwang braso habang humahalakhak ito. Wow ah. Bulgaran pa ang mga kinikilos ninyo. Hoy. Nandito ako.  Lumabas ako ng room. Hindi ko nanaman mapigilan ang pagsakit ng dibdib ko. Ayoko ang mga nkikita ko. Nabigla ako ng lumabas din sa pinto si Xander. Nilapitan niya ako. "Kanina pa kita tinatawagan pero di ka sumasagot. Susunduin sana kita sa school mo pero mukhang may sumundo na sayong iba. Walang hiyang yon." Hinarapan ko siya na nakataas ang kilay. " Wag mo siyang tawaging walanghiya. Baka ikaw?" "Paanong hindi may payakap yakap pa siyang nalalaman. Girlfriend kita tapos magpapayakap ka sa iba? Gawain ba iyan ng matinong babae? " Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa mga sinabi niya.  I slap him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD