Dice' POV
Hindi maalis ang tingin ko sa isang babae na rumarampa sa harapan ng entablado. Maraming magagandang babae ang nandoon pero ewan ko ba bat sa kanya naagaw ang aking atensyon.
Pumunta ako sa dati kong pinasukang University. Kagagagraduate ko lang noon at may kinailangan lang akong kunin sa dati kong prof. Sinakto ko na University days dahil hindi gaanong busy ang prof na sadya ko.
Hapon na noon at nag-ikot-ikot lang ako sa loob ng University para tingnan kung ano pa ang mga activities ngayong University Days. Npadaan ako sa gymnasium kung saan ay may ginaganap na pageant.
Napukaw ang tingin ko noong lumabas ang isang napakagandang babae na nakakulay pula na gown. Halos hindi ako kumurap sa pagkakatitig sa kanya.
Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko. It was a love at first sight.
Ang dami ko ng nakita na magaganda pero iba ang impact ng ganda niya sa akin.
"Go no. 5. Go Gabriella Gorospe." Sigaw ng mga grupo ng mga estudyante. Palagay ko ay mga kaklase niya iyon na sumusuporta sa kanya. Count me in. Sana manalo siya!.
So Gabriella pala ang pangalan niya.
Hindi ko na namalayan na gabi na pala at natapos ko na ang pageant. Nakakuha siya ng Best in Swimsuiit, Best in long gown pero sa kasamaang palad ay hindi 2nd runner up lang siya. Okay na din iyon kahit hindi siya ang nanalo, dahil nanalo naman siya sa puso ko.
Gusto ko siyang lapitan at magpakilala kaso ay nilupungan siya ng maraming mga estudyante.
"Ipinapangako ko sa sarili ko na magkikita tayong muli. Makikilala mo din ako at kapag nangyari iyon, mamahalin mo din ako."
It sounds likr crazy pero unang kita ko palang sa kanya ay ang lakas na ng tama ko sa kanya. Hindi siya maalis sa isip ko. Kahit nasa office ako ay siya pa rin ang naiisip ko.
Sinearch ko siya sa f*******:. I even saved her pictures. Ganoon ako kabaliw. Nagsent ako ng friend request pero hindi niya ako inaaccept.
Sa kakastalk ko sa kanya sa f*******: ay nalaman ko na nagpapart time job ito sa isang fast food chain.
Isang araw ay naglakas loob akong puntahan siya sa fast food chain na iyon. Kahit hindi ako kumakain sa ganoong klasing kainan ay kumain ako just to see her. Cashier siya noong panahon na iyon at nagtiyaga akong pumila sa kanya para doon ako mag-oorder, kahit mas kaunti doon sa kabilang cashier.
And finally, ako na ang nasa counter ay bumilis ang t***k ng puso ko. Mas maganda pala siya sa malapitan. Halos mautal-utal pa ako sa pagsasalita.
"Just wait your order sir. Next please."
Umupo ako sa isang dulo ng table pero kita ko parin siya sa kinauupuan ko. I can't take my eyes off her. Nang malapit sa akin ang isang babaena sa tingin ko ay manager ay kinausap ko siya kung maaari ba akong magrequest na si Gabriella ang mag-abot ng order ko.
"Naku po sir, hindi po maaari. Kung nakikita po ninyo ay cashier siya. Hindi po niya travago niyan. Iba na lang po ang kukuha."
"Ganoon ba iyon? Sayang naman."Malungkot na sabi ko.
"Mukhang type po ninyo ang crew naming si Ella ah. Sakto single yan. Tutal gwapo ka naman, tatanungin ko siya kung gusto niya."
Kinausap niya si Gabriella pero halata sa mukha nito na naiinis ito kaya alam ko na ayaw niya.
Ilang minuto lang ay naging crowded na dahil sa dami ng mga customers. Kaya I hate fast food dahil dito.
Makalipas lang ng ilang minuto ay umalis na ako sa loob. Pero balak ko siyang hintayin. Tinanong ko ang manager nila kung anong oras ang out nila. Kaya ko maghintay kahit ilang oras pa.
I decided na magstay muna sa lokb ng kotse ko. Halos nakaidlip na nga ako sa sobrang tagal.
Mag-aalas dyes na ng gabi ay sa wakas ay nagout na siya. Mabilis akong bumaba sa kotse ko at tinawag ko siya.
"Ella wait."
Nilingon niya ako at alam ko na nagulat ito nang makita ako na nandoon pa.
"Kilala mo ako? Anong kailangan mo?" Masungit na bungad niti sa akin.
"Ang sungit mo naman. Gusto ko lang makipagkilala sa iyo.
"Kilala mo na ako. Alam mo ng Ella ang panglan ko."
"I just want to know you more."
"What is your point? Don't tell mr may gusto ka sa akin? Well, sad to say, I don't have time. Alam ko na sobrang ganda ko pero wala kang mapapala sa akin. So you better get lost."
Napakasungit talaga niya. Pero chance ko na ito para makilala niya ako. Wala na akong sasayangin oa na pagkakataon.
"Oo sobrang ganda mo. Oo gusto kita. Wala naman sigurong masama kung liligawan kita, right? Besides, wala ka din namang boyfriend kaya walang masama." Lakas loob ko na sabi sa kanya.
"Sino namang nagsabi na wala akong boyfriend?"Panghahamon na tanong nito.
"Yung manager niyo. Kaya hayaan mo ako na magpakilala. I'm Dice. And I like you Ella since the day we first met."
Nanlaki ang mga mata niya. Alam ko magugulat siya sa sinabi ko.
"What do you mean? Nafall ka sa akin kani-kanina lang? Wow ah.."
"No, since the day I saw you joining the pageant at your University. You are the most beautiful woman there. At kahit hindi ka nanalo you are the winner for me."
"Nag-aaral ka ba doon? Stalker ba kita?"
"Dati. Kagagraduate ko lang noon."
Halos mairita siya sa akin kapag pinupuntahan ko siya sa school niya para sunduin. Alam ko ang schedule niya Siyempre nagtanong tanong ako. Pero dahil sa kakulitan ko ay napapayag ko siya na sunduin siya sa school at ihatid naman sa part time job niya sa faat food chain. Halos ganoon ang ginagawa ko araw-araw. Siyemore kilangang magtiyaga para sa taong minamahal.
Pagkatapos niya sa part time niya ay hinahatid ko din siya pauwi sa kanila.
Halos isang vuwan ko na din nililigawan noon si Ella at alam ko naman kahit papaano ay nagugustuhan na rin niya ako.
Isang araw ay niyaya ko siya magdate sa usang restaurant. Susunduin ko sana siya sa bagay kaso tumanggi siya dahil daw sa nanay niya. Nirespeto ko nalang ang gusto niya.
Nagkita kami sa resto. Kahit simple lang ang pananamit niya ay masasabi ko na angat siya sa lahat ng babaeng naroon. Kahit hindi ganoon kaganda ang suot niya ay siya ang pinakamaganda sa aking paningin.
Sinorpresa ko siya. Pinakiusapan ko ang lahat ng mga waiter at waitress doon na bigyan siya ng tig isang mga roses. Lahat sila ay isa isang lumapit sa kanya at inabot ang mga rosas.
Matapos silang nagbigay sa kanya ay ako naman ang lumapit sa kanya. I gave her a bouquet of red roses at lumuhod sa harapan niya. Tuluyan na tumulo ang mga luha niya sa mata
"Oh wag kang umiyak hindi pa ako nagpopropose sa iyo."
Nakatingin sa amin ang lahat ng tao doon.
"I love you so much, Ella. I can't imagine my life without you. I am willing to prove how much I love you. I accept you from being who you are. Wala ako pakealam kahit ano pa estado ng buhay mo. I can give you my world. Just let me do it. I love you. Can you be my boyfriend? "
Lalo na siyang humagulgol. Tumayo ako para punasan ang kanyang mga luha.
Narinig ko pa ang pagtili ng mga tao na halatang kilig na kilig din. "Say yes. Say yes." Sigawan ng mga tao.
Hindi siya kaagad nakasagot. Nakinabahan tuluy ako. Baka ireject niya ako in front of all people. I am hoping na tanggapun niya ako dahil ipibapangako ko sa sarili ko na hindi ko siya sasaktan. I can see my future to her. Hindi ko siya pakakawalan pa. Never.
Nagulat ako sa mga sinunod na ginawa niya. I was shocked. At the same time ay masaya.
She kissed me.