ISANG BUWAN na din ang nakalipas simula ng pangyayaring iyon. Parang kay bagal ng panahon.Sabagay, kapag masaya ka parang kaybilos ngboras samantalang kapag malungkot ka naman, sobrang bagal. Akala ko isang taon na ang nakalipas, sobra-sobra na kasi ang sakit na kalungkutan ang nararamdaman ko sa araw-araw. Walang araw na hindi ako umiiyak. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa alala ko ang huling tagpo namin ni Xander. "Let me explain, Gab. Mali ang iniisip mo sa aming dalawa ni Sandra." "Anong mali doon? Anobg sasabihin mo? Na aksidente lang ang lahat? Na hindi mo nagustuhan ang ginawa ninyo? Wag mo akong gawing tanga, Xander. Kung sabagay, tanga naman yata talaga ako dahil nagpaloko ako sa iyo." "Hindi Gab. Hindi ko ginusto ang nangyari." "Talaga lang ah? Alam mo, nang mga panahon na n

