Episode 30

2183 Words
Gabriella's POV Nakakaramdam ako ng ilang na kasama si Justine. Kahit papano ay kilala ko na siya dahil palagi ko naman siyang nakikita at nakakausap dahil kaklasi ko siya. Kaso ay hindi pa rin mawala ang kaba ko tuwing kasama ko siya. Katatapos lang ng klasi namin at ngayon ang balak ko na ilibri siya ng dinner. Nagkataon din na hindi ako masusundo ni Xander dahil overtime ulit siya sa trabaho niya. Hindi ko na din binanggit sa kanya ang tungkol sa paglabas namin ni Justtine dahil ayaw ko ng issue. Hindi sa naglilihim ako sa kanya, kaya lang naisip ko na baka magalit lang sa akin si Xander kapag sinabi ko. Tsaka wala namang issue ang paglabas naming dalawa. It was just a treat sa pagtulong niya sa akin noon. "Anong oras ang dinner natin? At saan kita susunduin?" "Pweding ngayon na?" "Akala ko ba night?" "Ngayon na. Dito nalang sa malapit tayo kumain." "Okay. Let's go." "No. Dala ko din ang kotse ko. Sundan mo nalang ako. I think mas mabuti din iyon to avoid issues." "Sige. Walang problema." Halos mag-aalas singko na nang makarating kami sa isang resto. Halos sabay din kami pumasok sa loob. Kaagad kami naupo sa bandang likuran na bakante at nagsimula ng mag-order. "You can order whatever you want."Panimula ko. Mabuti na lamang at nakahingi ako ng kaunting cash kay dad. Hindi din kasi ako gaanong gumagastos dahil puro si Xander ang nagbabayad kapag magkasama kami. "Wow. Mayaman." tukso nito. "Para wala na akong utang sa iyo." "Sus. Ikaw anong order mo?" "Don't mind me. Basta mag-order ka na." "Akala ko ba magkaibigan na tayo? Bakit parang ilag ka pa rin sa akin?" Napatitig ako sa kanya. Halata pala iyon sa mga kinikilos ko.  Ganoon ba? Sorry." iyon na lang nasagot ko. Ayoko namang magdahilan dahil obvious naman na ilag pa rin ako sa kanya. Nakapag-order na kami at sabay na kumakain. May mga sinasabi siya na tango lamang ako ng tango. Hindi kasi ako ganoon kainteresado sa mga sinasabi niya.  Panay din ang tingin ko sa cellphone ko. Tinitingnan ko kung may text or call si Xander. "Mukhang hinihintay mo ang tawag ng boyfriend mo ah? Alam ba niya na magkasama tayo?" Napatingin ako.sa kanya bago sumagot. "Hindi ko na nasabi. Ayoko ng issue. Isa pa wala namang malisya ang paglabas natin." "So. Hindi mo sinabi? Baka bigla nalang sumulpot iyon at suntukin na naman ako bigla." "Hindi naman siguro. Hindi naman makitid pag-iisip niya para pag-isipan tayo ng masama." "Sobrang possessive lang at seloso. "tawang sabi niya. Napatawa din ako sa sinabi niya. "Naalala mo noong hinatid kita sa hospital? Bago ako nakaalis doon sinuntok niya ako. Bakit dae tayo magkasama at niyakap pa kita. Friendly hug lang naman iyon. Huwag na wag daw kita hahawakan kahit dulo ng daliri mo. Napakapossessive. Sabagay kung ganyan ba naman kaganda girlfriend mo, baka minu-minuto akong nakabantay sa kanya."  Napatawa ulit ako sa sinabi niya.  "Ganoon ba talaga ako kaganda? "Tuksong tanong ko.  "Oo naman kaya ganoon kung magselos." Nakangiti ako habang pinagpapatuloy ang pagkain ko. Bigla akong natigilan ng pinunasan niya ang kaunting nagkalat na sauce sa ilalim ng labi ko. Halos matitigan ko siya at seryoso ang mukha nito. Bigla akong nakaramdam ng hiya at ako na ang nagpunas nito sa aking labi. Halos tahimik din kaming dalawa.  Ilang sandali lang ay nagsalita.ulit ito. "Kumusta na ang daddy mo?" "He's okay now." Sagot ko nalang. "Mabuti na lang at okay na siya. Sino kaya ang bumaril sa kanya?" Bigla akong nagulat sa  Gabriella's POV Nakakaramdam ako ng ilang na kasama si Justine. Kahit papano ay kilala ko na siya dahil palagi ko naman siyang nakikita at nakakausap dahil kaklasi ko siya. Kaso ay hindi pa rin mawala ang kaba ko tuwing kasama ko siya. Katatapos lang ng klasi namin at ngayon ang balak ko na ilibri siya ng dinner. Nagkataon din na hindi ako masusundo ni Xander dahil overtime ulit siya sa trabaho niya. Hindi ko na din binanggit sa kanya ang tungkol sa paglabas namin ni Justtine dahil ayaw ko ng issue. Hindi sa naglilihim ako sa kanya, kaya lang naisip ko na baka magalit lang sa akin si Xander kapag sinabi ko. Tsaka wala namang issue ang paglabas naming dalawa. It was just a treat sa pagtulong niya sa akin noon. "Anong oras ang dinner natin? At saan kita susunduin?" "Pweding ngayon na?" "Akala ko ba night?" "Ngayon na. Dito nalang sa malapit tayo kumain." "Okay. Let's go." "No. Dala ko din ang kotse ko. Sundan mo nalang ako. I think mas mabuti din iyon to avoid issues." "Sige. Walang problema." Halos mag-aalas singko na nang makarating kami sa isang resto. Halos sabay din kami pumasok sa loob. Kaagad kami naupo sa bandang likuran na bakante at nagsimula ng mag-order. "You can order whatever you want."Panimula ko. Mabuti na lamang at nakahingi ako ng kaunting cash kay dad. Hindi din kasi ako gaanong gumagastos dahil puro si Xander ang nagbabayad kapag magkasama kami. "Wow. Mayaman." tukso nito. "Para wala na akong utang sa iyo." "Sus. Ikaw anong order mo?" "Don't mind me. Basta mag-order ka na." "Akala ko ba magkaibigan na tayo? Bakit parang ilag ka pa rin sa akin?" Napatitig ako sa kanya. Halata pala iyon sa mga kinikilos ko.  Ganoon ba? Sorry." iyon na lang nasagot ko. Ayoko namang magdahilan dahil obvious naman na ilag pa rin ako sa kanya. Nakapag-order na kami at sabay na kumakain. May mga sinasabi siya na tango lamang ako ng tango. Hindi kasi ako ganoon kainteresado sa mga sinasabi niya.  Panay din ang tingin ko sa cellphone ko. Tinitingnan ko kung may text or call si Xander. "Mukhang hinihintay mo ang tawag ng boyfriend mo ah? Alam ba niya na magkasama tayo?" Napatingin ako.sa kanya bago sumagot. "Hindi ko na nasabi. Ayoko ng issue. Isa pa wala namang malisya ang paglabas natin." "So. Hindi mo sinabi? Baka bigla nalang sumulpot iyon at suntukin na naman ako bigla." "Hindi naman siguro. Hindi naman makitid pag-iisip niya para pag-isipan tayo ng masama." "Sobrang possessive lang at seloso. "tawang sabi niya. Napatawa din ako sa sinabi niya. "Naalala mo noong hinatid kita sa hospital? Bago ako nakaalis doon sinuntok niya ako. Bakit dae tayo magkasama at niyakap pa kita. Friendly hug lang naman iyon. Huwag na wag daw kita hahawakan kahit dulo ng daliri mo. Napakapossessive. Sabagay kung ganyan ba naman kaganda girlfriend mo, baka minu-minuto akong nakabantay sa kanya."  Napatawa ulit ako sa sinabi niya.  "Ganoon ba talaga ako kaganda? "Tuksong tanong ko.  "Oo naman kaya ganoon kung magselos." Nakangiti ako habang pinagpapatuloy ang pagkain ko. Bigla akong natigilan ng pinunasan niya ang kaunting nagkalat na sauce sa ilalim ng labi ko. Halos matitigan ko siya at seryoso ang mukha nito. Bigla akong nakaramdam ng hiya at ako na ang nagpunas nito sa aking labi. Halos tahimik din kaming dalawa.  Ilang sandali lang ay nagsalita.ulit ito. "Kumusta na ang daddy mo?" "He's okay now." Sagot ko nalang. "Mabuti na lang at okay na siya. Sino kaya ang bumaril sa kanya?" Bigla akong nagulat sa sinabi niya. Paano niya nalaman na nabaril siya? Wala naman akong nabanggit tungkol sa kanya . "How did you know na nabaril si dad?" Kuryosidad ko na tanong. Nagtataka ako kung paano niya iyon nalaman. Kahit na businessman si dad at naibalita sa mga diyaryo at tv ay nagtataka ako dahil hindi naman niya alam na siya ang daddy ko.  Sandali ay natahimik siya. Lalo akong kinabahan.  "I saw you na hinahatid ng isang lalaki. So I assume na kamag-anak mo siya. He was interviewed tungkol sa case ng pamamaril. " Ewan ko ba pero parang hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. LAMPAS alas sais na ng gabi ng makauwi ako sa bahay.  Nagulat ako dahil nandito ang kotse ni Xander. Ang alam ko ay mag-oovertime ito sa trabaho. Tiningnan mo ang cellphone ko at tambak ako ng calls at texts galing sa kanya.  Kaagad akong pumasok sa loob at nabungaran ko kaagad silang dalawa ni inay sa sala at nagkukwentuhan.  Nilapitan ko si inay at hinalikan sa pisngi, ganoon din si Xander. Umupo ako sa tabi niya at tumayo naman si inay at tumungo sa kusina.  "Where have you been? Bakit hindi ka sumasagot sa mga tawag ko. Nag-aalala kami sa iyo." May pagkainis sa tono ng pananalita nito.  "I'm sorry. Hindi ko kaagad nakita ang mga tawag mo." "So saan ka ba nagpunta? Diba 4pm ang labas mo sa school. Mag-aalas syete na ng gabi." Sandali akong natigilan. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya ang totoo. Mukhang naiinis siya sa akin. Naisip ko na kung sasabihin ko sa kanya na kasama ko si Justine ay magalit lang siya sa akin.  "May tinapos lang kami sa school ng mga kaklasi ko. Group project. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam." Nakita ko ang pagkadismayado ng mukha niya. Parang hindi ito ang ineexpect niya na marinig sa akin.  "I'm sorry Xander kung nagsinungaling ako.Ayoko lang ng issue.  Ilang oras na din nasa amin si Xander. Halata na wala siya sa mood, ramdam ko iyon. Kaso ayoko lang na magtanong. Baka pagod lang siya sa trabaho niya. "I have to go, Gab."  Malamig na sabi niya sa akin.  Tumango na lamang ako at hinatid siya sa labas.  "Ingat ka. Magtext ka nalang kapag nasa bahay ka na." Tumango lamang siya at pumasok sa loob ng kotse. Ni hindi man lang siya nagsalita. Dati naman ay sinasabihan pa niya ako ng "i love you" sabay halik pero ngayon ay wala man lang kahit halik sa noo man lang.  Nalungkot ako sa mga kinikilos niya. Ano kayang problema niya? Nasa kama na ako at nakahiga. Hindi pa rin ako mapalagay. Iniisip ko kung ano nangyari kay Xander bakit siya ganoon. Halos isang oras na rin ang nakakalipas nang umuwi siya. Tingin ko ay nasa bahay na siya ngunit bakit hindi nagtext na nakauwi na siya? Galit ba siya sa akin? Ilang saglit lang ay nagring ang phone ko. Malamang siya ito. Kinuha ko ang phone ko. Tita Alona's calling... Nagtataka ako bakit tumatawag si tita ng ganitong oras. Pasado alas onse na ng gabi. Mabilis ko iyon sinagot.  "Good evening po tita. Napatawag po kayo?" panimula ko. "Hija, kasama mo ba ang anak ko?" Hindi niya kasi sinasagot ang tawag namin. Nag-aalala kamj, hindi naman siya nagpapagabi ng ganito." Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi pa nakakauwi si Xander. Baka may nangyari ng masama sa kanya. "Kanina po ay nandito siya. Pero mag-iisang oras na po siyang umalis dito. Akala ko po.ay nandiyan na." "Ganoon ba? Nasaan kaya ang batang iyan? Hindi ba niya alam na may nag-aalala sa kanya?" "Don't worry tita. Ako na po bahala. Babalitaan ko po kayo kaagad." "Okay hija. Balitaan mo kami." "Yes po tita." Iyon lang ang nasabi ko at ibinaba ko na ang phone. Pilit kong iniisip kung saan pweding pumunta si Xander. Pero wala akong kilala na kaibigan niya na pwedi kong pagtanungan.  Halos paikot-ikot ako sa kwarto ko para mag-isip kung saan ako magsisimula.  Pilit kong tinatawagan ang phone niya kaso ring lang ito ng ring.  Nakailang calls na ako pero wala pa din. Hangga sa bigla na lamang itong out of reach. Ilang minuto lang ang nakaklipas ng makatanggap ako ng tawag. It was my sister Sandra.  "Hello dear sister." Bungad nito. "What do you need?" Inis na tanong ko. "Relax ka lang sister. Masyado ka yatang highblood." "Ano kailangan mo? " tanong ko  "Hulaan mo kung sino ang kasama ko." Sandali ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Nakaramdam ako ng kaba. Ayokong isipin kung ano ang tumatakbo sa isipan ko. It was impossible.  "I think alam mo na kung sino ang kasama ko. And it was true. I was with him." "Do you expect me to believe you?" Matapang na sabi ko. Alam ko na niloloko niya lang ako. I have trust to Xander.  "Oh really? Do you want proof? Paano ku ng sabihin ko sa iyo na kasama ko siya sa iisang kama. Alam mo naman siguro kung anong ginawa namin noon." Gusto kong maluha sa mga narinig ko sa sobrang galit. It can't be happen. "Wag mo akong lokohin, Sandra. Hindi magagawa sa akin ni Xander iyan. Kung totoong nandiyan siya, ipakausap mo ako sa kanya." "Unfortunately sobrang himbing na tulog niya. Mukhang napagod sa byahe namin papuntang langit. Mukha ngang sabik na sabik e. Ang boring boring mo kasi." Tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Pero ayokong iparamdam sa kanya na apektado ako sa mga sinasabi niya.  "I will not believe you unless makita ng dalawa kong mata." "Edi pumunta ka dito para maniwala ka. I will send you the details." Iyon lang ang sinabi niya at pinatay ang phone. Sinend niya ang lugar. Lugar ito ng isang bar at isang room number.  Wala akong sinayang na pagkakataon.  Mabilis akong tumungo sa kotse ko at pinuntahan ang address ng bar na sinend ni Sandra.  Halos malapit lang iyon sa bahay nila kaya ilang minuto lang ang nakalipas ay narating na niya kaagad iyon.  Sobrang ingay sa loob halos marindi ako. Maraming umiinom at sumasayaw. Wala akong sinayang na panahon. Kaagad kong hinanap ang room number na sinabi ni Sandra.  Ilang saglit lang ay kaagad kong nahanap iyon.  Nasa tapat na ako ng pintuan. Halos manginig ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung makakaya kong makita siya kasama ng ibang babae.  Bumuntong hininga ako ng sobrang lalim.  Lakas loob kong binuksan ang pinto. Hindi iyon nakalock. Hinihiling ko na mali lahat ang sinabi ni Sandra. Parang hindi ko kakayanin kapag nalaman ko na totoo na magkasama silang dalawa.  Pagkabukas ko ay nanlambot ako sa aking nakita. Napatakip ako ng bibig sa aking nasilayan. It was really my sister and my boyfriend. Kapwa hubad sila at nakayakap si Sandra habang tulog.  Naramdaman ko na lamang ang mabilis na pag-agos ng aking mga luha. Daan-daan kong isinara ang pinto.  It was my greatest nightmare. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD