Tila naestatwa si Ella sa kanyang nakita. Pilit niyang hinahakbang ang kanyang mga paa pero hindi niya magawa. Ang kaya lamang niyang gawin ng mga oras na iyon ay ang humagulgol. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang natuklasan. Paano ito nagawa sa kanya ni Xander? Ni minsan ay hindi niya naisip na hahantong sa ganito ang lahat sa kanilang dalawa. Ang mga sinabi sa kanya ng binata, wala lang ba ang lahat ng iyon? Pinaasa lang ba talaga siya nito nang sabihin niya na hindi siya sasaktan? Maagap niyang pinunasan ang kanyang mga luha at lakas loob na lumayonsa lugar na iyon. May mga tao din nakatingin sa kanya, kahit kasi madilim sa paligid ay halata pa rin ang pag-iyak niya at pamumugto ng kanyang mga mata. "Ano ba naman iyan Ella. May balat ka ba sa puwet? Baki

