Matuling lumipas ang ilang linggo. Fully recover na ako sa pagkakahospital ko at nagbalik na din ako sa eskwela. Hindi na din nagpaparamdam sa akin si Xander. Malamang ay napagod na din ito sa kakasuyo sa akin. Pero bakit ganoon? Ito naman ang gusto ko, pero bakit hindi ako masaya? Noong mga panahon na sinusuyo niya ako dito ay tinataboy ko siya pero ang totoo ay gusto ko na nandito siya at gusto ko na nakikita siya. Sobrang miss na miss ko na siya. At wala akong ibang magagawa kundi ang umiyak na lamang. Ang totoo ay gusto-gusto ko siyang kausapin na at makipag-ayos, pero pinangungunahan ako ng takot at ng pride ko. Sabi ko sa sarili ko, kapag muli siyang humingi ng patawad sa akin ay patatawarin ko na siya. Kaya lang... kaya lang mukhang pagod na siya. Kasalanan ko ang lahat. Bakit ng

