Kasalukuyan kaming nagkaklase pero nasa labas ang isipan ko. Halos wala akong maintindihan sa lesson namin. Iniisip ko pa rin si Carlo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano kapag sinabi nga niya kay Xander ang tungkol sa amin noon? Alam ko wala naman kaming ginawa na masama pero ayaw ko lang malaman niya na naglihim ako sa kanya.
Lunch time na pero wala akong balak na kumain dahil wala akong gana. Balak ko na din magcut ng klase dahil wala din naman ako sa focus. Paalis na ako nang biglang may tumawag sa akin. It was Justine.
"Wait, Gabriella. Saan ka pupunta?"
"I'm going home." Yon lang ang sinabi ko at nagpatuloy ako sa paglalakad. Pero nakakailang hakbang pa lamang ako nang bigla niya akong pigilan.
"Okay ka lang ba? May sakit ka ba?"
"Medyo. Kaya uuwi na ako."
"Kailan ka pwedi?"
Nagtaas ako ng kilay sa tinanong niya. "Bakit?"
"Nakalimutan mo na? Di ba sabi mo ililibri mo ako noong hinatid kita sa hospital."
Saka ko lamang naalala iyon. Tama siya. Nangako ako na ililibri ko siya.
"Okay. Tomorrow night." Iyon na ang nasabi ko at umalis na ako.
Nagtaxi ako papunta sa bahay ni Xander para kunin ang kotse ko. Nagtext din siya kanina na hindi niya ako masusundo dahil mag-oovertime sila ngayon.
Nang makarating ako sa kanila ay si Tita Alona ang naabutan ko kasama ang ilang katulong nila. Wala pa noon si Sab dahil nasa school pa siya. Inalok pa ako ni tita ng makakain. Gusto ko sanang tumanggi kaso nahihiya ako kaya pinilit ko na kumain.
Nasa dinning area kami at sabay na kumakain at nagkukwentuhan na din.
"Bakit ang aga atang natapos ng klasi mo?"
"Yes po tita, Wala po kasi ibang mga prof namin." Iyon na lamang ang nasabi ko sa kanya.
"Diyan ding unibersidad nag-aral ang panganay naming si Alejandro."
Ngitii lang ang naging sagot ko sa kanya. Alam ko iyon dahil noong una kaming magkakilala ay sinabi niya na nakita niya ako noong panahon na UD at sumali ako sa pageant.
"Nasaan po siya ngayon tita?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa Canada siya ngayon."
"Kailan po siya babalik?"
"I don't know. Kung kailan lang niya maibigan doon lang siya umuuwi."
"Kahit po sa mga okasyon katulad po ng pasko, new year or birthday ng anak niya?"
"Sad to say yes. Ewan ko nga sa kanya. Minsan nag-aalala din ako sa kanya dahil madalang lang din siya tumawag dito. Madalas kay Xander lang siya tumatawag para magkumusta."
"Ganoon po pala."
"Sana huwag na siyang bumalik. Dahil kapag nagkita kami at nalaman niya na nobyo ko ang kapatid niya ay baka anong isipin niya."
"I felt sorry for him."
Biglang naging seryoso ang mukha ni tita Alona.
"I am one of the reasons kaya naging miserable ang buhay niya."
"Bakit naman po?" Kuryosidad kong tanong
"Because of me kaya nagkahiwalay sila ng babaeng iyon."
I remember noong panahon na kami pa. Ilang araw hindi nagparamdam si Dice at nang makatanggap ako ng mensahe galing sa mama niya na sinasabi na hindi seryoso ang anak niya sa akin. It was her. Her mom.
"That time ay nawala ang focus niya sa trabaho niya sa company dahil sa pagkahumaling niya sa babaeng iyon. Nagalit kami ng tito mo. We grounded him. We froze his card, even his phone kinuha namin para hindi niya matawagan ang babaeng iyon. That was his consequences. Nagalit din ako nang malaman ko na hindi mayaman ang babaeng iyon. I know I was harsh dahil jinudge ko siya kaagad without knowing her personally. Natakot lang ako na baka pera lang nang anak ko ang habol noon. I thought makakalimutan din niya ang babaeng iyon pero naging miserable ang buhay niya nang magkahiwalay sila. Doon ko lang narealize na sobrang mahal pala niya ang babaeng iyon. Alam ko galit pa rin aiya sa amin ng dad niya dahil pinakealaman namin ang personal niyang buhay. Pero I tell you, pinagsisihan ko iyon. Gusto kong hanapin ang babaeng iyon para magkabalikan sila. Pero pinigilan ako ni Dan."
Lumuluha si tita habang sinasabi niya iyon. Napaiyak din ako dahil sa mga sinabi niya. Ganoon pala ang nangyari. Sobrang minahal pala ako ni Dice. Parang nanumbalik ang lahat six years ago.
Sa mga nalaman ko parang nabawasan ang galit ko kay Dice. Bakit ganito ang nararamdaman ko? No. Hi di maaari. Matagal na kaming tapos ni Dice.
Kung may lakas loob lamang ako na sabihin sa kanya na ako ang babaeng iyon ginawa ko na. Pero pinangungunahan ako ng takot na baka anong isipin nila sa akin.
Niyakap ko siya para maibsan ang kalungkutan niya.
"Wala po kayong kasalanan tita. Ginawa niyo lamang po iyon para sa ikabubuti ng anak ninyo. Alam ko po na maiintindihan din po niya kung bakit ninyo iyon nagawa."
"I want to search that girl, Gab. Can you help me? Alam ko masyado nag huli ang lahat pero I want to make all things right for my son. Alam ko all this years hindi pa nakakapagmove on ang anak ko."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Search? Nasa harapan na niya ako.
Tumango na lamang ako sa kanya.
"Paano po natin siya hahanapin?"
"I don't know, hija pero may kilalang magaling na private investigator si Xander. I know matutulungan niya tayo."
Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Paano kapag nalaman nila na ako iyon? Katapusan ko na.
"Thank you, hija for listening to me. Sa iyo ko lang nasabi ang lahat ng ito. I want my both son to be happy. Ayoko na si Xander lang ang masaya tapos si Alejandro ay miserable. I was hoping na bumalik ang dating panaganay kong anak na masayahin at mapagmahal."
"Babalik po siya tita. Tiwala lang."
"Yes. Mangyayari lang iyon kapag nahanap natin ang first love ng anak ko."