Episode 25

1152 Words
After ng klasi ko ay dumeretso ako sa bahay nina Xander dala ko naman ang kotse ko.Magdidinner kasi kami ulit sa bahay nila. Nag-overtime lang saglit si Xander sa trabaho kaya nauna na ako sa kanila. Balak ko din tulungan ang mommy niya sa pagluluto. Dagdag points na din iyon sa mga parents niya. Marunong din naman ako magluto kahit papaano. Dumaan muna ako sa 7 eleven para ibili ng favorite chocolate ice cream na ipinangako ko sa kanya. Sobrang gaan talaga ng loob ko sa batang iyon.  Dumaan din ako sa bakeshop para bumili ng macaroons favorite daw kasi iyon ng parents niya.  Nasa tapat palang ako ng pinto ay sinalubong na kaagad ako ni Sab.  "Tita Mama nandito ka na." Niyakap niya ako ng mahigpit.  "Namiss mo ba ako? " Tanong ko sa kanya.  "Of course po. Sobra. Akala ko po di na kayo babalik." "Pwedi ba iyon? Syempre nagpromise si Tita Mama kaya tutuparin niya iyon. May pasalubong ako sa iyo." Ipinakita ko sa kanya ang ice cream.  "Wow. My favorite. Thank you po." "Your welcome. Pero mamaya pa natin ito kakainin ah? After mag eat ng dinner." "Okay po." Sinalubong ko si Tita Alona sa kusina. Naroon na siya kasama ang isang kasambahay at nagluluto. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.  "Nandiyan ka na pala hija. Maupo ka muna." "May dinala po akong mga macaroons. Nabanggit po kasi ni Xander na favorite po ninyo dalawa ni tito." "Wow. Thank you hija. Tagal ko ng di nakakatikim ng ganyan." "Ilalagay ko muna sa ref para makain mamaya after dinner." "Okay po. Maari po ba akong tumulong sa pagluluto?" "Naku hija diyan ka nalang kami nalang ni Manang Rosa." "Please po. Gusto ko pong tumulong sa inyo. Nakakahiya naman po kung nakatingin lang lo ako sa inyo." "O sige na." Nagluto kami ng crispy pata pair with kare kare na paborito ng mag-asawa at daing na bangus pair with ginisang munggo na paborito ko naman.  Naging mas close kami ni Tita Alona ng mga oras na iyon. Puru kwento siya sa love story nilang dalawa ni Tito Dan at ganoon din sa dalawa niyang anak.  Napakaperfect material wife talaga niya dahil siya pa ang nagluluto sa bahay kahit may mga kasambahay na. Gusto daw niya pagsilbihan ang asawa at mga anak niya galing sa trabaho. Gusto ko maging katulad siya pag nag-asawa na ako. Pag kinasal na kami ni Xander. Gusto ko din siya pagsilbihan pagkauwi niya galing trabaho. Natapos na kami magluto at mag-ayos sa lamesa. Ang pag-uwi na lamang nina Xander at Tito Dan galing trabaho ang hinihintay namin. Kasalukuyan kaming nasa sala nina Tita at ni Sab. Nanonood kami ng tv habang naglalaro si Sab sa kanyang mga manika. Aliw na aliw kami ni tita sa bata. Napakabibo talaga niya. Sana maging ganyan din ang future kids namin ni Xander. In the future.  "Kumusta na kayo ni Xander?" Tanong ng mama niya. "We're very much find po Tita. Going strong." Ngumiti ito ng matamis. "I'm glad na okay na kayo. These past week kasi makita ko na matamlay siya. I know na may problema kayo kahit hindi niya sabihin. Masaya ako kasi nagkaayos na na kayo. Can I ask a favor to you, hija?" Seryoso nitong tanong. "Yes po tita. Anything." Ngiti kong tugon. "Please, don't leave my son. Alam ko kung gaano ka niya kamahal. Sana kahit ano mang problema ang dumating sa inyo wag ninyong sukuan ang isa't isa." Tinitigan ko siya ng mabuti. Alam ko na sincere a g mga sinasabi niya.  "Of course po tita. Dumadating po kami sa time na may hindi kami pagkakaintindihan. Pero alam ko naman po na mangingibabaw pa rin ang pagmamahal namin sa isa't isa. Hindi naman po maiaalis sa isang relasyon ang problema. Kaya ang magagawa po namin ay intindihin at patawarin ang isa't isa" "Masaya ako kasi ikaw ang minahal ng anak ko. Tama ka hija. Di maiiwasan ang problema sa isang relasyon. Like us ng tito mo. Alam mo ba na muntik na kaming maghiwalay. Pero dahil mahal namin ang isa't isa lumaban kami. Look at us. Going stronger each day." "Oo nga po. Sana po maging katulad po namin kayo ni Xander." "Of course you can. Atleast panatag na ang loob ko. Aware ka naman siguro sa nangyari sa past ng panganay kong anak. Because of love, nasira ang buhay niya. Ayokong mangyari din iyon sa bunso kong anak." Naiiyak na ito sa mga sinabi niya.  "Hindi po iyon mangyayari tita. I promise." "Sana ay makatagpo din ang panganay kong anak na si Alejandro na katulad mo para sumaya ulit siya." "Kailan po ang balik niya? " Kuryosidad na tanong ko. Wala kasi akong ideya kung ano itsuravng kapatid niya. Kasing gwapo kaya siya ni Xander?  "Madalas walang schedule ang balik niya. Kung kailan niya gusto umuwi doon lang siya umuuwi. Si Xander lang madalas niyang kausap. Minsan kapag birthday ng anak niya minsan kapag pasko o new year." "Kaya po pala. Napansin ko din po kasi na wala siyang picture dito sa bahay. " "Ayaw niya. Pero gusto mo ba siyang makita? Sandali at kukunin ko mga album namin sa kwarto." Umalis ito at pumanhik sa itaas. Ilang sandi lamang ay bumaba na ito at may bitbit na mga album. Una niyang ipinakita ang mga wedding picture nila ni tito Dan.  "Ang gandang bride naman po niyan." Tukoy ko sa picture nito. "Siyempre naman." tawa nitong sabi.  Nakangiti lamang ako hanang tinitingnan ang mga wedding pictures nila. Lumipat naman ako sa isa pang album. Pagbukas ko ay dalawang batang lalaki ang nasa unahan.  "This is Alexander and his kuya Alejandro.Tatlong taon lang ang tanda nila." Tinitigan ko ang picture ng dalawa. Pero mas naagaw ng atensiyon ko ang itsura ng kuya ni Xander. Parang pamilyar.  Nilipat ko sa kabilang pahina para tingnan ang iba pa nilang picture.  Napangiti ako noong makita ko ang picture ni Xander noong grade school kami. Tandang tanda ko pa ang itsura niyang iyon. "You know what tita. May hindi pa po ako nasasabi sa inyo. " Nilingon niya ako. "What?" "Xander and I we're classmates noong grade 5 po kami. Transferee po siya noon. I was bullied by my classmates and he saved me. Ako po yung babae na kasama niya noong paalis na po kayo papuntang States." Nag-iisip ito at halatang inaalala ang pangyayaring iyon.  "Ohhh. It's that you? Ang first love ng anak ko? Yung binigyan niya ng teddy bear?" "Yes po. Ako nga po." "Tingnan mo nga naman. Destiny talaga kayo ng anak ko. " Pinagpatuloy ko ang paglipat sa pahinga hanggang sa mga picture na teenager na sila. Ang kuya talaga niya ay mukhang pamilyar sa akin. Parang nakita ko na ang mukhang ito. Pero di ko alam kung saan.  Hanggang sa narating ko ang isang pahina na kung saan ay birthday ito ng kanyang kuya. May nakasulat sa ilalim nito. Binasa ko ito at bigla akong kinabahan. Happy 16th Birthday Dice Alejandro.  Nagulat ako sa nabasa ko. Dice Alejandro? Tinitigan kong mabuti ang picture niya doon. Bumilis ang t***k ng puso ko. It was him. Si Dice. No way! Nilipat ko sa susunod na pahinga ang album at para akong binuhusan ng malamig na tubig.  It was really him. Si Dice. Ang ex boyfriend ko.Paano nangyari ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD