"Are you okay, hija? You look pale." Noon lamang ako nagbalik sa aking sarili dahil naging tulala ako sa mga natuklasan. Is this for real? Magkapatid si Xander at Dice?
Hindi pa rin ako makapaniwala. Gusto kong matawa. It's that even possible? Sa dinami-dami ng pwedi niyang maging kapatid, bakit si Dice pa?
Napaisip tuluy ako sa mga nalalaman ko tungkol sa kapatid niya. Ang kwento nila ay niloko daw siya ng babaeng minahal niya. Siya ba ang tinutukoy nila? Paano nangyari iyon? Eh siya nga ang nang-iwan sa kanya. Baka ibang babae ang tinutukoy niya. Naalala pa niya ang araw na iyon kung saan pinuntahan niya si Dice sa kanyang condo at doon niya nalaman na hindi siya seryoso sa pagmamahal niya.
Kung mayroong nagloko sa kanilang dalawa. Siya iyon.
Flashback...
Naalala ko noon pauwi na kami ng mga kaklase ko dahil tapos na ang klase namin. Ilang araw na din ang lumipas noon nung nalaman ko ang panloloko sa akin ni Dice na hindi naman pala siya seryoso sa akin. Sa labas palang kami ng gate ay nakita ko ang pamilyar na sasakyan niya. Hindi ako pweding magkamali, sa kanya iyon. Lalong umusbong ang galit ko sa kanya. Gusto kong makaganti sa kanya. Mabuti na lamang ay kasama namin ang isa kong kaklasi na kaibigan ko din. Si Luis. Luisa sa gabi.
"Bakla, akbayan mo ako, dali."
"Ah? No way. Kadiri ka sis. Bakit ko naman gagawin iyan?"
"Basta akbayan mo ako. Ipapakilala kita dun sa kapitbahay naming pogi, basta akbayan mo ako."
"Promise yan ah?" tawang sabi nito.
"Hawakan mo ang mukha ko, dali."
"Ah? Oy sis, may pagnanasa ka ba sa akin? Naku sinasabi ko. Hindi tayo talo."
"Dali na nga."
Ginawa naman niya na medyo naiilang.
"Halikan mo ako, sa pisngi o sa labi. Bahala ka."
"Oy oy. Naku ah. Abusado kana. Iyan ang hindi ko magagawa dahil masusuka ako. Grabe ka sa akin.Balak mo ba akong pagsamantalahan? Dalagang Pilipina ako sis. Hindi pwedi sa akin iyan. Kung lalaki ka lang kahit hindi mo sabihin gagawin ko.Pero kung ikaw. No way."
"Gagawin mo ba o hindi kita pakikilala sa kapitbahay naming pogi?"
Wala na itong nagawa kundi halikan ako sa pisngi. Halos maduwal pa nga siya sa sobrang diri sa akin.
Gwapo naman kasi si Luis, kaso gwapo din ang hanap. Sayang siya.
Gumanti din ako ng halik sa kanyang pisngi na kinagulat din niya.
Maya-maya lang ay napansin ko na na humarurot na ang sasakyan ni Dice. Mabuti naman. Atleast sa ganoon lang na paraan ay nakaganti na siya sa walang hiyang lalaki na iyon.
End of Flashback...
Bigla siyang napaisip. Paano kung magbalik si Dice sa Pilipinas at magkita silang muli? Ano ang gagawin niya? Kung kailan pa naman masaya na siya at tuluyan na niyang nabura sa isipan niya ang lalaking iyon saka pa nangyari ang ganito.
"I'm okay tita. Baka po gutom lang po." Pag-iiba ko.
"Oo nga nasaan na kaya ang dalawang iyon? Mag aalas siete na pero wala pa din."
Ilang saglit lang ay may bumusina na sa labas. Sila na iyon.
Kaagad na tumayo si Sab at sinalubong sila sa labas.
"GOOD evening hon." Sumalubong sa amin si Tito Dan at hinalikan sa pisngi ang asawa. Kasabay niya sa likuran si Xander na karga na si Sab.
"Good evening din, hija. Sorry nalate kami medyu traffic."
"It's okay po tito. Let us eat na po."
"Good evening mom." Humalik din si Xander sa ina at lumapit sa akin na nakangiti.
"Good evening love." Niyakap niya ako at humalik din sa pisngi. "Are you okay? Bakit parang maputla ka?"
"I'm fine. Gutom lang siguro."
"Tara na at kanina pa kami naghihintay sa inyo gutom na gutom na kami." Yaya ni tita Alona.
MASAYA naming pinagsaluhan ang pagkain. I feel comfortable kasama sila. Gusto kong sumaya ng sobra-sobra pero may pumipigil. Hangga ngayon ay hindi ko maiwasang hindi isipan ang mga natuklasan ko. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala.
Pagkatapos ng hapunan namin ay nakipaglaro ako kay Sab. Lumipas ang ilang saglit ay napatulog ko na rin siya para madali sa akin ang umuwi.
Mag-aalas diyes na ng gabi nang magpaalam na akong umuwi. May pasok pa kasi bukas kaya hindi ako pweding magpagabi ng uwi.
"Ihahatid na kita love."
"Dala ko ang kotse ko."
"Hija, magpahatid ka na. Kunin mo nalang bukas dito ang sasakyan mo. Delikado kung ikaw lang mag-isa sa daan. At least nandiyan si Xander. Baka mag-alala kami kung papayagan ka naming bumyahe mag-isa." Sabi ni tita.
Wala na akong nagawa kundi pumayag na. Gusto ko sanang mapag-isa dahil mukhang wala ako sa sarili ko. Alam ko pansin din iyon ni Xander.
Nasa loob na kami ng sasakyan nang biglang magsalita si Xander.
"Are you really okay, love?" Pag-aalalang tanong niya akin.
Hinarapan ko siya at tinitigang mabuti. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang naging nakaraan namin ng kapatid niya pero parang hindi ko kayang sabihin.
"Do you really love me, Xander?"
Hindi ko alam bakit iyon ang naging sagot ko sa kanya. Basta na lamang iyon lumabas sa aking bibig.
"Tinatanong pa ba iyan? I love you a million times, Gabriella." Iyon ang sagot niya at hinalikan ako sa pisngi.
Ngiti ang naging sagot ko sa kanya.
"Sorry kung iyon ang naitanong ko sa iyo. I have something to tell you."
Biglang naging seryoso ang mukha. ito halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin.
"Just tell it, love. I will listen."
"Ilang taon na ang nakakaraan. I fell in love. Pero nasaktan ako dahil niloko niya ako."
"Do you still love him?"
Nakita ko ang pagkalukot ng mukha niya nang itanong niya iyon.
"No. Matagal na akong nakamove on. Natatakot lang ako."
"Saan?"
"Na baka maulit ulit iyon."
Hindi ko na mapigilan ang aking pagluha. Hinrapan ko si Xander at pinahid niya ang aking mga luha.
"I will not let that happen, love. I will never do that. You are my life. Bakit ko naman sasaktan ang buhay ko? I already told you since then, ikaw ang babaeng kailangan ko. Buong buhay ko sayo lang ako naging sigurado. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka Gab. Kaya sana kung may dumaan man na problema sa relasyon natin. Kumapit lang tayo ah? Walang bibitaw. Kasi ako? I am willing to give up everything just for you."
Lalong bumilis ang pag-agos ng mga luha ko. Those words warmed my heart. He is the one for me. Wala ng iba.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit kasabay ng pag-iyak ko. Sobrang saya ko. I finally found the man for me.
"I love you, Xander. And I'm sorry. Hindi ko alam bakit pumasok sa isipan ko ang salitang sorry. Hindi ko iyon masabi sa kanya. Alam ko unfair ako dahil naglihim ako sa kanya. Siguro darating din ang time na maaamin ko sa kanya ang tungkol sa nakaraan namin ng kapatid niya. Hindi muna ngayon.
"I love you more, my love."
NAGPAHATID ako sa bahay ni Dad. Doon na ako umuwi para kinabukasan ay sasabay na lang ako kay Carlo papunta sa school. Pauwi ko na lamang balak na kunin sa bahay nila ang kotse ko.
Nakapagpaalam na ako kay Xander. Hindi ko na siya pinapasok sa bahay dahil oras na rin. Ayoko na siyang malate pa sa daan dahil may trabaho din siya bukas at kailangan na rin magpahinga.
Papasok na sana ako sa loob nang makita ko na nasa garden si Carlo at mag-isang umiinom. Lumakad ako papunta sa kanya.
"Bakit ka umiinom late na wala ka bang pasok bukas? Hala ka baka magalit sa iyo si dad."
Nilingon niya ako nang marinig niya akong magsalita. Umupo ako sa tabi niya.
"Nandito ka pala. Bakit di ka nagsabi na dito ka pala matutulog."
"Makikisabay sana ako sa iyo bukas papunta school. Wala kotse ko e. Okay lang ba?"
"Siyempre naman. Para sa iyo. Magkasama kayo ni Xander?"
Tumango lamang ako. "Bakit ka umiinom? May problema ba? Ikaw ah. Ang asawa mo atupagin mo. Lalo na magkakaanak na kayo."
"Tulog na."
"Kailan pala ang kasal ninyo? I will help sa paghahanda ninyo."
Sandalo siyang natahimik. "I have something to tell you, Gab."
Hinarapan niya ako at seryoso ang mukha. Bigla tuloy akong kinabahan kung ano man ang sasabihin niya.
"Say it nang makapagpahinga na ako."
"I don't know if matutuloy pa ang kasal namin ni Bella."
Nagulat ako sa mga sinabi niya. "What??? Are you insane? Tatalikuran mo ang responsibilidad mo?"
"No. I can provide all that she needed and the baby."
"Then bakit ayaw mong ituloy ang kasal?"
"Because of you!"
Nanlamig ako sa mga sinabi niya sa akin. Ano daw? Dahil sa akin?
"Anong sinasabi mo Carlo? Hindi kita naiintindihan."
"I still love you Gab. Sobrang sakit noong nalaman ko na magkapatid tayo. Sa dinarami-rami ng tao sa mundo bakit ikaw pa ang naging kapatid ko? Akala ko kung nandiyan si Bella makakalimutan na kita pero hindi. Nagseselos ako. Ay mali, nasasaktan pala ako kapag magkasama kayo ng Xander na iyon. Nasasaktan ako kasi wala akong magawa. Kahit gusto kitang agawin sa kanya, hindi pwedi. Just tell me Gab. What should I do?"
Alam ko hindi siya lasing. May kirot sa puso ko ang mga sinabi niya. Parang napakakomplikado ng lahat. Ang dami ko ng iniisip dumagdag pa ito.
"I'm sorry Carlo. Naiintindihan kita. Pero kung ano man yang nararamdaman mo. You better stop it. Mali. Maling-mali. You should love Bella. Alam ko mahal na mahal ka niya. Try to love her back."
"Hindi iyon ganoon kadali, Gab. Edi sana noon ko pa ginawa. Pero hindi e. Hindi ko kaya."
"I'm sorry."
Akmang tatayo na ako pero nagulat ako nang hinila niya ang braso. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na pangyayari. Hinalikan niya ako sa labi. Halos hindi ako makagalaw sa ginawa niya.