Lumipas ang halos isang linggo pagkatapos ng tuluyang paghihiwalay naming dalawa ni Xander. Walang araw na hindi ako umiyak. Tuwing naaalala ko siya ay bigla na lamang tumutulo ang mga luha ko. Nakukuha ko pang pumasok sa school subalit lagi naman akong lutang sa klase. Nang matapos ang klase ko ay daretso na ako sa bahay. Nagcocommute lamang ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa kinukuha ang kotse ko sa kanila. Ayoko na din makisabay pa kay Carlo dahil gusto ko na din bigyan ng space ang pagitan sa namin, lalo na kay dad. Palabas pa lamang ako ng school ng makatanggap ako ng tawag. Hindi naman ako nagdalawang-isip na sagutin iyon. "Hello, sino ito?" panimula ko. "Gabriela, ako ito." tinig ng lalaki ang nasa kabilang linya. Pamilyar ang boses na iyon pero hindi ko maalala kung s

