Someone's POV
Pinagsusuntok ko isa isa ang mga tauhan ko. Palpak ang plano ko na patayin si Charlie Fuentes.
"Mga wala kayong kwenta. Akala ko ba natuluyan niyo na ang Fuentes na iyon. Bakit buhay pa siya? Ginagawa niyo ba ng maayos ang inutos ko sa inyo? Sayang ang binabayad ko sa inyo. Akala ko ba mga eksperto kayo sa mga ganito? Anong nangyari?"
"Sorry boss. Masyado lang siyang sinwerte. Hayaan po ninyo sa susunod sa morge na agad ang tuluy niya."
Malaki ang kasalanan nila sa pamilya ko. Sila ang dahilan kaya nalugi ang negosyo namin na halos limang dekada na naming iniingatan. Sila din ang dahilan kung bakit nawala ang mommy ko.
My mom is sick. She had an heart disease. Hindi niya agad sinabi sa amin ang kalagayan niya. Hanggang sa lumala na ito. Kailangan na siyang maoperahan. Kailangan na niya ng heart transplant. Pero hindi natuloy dahil wala ng natira sa amin. Lahat ay kagagawan ng mga Fuentes. Namatay si mommy dahil sa kanila. Kaya nararapat lang na mamatay din ang Charlie Fuentes na iyon.
Nagtatago na si dad sa dati naminh probinsya. Tiyak na siya ang pagbibintangan nila sa nangyari kay Charles Fuentes.
Maghihiganti ako sa kanila kahit anong mangyari. Hindi ako papayag na sumaya sila habang kami ay nagdudusa. Ano sila sinuswerte? Lintik lang angbwalang ganti sabi nila. Hindi ko sila mapapatawad sa nangyari kay mommy. Hinding-hindi.
"Sa susunod na pumalpak pa kayo ay kayo ang mapapatay ko. Kung hindi ang Charlie na iyon. Kahit sino nalang sa pamilya niya ang lagasan ninyo. Kung isa kaya sa mga anak niya ang patayin niyo."
"Sino po doon boss ang titirahin namin? Yung lalaki o isa sa mga babae?" Tanong ng isa.
"Wala akong pakealam. Patayin mo lahat ng anak niya mas mabuti yon."
"Masusunod boss. Maghintay lang po kayo at sisiguraduin po namin na may paglalamayan sila.".
"Ayoko ng puru salita lang. Gawin ninyo. Dahil malaki ang binabayad ko sa inyo."
"Yes boss."
Yun lang ang sinabi nila at umalis na. Hindi na ako makapaghintay pa na mamatay siya o kahit isa man lang sa pamilya niya. Hindi ako titigil hangga't hindi kami nakakaganti.
~~~
Xander's POV
Halos wala ako sa sarili ko nang nanlamig sa akin si Gabriella. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko. Akala ko ay stress lang siya sa school. Kaya hinahayan ko muna. Pero parang may mali. Hanggang sa nagtapat siya ng nararamdaman niya. Nalaman niya ang tungkol sa aming nakaraan ni Sandra. Inaamin ko may mali ako dahil hindi ko nasabi sa kanya ang tungkol sa amin ni Sandra. Nagulat din ako noong una nang malaman ko na magkapatid pala sila. Hindi naman nagsabi si Sandra at hindi din naman kami nagpapansinan kaya hindi ko na nasabi sa kanya. Ayoko din na magkaissue dahil ramdam ko naman na nakamove on na kami pareho.
Isang araw ay nagtext siya sa akin. Hindi ko alam paano niya nalaman number ko. Tatlong taon na kaming hiwalay. Hindi ko din naman nakilala family niya dahil hindi naman kami nagtagal at hindi din naman ako ganoon kaseryoso sa kanya.
"Bakit kapatid ko pa? Alam mo naman na mahal na mahal kita Drake."
Iyon ang naging text niya. Aminado ako na gustong-gusto niyang makipagbalikan noon. Pero ayaw ko na. Lagi niya akong pinupuntahan sa office pero iniwasan ko siya. Hanggang sa nasawa na siguro sa pang-iiwas ko sa kanya. Pero heto ulit siya at kinukulit ako.
Madalas niya akong tinatawagan pero hindi ko sinasagot. Ayokong ientertain ang mga tawag niya dahil baka bigyan niya ito ng kahulugan. Ayoko din magalit sa akin si Gabriella.
Kapag hindi mo sinagot mga tawag ko sasabihin ko kay Ella ang nakaraan natin.
Nang mabasa ko ang text niya ay kinabahan ako. Wala naman kaming ginagawang masama pero ayokong malaman niya sa iba. Baka anong isipin niya kung bakit ko iyon hinilihim. Kung malaman man niya ay gusto ko sa akin manggaling para maexplain ko ng mabuti sa kanya.
I call her. Pero hindi siya sumagot. Hanggang sa nagtext siya na hindi pa niya nasasabi. Thank God.
Noong inamin ko na sa kanya ang lahat ay labis akong nasaktan lalo na noong gusto na niyang makipaghiwalay. Hindi ko kaya. Binigyan ko muna siya ng space at bindi muna ginulo para makapag-isip-isip siya.
The day na nagising na si Tito Charlie ay kaagad ko siyang pinuntahan sa school para sabay na kaming pumunta sa hospital. Malayo pa ako ay kaagad ko siyang napansin na nasa labas na at nakatayo. Nagulat ako noong bigla itong sumakay sa isang kotse. Sinundan ko iyon. Sa hospital din ang punta nila. Lumabas sa kotse ang lalaki. That was him. Yung kaklase niya na sununtok ko. Pinagbuksan niya si Gabriella ng pinto. Sobrang galit ko dahil sa kanya pa siya nagpahatid. Mas lalo akong nagalit ng makita ko na niyakap niya si Gabriella. Hindi ako papayag na hawakan siya ng kung sinong lalaki ultimo dulo lang ng buhok niya. Ako lang.
Malamig pa rin sa akin si Gabriella. Alam ko galit pa rin siya sa akin. Magkatabi noon kami ni Sandra at tinatapik tapik ako sa braso kapag natatawa sa mga jokes ko. Alam ko naiinis ang mga tingin niyang iyon.
Lumabas siya sa room sinundan ko siya. Nagusap kami. May mga nasabi ako na masasakit. Hindi ko maiiwasan dahil nagselos ako. Nasampal niya ako. Deserve ko iyon. Lumuhod ako sa harapan niya. Umiiyak siya. Alam ko at ramdam ko na mahal niya rin ako. Sobrang saya ko dagil niyakap niya ako. Alam ko napatawad na niya ako.Bumalik kami sa dati ni Gab.
Sobrang saya ko dahil finally ay nameet na ng family niya ko si Gabriella. Sobra ko nga siyang pagmalaki sa mga magulang ko. Mukhang nagustuan din naman siya ng mommy at daddy ko. Pati ni Sab siyempre.
Maybe ito na ang umpisa ng lahat para i next level na ang relationship namin. Well, masyado pa sigurong maaga dahil isang buwan pa lamang kami. Ganoon siguro talaga kapag siguradong sigurado ka na sa babaeng makakasama mo sa habang buhay. Gusto mong madaliin dahil baka makawala pa siya. Baka may umagaw pa.
Noong mga bata pa kami ay ramdam ko na na siya ang babaeng papakasalan ko.