Sabay-sabay na kaming kumakain. Andaming pagkain ang nakain sa lamesa. Halos lahat ng paborito ko ay nandoon. Abodong manok at baboy, chopsuy at bangus na inihaw.
Masaya ang naging dinner namin. Nagkukwentuhan din kami tungkol sa akin dahil panay ang tanong nila. Sa sandali na magkakilala ko ang mga magulang ni Xander ay sobrang panatag na ang kalooban ko.
Ang sarap talaga sa feeling na welcome ka sa pamilya ng taong mahal mo. Wala na akong mahihiling pa.
"Anak ka pala ni President Charlie Fuentes ng C.F Company. Kilala ko ang daddy mo. Actually, magkasosyo kami sa business. What a small world. Di ko alam na may maganda pala itong anak."
"Naku. Salamat po tito."
"Dapat pala minsan magsama-sama naman tayong magdinner. By the way, Kumusta na siya? I heard what happen. Okay na ba siya?"
"Yes po. Ayus na po siya need lang po niya ng rest. Gusto na nga po niyang magtrabaho binawalan lang po namin. Kapag po fully recover na si dad maaari po tayong magdinner lahat."
"Alam mo ba hija na ikaw ang kauna-unahang babaeng dinala dito ni Alexander? Kaya alam kung seryoso sa iyo ang anak ko.".Sabat ni tita Alona.
Isang matamis na ngiti ang isinagot ko kay Tita Alona.
So hindi niya napakilala ang kapatid kong si Sandra sa mga magulang niya? Edi mabuti.
"Kaya pala atat na atat ipakilala ka sa amin. Now I know. Ang swerte sa iyo ng bunso ko. Sana ganyan din ka swerte ang panganay kong anak na si Alejandro."
Naikwento na sa akin ni Xander minsan ang tungkol sa nangyari sa kuya niya. Nainlove daw ng sobra ang kuya niya sa isang babae kaso ay niloko lang siya nito. Parang nawala sa sarili ang kuya niya nooong magkahiwalay sila. Bakit kaya may mga taong nakukuha pang magloko kahit na mahal na mahal mo na. Well ganoon talaga siguro.Kung sino pa ang nagmamahal ng totoo sila pa madalas maloko.n
"Baka po hindi po talaga sila noong babae ang para sa kanya. Darating din po ang para sa kanya." Sagot ko.
Totoo naman sinabi ko. May mga taong pinagtagpo lang pero hindi tinadhana. Masakit sa una, lalo na kung sobrang minahal mo. Pero eventually marerealize mo at matatawa ka nalang pag naalala mo na sobrang nagpakatanga ka sa kanya.
Like me. Sobrang sakit ng dinanas ko noong niloko ako ni Dice. Akala ko katapusan na ng buhay ko dahil sa nangyari. Pero ngayon, kapag alam mo talaga na nasa tamang tao ka na, masasabi mo nalang sa sarili mo, mabuti nga at nagkahiwalay kami. Dahil doon nakilala mo siya.
Siguro nangyayari ang lahat iyon para matututo tayo. So that we may not suffer from the same mistake. We fall, we learn. Sobrang tanga mo na lang pag nauulit ang dati mong pagkakamali.
"Kailan mom ang uwi ni kuya?"Tanong ni Xander.
"Ewan ko dyan sa kuya mo. Ikaw ang kumausap para umuwi na."
"BAKIT walang picture ang kuya mo dito sa bahay?" Kuryosidad na tanong ko. May mga family picture kasi sila nakadisplay pero ni isa wala ako makita sa kanya.
"Ayaw niya." Tugon ni Xander.
"Bakit?"
"Dahil hindi niya daw kayang ngumiti. "
"Kahit sa camera lang?"
"Alam ko kung gaano nasaktan si kuya sa babaeng iyon. Halos magpakamatay siya noong maghiwalay sila. He never smile like he used to. Sobrang laki ng pinagbago niya. Gusto ko ngang makilala ang babaeng iyon para kausapin na balikan si kuya. Pero wala siyang sinabi kahit pangalan. Iniisip ko nga kung anong klaseng babae siya. Ganoon ba ito kaganda o kasexy para mabaliw siya? Or anong meron ba doon sa babaeng iyon para magkaganoon siya."
"I see. Sobrang miserable pala ng buhay niya."
"Pero tingin ko naman kahit papaano ay nanunumbalik na siya sa dating siya. 6 years have past. Siguro naman nakamove on na siya."
Ngiti lang ang naging tugon ko kay Xander. I hope his brother will find his true love.
NASA kwarto kaming dalawa ni Sab. Naligo lang muna si Xander bago niya ako ihatid sa amin. Naging super close na agad kaming dalawa. Tawag niya sa akin Tita Mama at kay Xander naman ay Tito Papa.
"Tita Mama look at may barbie doll oh. Do I look like her?" Pinakita niya sa akin ang kanyang manika.
"No."
Nalungkot ang mukha ng bata. At pinagexis pa ang kanyang mga kamay na halatang nagtampo. "Why?"
"No kasi mas maganda ka sa doll mo."Pinisil ko ang kanyang mga mamula mulang mga pisngi.
Niyakap niya ako bigla kaya napahiga ako sa kama.
"Wow ang sweet naman ng baby namin."
Naglaro kaming dalawa ni Sab. Para akong bata. Namiss ko ang childhood ko. Wala yata akong naging kalaro noon. Masyadong malungkot ang kabataan ko noon.
Napatingin ako sa pintuan ng makita ko si Xander na nakapabeywang. Nakangiti ito at mukhang kanina pa naroon. Lumapit siya sa amin.
"Wow. Mukhang mas close pa kayo kaysa sa akin Sab." Sabi nito
"Hindi po. Love ko kayong dalawa."
"Oh paano Sab magpaalam ka na kay Tita Mama mo. Iuuwi ko na siya."
"No. Wag muna." Hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit.
"Sab. Oras na baka hinahanap na siya ng family niya."
Hinarapan ko si Sab at hinawakan ang magkabilang pisngi.
"Uuwi na ako Sab pangako babalik ako sa ibang araw maglalaro tayo ulit."
"Promise po?"
"Oo naman. Magdadala ako ng favorite mong chocolate ice cream."
"Pinky swear po tayo para sigurado ako na tutuparin ninyo."
"Sure."
Niyakap ako ng mahigpit ni Sab bago umalis. Ramdam na ramdam ko ang lungkot niya. Nakapagpaalam na rin ako sa mga magulang niya. Ang bait-bait ng buong pamilya niya. Sana makaclose ko rin ang kuya niya pag nagkita na kami.
"Mukhang close na close na kayo ng pamangkin ko ah?"
Saad niya habang nagbabyahe na kami pauwi sa amin.
"Ang sweet kasi niya tas ang daldal. So adorable kid."
"Hayaan mo gagawa din tayo ng maraming adorable kids." Sabi nito sabay tawa.
"Itigil mo yan, Xander."
"Why? May mali ba sa sinabi ko?"
"Magfocus ka sa pagdidrive." Pag-iiba ko.
"Baka nga gustong-gusto mo e. Ano pang hahanapin mo? Sa ganda ng mukha ko ganda pa ng katawan ko. Baka mahimatay kapa."
"Stop it Xander."
Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Ano ba naman kasing iniisip nito.
Nagulat na lamang ako nang itigil niya ang sasakyan at bigla niya akong hinalikan. Wala na akong nagawa ku di tumugon sa mga halik niya.
I missed this.