"Sorry love sa nasabi ko. I didn't mean that. Nagalit lang ako dahil nakita kong niyayakap ka ng iba. Nagselos lang ako. Alam mo naman kung gaano kita kamahal, ayoko ko lang na may umaaligid sa iyong ibang lalaki. Please give me one more chance. Hindi ko iyon sasayangin."
"Hindi ko alam Xander kung ano ang gagawin ko. Aaminin ko mahal na mahal kita. Pero nawalan ako ng tiwala sa iyo nang maglihim ka sa akin. Hindi ko alam kung kaya pa kitang pagkatiwalaan."
"You can trust me Gab. Pangako hindi na mauulit. Wala na akong ililihim pa sa iyo. Lahat sasabihin ko. Just give me another chance please. Mapag sinayang ko ako na mismo ang lalayo sa iyo. Pero please sana pagbigyan mo na ako ngayon."
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Sa mga sinabi niya ay nagkaroon muli ako ng pag-asa. Wala naman sigurong masama kung tanggapin niya muli ito. Sobrang hirap sa kanya na hindi sila okay dalawa. Siya naman mismo ang nagsabi na kapag sinayang niya ito ay siya na mismo ang lalayo.
This time ay muli siyang nagtiwala sa binata. Her love to this man choose to trust him again.
Niyakap niya ng mahigpit si Xander. Saobrang higpit noon dahil sobrang namiss niya ang mahal niya. Gumanti din ang binata ng mahigpit din na yakap. Finally, naging mabuti na ulit ang pakiramdam niya. Maayos na silang muli ni Xander.
Sabay silang pumasok ni Xander sa room na magkahawak ang kamay. Nakatitig silang lahat sa kanilang dalawa. Nasulyapan pa ng dalaga si Sandra na kumunot ang noo. Halatang hindi gusto ang nakikita.
"Wow hija mukhang okay na kayo ah?" Ngiti lang ang naging sagot ko. Kahit hindi ko sinabi sa kanila na hindi kami okay ni Xander ay mahahalata nila ito dahil sa mga kinikilos namin.
"Yes. Tita. Sorry po kung nag-alala kayo." Si Xander na ang sumagot.
"It's okay, hijo. Alam ko naman na magkakaayos kayo. Natural lang ang masaktan pero as long as mahal na mahal ninyo ang isa't isa, hindi kayo basta basta maghihiwalay. Makinig kayo sa expert. Pinagdaan na namin iyan ng tito Charlie mo."
Napangiti ako sa sinabi ni Tita. Totoo iyon. Hangga't mahal na mahal niyo ang isa't isa magpapatawaran kayo. Kahit gaano kabigat ang problema ay makakaya basta nagmamahal. Sabi nga nila ang pag-ibig ang pinakapowerful sa lahat. Lahat magagawa mo para sa pag-ibig. Nagagawa mong maging matatag, masakriprisyo at minsan naman magpakatanga.
Sa sitwasyon mo ay kailangan kong magpakatatag. Hindi naman siya nagcheat sa akin. Ang kasalanan lang naman niya ay naglihim sa akin. Pinatawad ko na din siya. Alam ko at may tiwala ako sa kanya na hindi niya ako lolokohin o sasaktan. Mahal niya ako. Iyon ang panghahawakan ko.
ILANG araw na din ang nagdaan. Tuluyan ng gumaling si dad pero hindi muna namin siya pinayagang pumunta ng office.
Nanumbalik na din kami sa dati ni Xander. Mas lalo pa nga itong naging sweet sa akin.
Nasa bahay na ako at kakauwi ko lang din galing sa school. Susunduin ako ni Xander mamaya dahil gusto niya akong ipakilala sa mga parents niya. Kinakabahan ako pero excited din dahil mamemeet ko sila.
Nasa bahay din si nanay at busy sa phone dahil sa mga costumers niya sa online business niya. Naging busy na nga ito at madalang nalang kami magkasama sa bahay.
"Nay, susunduin po ako ni Xander mamaya. Ipapakilala niya daw ako sa pamilya niya."
Nilingon ako ni nanay at nakangiti ito. "Okay. Mukhang gusto ka ng bakurin ni Xander ah." Natawa. itong sabi.
"Pakilala lang nay. Gusto niyo pong sumama?"
"Saka na kapag namanhikan na." iyon lang ang nasabi niya at bumalik na ang focus nito sa phone niya.
Sinundo ako ni Xander ng 6:30 pm. Pinagpaalam niya rin ako kay nanay. Sa buong byahe namin ay sobrang saya namin. Nagjojoke na naman kasi ito ng mga korning joke.
"Alam mo, kung naging komedyante ka, hindi ka pa sumisikat laos ka na kaagad."
"Sinong nagsabi na pang komedyante lang ang mukha ko. Ang sabihin mo lead actor sa pelikula. Sa gwapo ko ba namang ito?"
"Yabang."
"Totoo naman kaya ka nga patay na patay ka sa akin, di ba love?"
"Wow.Drake Alexander sino kaya sa atin ang patay na patay? Ikaw yon, tse!" pagsusungit ko dito.
"Joke lang. Alam ko naman. Gusto lang kitang patawanin. Mukha ka kasing kinakabahan. Don't worry love, magugustuhan ka nina daddy at mommy. I assure that." Sabay kindat sa akin.
Ilang minuto lang ay naroon na kami sa bahay nila. Malaki din ito. Mas malaki pa kaysa sa bahay ni dad. Well hindi na din ako nagulat, alam kong sobrang yaman nila dahil may ibang business pa daw sila sa abroad na inaasikaso ng kuya niya.
Sinalubong at binati kami ng mga katulong nila.
Nasa sala na kami at may nakita ako na isang batang babae. Nasa lima o anim na taong gulang na ito. Nang makita niya kami ay kaagad itong lumapit sa amin.
"Papa." Tumakbo ito palapit kay Xander at niyakap.
What? Papa? Anak siya ni Xander?
"Oh alam ko yang iniisip mo. Nagkakamali ka. She is Sabrina. My niece."
"Bakit ka niya tinwag na Papa?"
"Dahil wala si kuya. Sabi ko sa kanya kapag wala ang daddy niya ay ako muna ang papalit."
"Nasaan ang mama niya? " kuryosidad kung tanong.
"Wala. Iniwan siya kay kuya."
Tumango lamang ako sa kanya. Nakaramdam ako ng lungkot para sa bata. Wala pala itong mama tapos nasa malayo pa ang daddy niya. Nilapitan ko ito pero nagtago siya sa likuran ni Xander.
"Hello Sabrina. I'm Gabriella. Girlfrield ako ng tito Xander mo. I mean ng Papa mo." Nginitian ko siya at nabigla ako nang bigla niya akong niyakap.
Bumaba ako ng kaunti para magkapantay ang mga mukha namin. "Kayo po ang sinasabi ni Papa na girlfriend niya?"
"Bakit? Nakwento ba niya ako sa iyo. Anong sinasabi niya tungkol sa akin?"
"Sabi po niya maganda po kayo. Totoo nga po iyon."
"Talaga? Maganda ka din." Napatitig ako sandali kay Xander at halatang nakakaramdam ito ng hiya. Hinarapan kong muli si Sabrina. "Ano pa sinasabi sa iyo ng Papa mo?"
"Love, tama na nga yan. Tara na sa kusina baka nandoon na sina Dad. Let's go Sab." Pang-iiwas nito mukhang ayaw nito na marinig pang sumagot si Sabrina.
"He said na pakakasalan ka daw po niya at magiging Mama ko po kayo."
"Talaga? Gusto mo akong maging Mama?"
"Yes po. Dahil love kayo ni Papa Xander."
"Okay. You can call me Mama Gab."
Natuwa ang bata at niyakap muli ako.
"Wow. Mukhang close na agad kayo ng apo ko ah." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo doon ang dalawang may katandaan na babae at lalaki pero makikita mo parin ang kagandaan sa kanilang mga mukha. Sila na siguro ang mga magulang ni Xander. Mukhang mababait naman ang mga itsura nila.
Nilapitan namin sila at ipinakilala ako si Xander sa dalawa.
"Mom , dad this is Gabriella Fuentes. My girlfilriend. She is beautiful right?"
"Of course she is. Kasingganda ng mommy mo noong kabataan namin." Sabi ng kanyang daddy.
"Gab, this is my Mom, mommy Alona and Daddy Dan."
Niyakap ko sila. Para kasing napagaan kaagad ng loob ko sa kanila.
Ang sarap sa feeling na welcome ako sa pamilya niya. Wala na akong maiiling pa.