Hindi ako makatulog dahil sa dami ng nangyari sa buong araw na ito. Yun ngang nalaman ko na magkapatid pala ang ex boyfriend kong si Dice at current boyfriend ko na si Xander ay hirap akong paniwalaan. Tapos ngayon ay dumagdag pa itong half brother ko nang aminin niya na may gusto pa rin siya sa akin.
Nang mga oras na nagtapat siya sa akin na hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niya ay may namuong kirot sa puso ko. Sa totoo lang ay nahirapan din ako paniwalaan na ang taong nagustuhan ko noon ay kapatid ko pala.
Tapos kanina nang bigla niya akong halikan sa labi ay parang nanlamig ang buong katawan ko. Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya sa braso ko pero malakas siya. Alam kong mali iyon. Hindi din iyon magugustuhan nina tita at dad kapag nalaman nila. Kaya buong lakas ko siyang itinulak at nang makawala ako ay sinampal ko siya at mabilis na tumakbo papunta sa aking kwarto.
Mukhang wala namang nakakita sa pangyayaring iyon dahil kung nagkataon ay magagalit silang lahat sa amin lalo na si Xander. Alam ko unfair ako sa kanya. Ang dami kong hindi pa nasasabi sa kanya. Ang tungkol kay Carlo at tungkol sa kanyang kuya.
Wala na akong magawa kundi umiyak na lamang sa dami ng aking iniisip. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Napagising ako nang marinig ko ang malakas na katok sa pintuan ng aking kwarto.
"Hija, gising na. May pasok ka pa."
It was tita Nelia. Kinapa ko ang cellphone ko para malaman kung anong oras na. It's past 6 am. 8 am ang pasok ko kaya may oras pa akong maligo at magbreakfast.
Binuksan ko ang pinto.
"Good morning, hija. Tara magbreakfast muna tayo sa baba."
"Good morning po tita. Susunod po ako. Shower lang po muna ako."
"Okay. Sumunod ka kaagad ah. Let's eat breakfast together. Madalang lang tayong nakukumpleto kumain ng sabay-sabay."
Ngiti lang ang naging sagot ko at muli kong isinara ang pinto. Kinabahan na naman ako. Nandoon si Carlo. Malamang dito.din siya nakatira. Hindi ko alam kung anong mukha ang hihaharap ko kina dad lalo na kay Bella.
Ilang sandali lang ay natapos na ako maligo. Nagsuot na rin ako ng uniporme at nag-ayos ng kaunti para deretso na ako sa school after magbreakfast.
Bumababa na ako at kahit malayo pa ako sa dinning area kita ko silang lahat na nasa lamesa na. Kumakain na sila.
Nang makalapit na ako sa kanila ay hinalikan ko sa pisngi si dad.
"Good morning po dad. Good morning Sandra, Bella." Nakangniti namang bumati din si Bella.
"Good morning anak. Maupo ka na at kumain."
"Thanks dad."
"Anong oras ka nakauwi kagabi? Sorry hindi na kita nahintay, nakatulog na kami ng tita mo."
"Alas onse na po nang gabi. Sorry po kung nalate ako nang uwi. Madami po kasing kwento mga parents ni Xander kaya hindi na po namin namalayan ang oras. Ang sabi din po nila, oras na nakarecover na kayo ay magdinner daw po tayong lahat."
"Wow. Namamanhikan na ba?" Sabat ni tita Nelia.
"Naku hindi pa po tita. Wala pa po sa isip namin iyan. Pero soon po."
"Oo nga. Mauuna muna itong kapatid mong si Carlo at Bella."
Lahat kami ay napatingin sa gawi nina Carlo at Bella. Nakangiti si Bella samtalang hanggang ngayon ay nakayuko lamang si Carlo habang kumakain.
"Oo nga anak. Kailan ba ang kasal ninyo ni Bella? Akala ko ba gusto niyo sa lalong madaling panahon." Tanong ni dad.
Nag-angat ng tingin si Carlo at nakatingin sa akin. Kinabahan na naman ako. Wag sana niyang sabihin ang sinabi niya kagabi.
Nag-alis siya ng tingin sa akin at tiningnan si dad. "Medyo busy pa po sa company dad. Inaasikaso din po namin ang case niyo with Mr. Lopez. Makakapaghintay naman po siguro ang pagpapakasal namin ni Bella."
"Yes po tito. Napag-usapan na po namin ni Carlo. Maybe after ko na lamang po manganak. " Sagot ni Bella na may kalungkutan sa kanyang pagsasalita.
"I see. Basta as soon as possible, magpakasal na kayo."
"Yes po."
Pagkatapos noon ay wala ng nagsalita sa amin. Tahimik lang kami kumakain. Tuwing napapagawi ang mga mata ko sa direksyon sina Carlo ay nakikita ko na tinititigan niya ako. Itinuon ko na lamang ang sarli ko sa pagkain para makaalis na din ako.
"I'm finish. Gab I will wait outside. Di ba sasabay ka papuntang school."
Gusto ko sanang tumanggi na lamang dahil magiging awkward lang ang sitwasyon sa aming dalawa. Pero ayokong mag-isip sila kung tatanggi ako.
Pagkasabi niya ay humalik na siya kay Bella at sa mama niya at tuluyan ng lumabas.
Binilisan ko na lamang ang pagkain saka na ako sumunod sa labas. Nagpaalam na ako sa kanilang lahat.
Papasok pa lamang ako sa kanyang kotse ay nakaramdam na ako ng kaba. Hindi ko alam kung kakausapin ko siya na para bang wala lang o tatahimik na lamang ako hanggang sa makarating sa.school.
Ilang minuto na din ang nakakalipas pero wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Mas mabuti na din siguro iyon dahil wala naman akong ibang masasabi pa sa kanya.
Mas pinili ko na lamang magmasid sa labas habang bumabyahe. Ilang saglit lang ay marinig ko na nagring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bag at nakita na si Xander ang tumatawag. Mabilis kong sinagot iyon.
"Hello love good morning." Panimula nito.
"Good morning din. " Sagot ko.
"Nasa school ka na?"
"Pabyahe pa lang. Ikaw na sa work na?"
"On my way din. Nagcommute ka?"
"Hindi. Nakisabay ako sa kapatid kong si Carlo."
Alam ko nakikinig si Carlo sa usapan namin sa cellphone. Talagang diniin ko ang salitang kapatid. Sana naman matauhan na siya.
"I see. Can I talk to him? May sasabihin lang ako regarding sa case ni Tito kay Mr. Lopez."
Hinarapan ko si Carlo habang nagdidrive at inabot sa kanya ang phone.
"Gusto ka daw niya makausap tungkol sa kaso ni dad."
Kinuha niya ang phone at itinapaat sa tianga. "Hello."
"Hello Carlo. Can we meet after lunch para i discuss ang tungkol sa kaso ni tito? I will text you the details kung saan tayo magmemeet."
"Okay. May sasabihin din ako sa iyo."I yon lang ang sinabi niya at pinatay na ito.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano daw? May sasabihin siya kay Xander?
"Bakit mo inoff?"
"Bakit may sasabihin ka pa sa kanya? Ano? Sasabihin mo I love you, I miss you, take care. Ganoon ba?"
"So what kung sabihin ko iyon? He is my boyfriend. At ano namang sasabihin mo sa kanya?"
"My true feelings."
"Baliw ka na ba, Carlo? Lasing ka lang kagabi kaya mo nasabi iyon."
"Paano kung sabihin ko ulit iyon ngayon? Masasabi mo pa rin ba na lasing lang din ako ngayon kaya ko nasabi iyon? Oo baliw na ako. Baliw na ako kakaisip sa iyo Gab."
"Stop it Carlo. Mali ito. Magkapatid tayo. Hindi mo ba naiintintihan iyon? "
"Alam ko mali. Alam ko mali dahil kapatid kita. Alam ko mali dahil may boyfriend ka na. Pero isa lang ang alam kong tama. Iyon ay ang pagmamahal ko sa iyo.