Episode 29

1792 Words
Xander's POV Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalo kong minamahal si Gab. Wala na akong ibang hinihiling kundi ang makasama siya habang buhay. Lagi akong excited na makita siya araw-araw. Nang magkaroon ulit kami ng dinner sa bahay kasama siya ay uwing-uwi na ako. Gusto ko ng kagaad matapos ang trabaho namin makauwi na kami.  Nakaramdam ako ng inis dahil nang pauwi na kami ni dad ay traffic pa sa daan. Pasado alas siete na ng nakauwi kami sa bahay. Pababa pa lang kami ng kotse ay sinalubong na kami kaagad ng cute kong pamangkin na si Sab.  "Ang ganda naman ng sumasalubong sa amin ah." Sabi ko at kinarga ko kaagad siya. "Where is your Mamita, apo?" Tanong ni dad sa kanya.  "She is with.Tita Mama na po. Nagcook na po sila ng delicious food." "Talaga? Aba tara nang makakain na tayo." Pagpasok na kami sa loob at nabungaran namin ang dalawang pinakamagandang babae sa buhay ko. My mom and her. Nakangiti ang salubong sa akin ni mom pero nang tingnan ko si Gabriella ay para siyang namumutla. Nagtataka ako bakit ganoon siya. Nasabi na lamang niya na gutom na siya kaya siya ganoon.  Pero nang matapos na kami sa paghahapunan ay pansin ko pa rin ang pamumutla niya. Kahit nakikita ko siya na nakangiti pero bakas ko pa rin sa mukha niya that there is something wrong. Ayaw ko na siyang tanungin dahil hinihintay ko lang siya na siya na mismo mag-open kung may problema siya. Pagdating kasi sa mga personal niya ay hindi ako ganoon nagtatanong. Kusa din naman siya nag-oopen minsan kapag may problem la siya.  Alas diyes na din siguro nang gabi nang maisipan na namin na ihatid siya sa kanila. Noong una ay tumanggi siya dahil may dala daw siya na kotse. Doon parang nakumpirma ko na parang may mali sa kanya. Tinanong ko pa ang sarili ko kung may nagawa ba akong mali. Pero wala akong maisip. Siguro may problema lang siya.  Mabuti na lamang at hindi na siya nagpumilit. Pumayag siya na ihatid ko na siya. Nasa loob na kami ng sasakyan. Hindi ko na talaga matiis na tanungin siya dahil nag-aalala ako sa kanya.  "Are you really okay, love?" Panimula ko. Hinarapan niya ako at tinitigang mabuti. Naghihintay ako sa mga sasabihin niya sa akin.  "Do you really love me, Xander?" Sa mga salitang iyon ay nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking puso. Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal? I answer her with full of confidence.  "Tinatanong pa ba iyan? I love you a million times, Gabriella." Iyon ang sagot ko at hinalikan ko siya sa kanyang pisngi. Kung hindi pa sapat ang mga efforts ko para malaman niya kung gaano ko siya kamahal edi hihigitan ko pa. Maparamdam ko lang sa kanya na siya lang ang babaeng mahal ko. Ngiti lang ang naging sagot niya sa akin.  "Sorry kung iyon ang naitanong ko sa iyo. I have something to tell you." Biglang naging seryoso ang mukha ko. Bigla tuloy akong kinabahan kung ano ang gusto niyang sabihin sa akin. "Just tell it, love. I will listen." "Ilang taon na ang nakakaraan. I fell in love. Pero nasaktan ako dahil niloko niya ako." Ewan ko bakit nasabi niya sa akin ito. Bakit? Kung past relationship na niya iyon bakit kailangan pa niyang banggitin pa sa akin ito? Mahal pa ba niya kung sino man ang lalaking iyon? "Do you still love him?" Nalungkot kong tanong sa kanya. "No. Matagal na akong nakamove on. Natatakot lang ako." "Saan?" "Na baka maulit ulit iyon."  Sa sinabi niyang iyon ay bigla siyang naluha. So kung niloko siya ng lalaking iyon natatakot siya na baka gawin ko din iyon sa kanya. No. It will never happen. Hinding-hindi ko siya sasaktan.  "I will not let that happen, love. I will never do that. You are my life. Bakit ko naman sasaktan ang buhay ko? I already told you since then, ikaw ang babaeng kailangan ko. Buong buhay ko sayo lang ako naging sigurado. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka Gab. Kaya sana kung may dumaan man na problema sa relasyon natin. Kumapit lang tayo ah? Walang bibitaw. Kasi ako? I am willing to give up everything just for you." Lalong bumilis ang pag-agos ng mga luha niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Sobrang higpit kasabay ng pag-iyak niya. "I love you, Xander.'  Iyong mga salitang iyon nagpapasaya sa akin. Mahal ko siya at mahal niya ko.  "I love you more, my love." Nagpahatid siya sa bahay ng daddy niya para makisabay na lang daw siya sa kapatid niya papuntang school bukas dahil nasa amin ang kotse niya.  Dalawang araw kong hindi nasundo sa school sa dami ng ginagawa namin sa opisina. Nagkita kami kami kahapon ni Carlo para sabihin sa kanya ang tungkol sa kaso na kanilang ama. Ang suspek nilang si Julio Lopez ay natunton na namin.  May kuryosidad din sa akin nang banggitin niya na may gusto siyang sabihin sa akin.  "Ano palang sasabihin mo sa akin, bro?" Sandali siyang bumuntong-hininga ng malalim bago siya nagsalita.  "Do you really love my sister?" "Of course, bro. I am so much in love with her." Nakangiti kong sagot sa kanya. Iyon naman talaga ang totoo. "I am warming you. Sa oras na sinaktan mo ang kapatid ako, mananagot ka sa akin." "I will never do that. Trust me." Alam ko sinabi niya iyon dahil nag-aalaa lang siya para sa kapatid niya. Pero ramdam ko na may kaunting tensyon sa pagitan naming dalawa. Pero hindi ko na pinansin dahil alam ko protective lang siya sa kapatid niya.  Lampas alas singko ng hapon nang biglang tumawag sa akin si Sandra. Wala akong balak na sagutin iyon dahil ayaw ko ng issue. Baka magalit sa akin si Gabriella. Pero nakailang ulit na siya sa pagtawag. Hanggang sa nagtext na lamang ito sa akin.  "I have something to tell you. Drake. You better pick up your phone. It is about Gab." Iyon ang nabasa ko. Muli itong tumawag. Dala ng kuryosidad ay sinagot ko iyon.  " Anong sasabihin mo tungkol sa kanya?" "Alam mo ba kung nasaan ang magaling mong girlfriend?" "Bakit nasaan siya?"  "Nasa isang resto lang naman siya at may kasamang lalaki. Ang sweet nga nilang tingnan e." "Akala mo ba maniniwala ako sa iyo?" Gusto ko ng ibaba ang phone dahil wala akong panahon na makipaglaro sa kanya. Alam ko hindi magagawa ni Gab sa akin iyon. "You want proof? Then I will show you." Iyon lang ang sinabi niya at ibinaba na niya ito.  Ilang saglit lang ay nagsend ng picture sa akin si Sandra. It was Gab and her bastard classmate. Bakit sila magkasama? Naiinis ako sa lalaking iyon dahil ramdam kong pumuporma siya sa girlfriend ko.  May mga picture siya na nakaakbay ang lalaking iyon. Meron pa na pinupunasan niya ang bibig ng girlfriend ko. Sobra akong nagalit sa mga nakita ko.  Habang nasa trabaho ako ay hindi ako mapakali. Hindi na ako makatiis kaya binalak kong pumunta sa kanila. Nang makarating na ako pasado alas sais ay nadatnan ko lang si Tita Gina sa bahay. Wala pa siya hanggang ngayon.  Nainis ako pero ayaw kong ipahalata sa nanay niya. Nakipagkwentuhan ako sa kanya. Nagtatanong din naman siya tungkol sa buhay ko at sinasagot ko naman siya.  "Ang tagal mo ng girlfriend ang anak ko pero hindi pa tayo nagkukwentuhan kahit minsan. Medyu busy din kasi ako sa online business ko." "Oo nga po tita. Minsan po magdinner po tayo kasama parents ko." "Naku sabihan mo lang ako kung kailan para naman makilala ko ang magulang ng gwapo kong future son-in-law. Ano nga pala apelyido mo?" "Alcantara po. Drake Alexander Alcantara po full name ko." "Alcantara?" Gulat na tanong ni tita.  "Yes po. Bakit po?" "Wag mong sabihin na kayo nagmamay-ari ng Alcantara Corporation?"  Hindi na ako nagulat kung kilala ni tita ang company namin. Kahit papanano naman ay may sinabi ang company namin sa Pilipinas. Hindi man ito ang pinakamalaking company pero kaya naman naming makipagsabayan sa kanila. "Opo. Anak po ako ni Daniel Alcantara ang may-ari po ng Alcantara Corporation. Soon po ako na magmamanage."  "Ganoon ba? Ang yaman pala ng boyfriend ng anak ko." Yon lang ang sabi at ngumiti ito.  Ilang saglit lang ay nandito na si Gab. Parang muling bumalik ang inis ko sa kanya. Kaagad ko siyang tunanong kung saan siya pumunta. I was hoping na magsasabi ng totoo. Dahil kapag sinabi niya na kasama niya ang lalaking iyon ay palalampasin ko na lamang ito. Pero kung magsisinungaling siya ay hindi ko magugustuhan dahil iisipin ko na may something sa kanilang dalawa.  Nagsinungaling siya. Sinabi niya na nasa school siya at kasama ang mga kaklasi niya dahil may ginawa sila. Nakaramdam ako ng lungkot. Bakit kailangan niyang magsinungaling? Anong meron sa kanilang dalawa? Pinilit kong wag ipahalata ang pagkainis ko sa kanya. Hanggang sa naisipan ko ng umalis dahil parang habang tumatagal ay hindi ko na makontrol ang sarili ko at may masabi pa ako sa kanya.  I decided na wag munang umuwi. Dumeretso ako sa isang bar. I need it para mabawasan ang pagkainis ko. Nakakailang shot na din ako ng marinig ko na may tumawag sa pangalan ko.  "Drake." Nilingon ko iyon and it was Sandra. "What are you doing here?" Tanong ko sa kanya. "It was destiny who brought us here, I guess." "Shut up. Leave me." "Come on Drake. I think you need someone to talk to." Iyon ang sinabi niya at tumabi sa akin.  "So anong palusot ang sinabi ng magaling kong kapatid? Inamin ba niya ang landian nila ng lalaking iyon? "Hindi malandi si Gab. How can you say that to your sister?" "Hindi mo pa siya lubusang kilala Drake. Baka magulat ka kapag nalaman mo kung gaano siya kalandi." Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Malamang ay sinisiraan lang niya sa akin si Gab. Muli kong tinungga ang isang bote ng alak. Mas lalo naman ang paglapit sa akin ni Sandra na parang inaakit ako. "Ayaw mo malaman kung ano pa ang kalandiang ginagawa niya behind your back? "What it is? Tell me." Hinarapan ko siya at hinawakan sa dalawa niyang balikat. "She and my brother Carlo is having an affair." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Napakaimposible.Magkapatid sila.  "I know hindi kapani-paniwala. But I saw it with my two eyes. Naghahalikan sila nang gabing iyon na ihatid mo siya sa bahay. May magkapatid ba na naghahalikan. I also have proof." She showed me a picture kung saan ay naghahalikan nga silang dalawa. Alam ko iyon nga ang suot niya noong last kaming magdinner sa bahay.  "Nakapag-imbestiga din ako. Before namin siya makilala bilang kapatid ay nagkaroon sila ng relasyon. Kung himdi malandi ang babaeng iyan, may boyfriend na siya tapos inaakit pa niya ang kapatid niya? Come to think of it Drake. Nagsasayang ka lang ng oras sa babaeng iyon." Hindi ko na alam kung anong mararamdam ko. Linunod ko nalang ang sarili ko sa alak. Parang hindi ko kaya ang mga nalaman ko.  "Why Gab? How can you do this to me?" Ilang saglit lang ay nakaramdam ako ng panghihina. Nagdilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD