Kinaumagahan, araw ng Linggo. Nasa bahay lang kaming dalawa ni Inay. Hindi pa din maalis sa isipan ko ang sinabi ni Aling Rita kahapon. Marahil ito na ang tamang pagkakataon para malaman ko mismo kay inay ang totoo. Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian. Gustong -gusto kong tanungin na iyon sa kanya kaso hindi ko alam kung paano magsisimula. "Okay ka lang ba, anak? Parang hindi ka mapakali." Tanong niya sa akin. "Matagal na po ba kayo magkakilala ni Aling Rita?" "Oo. Di ba nabanggit ko na dati na namasukan akong kasambahay noon, doon ko siya nakilala at naging magkaibigan. Bakit mo naitanong?" "Nay, may gusto po akong tanungin. May sinabi po kasi siya sa akin." Biglang nag-iba ang awra ng mukha ni nanay at yumuko habang sumusubo ng pagkain. "Ano?" Sagot niya na hindi man lang

