HFL3: FIVE

448 Words
Ito na ata ang pinakanakakahiyang pangyayari sa buhay niya. Ang sumama sa dalawang tao na hindi naman kakilala at ang masama pa doon nagkaroon pa ng tensyon ang babae na malamang nobya nito at ng lalaki,Vlad ang pangalan. Lihim siya napabuga ng hangin. Tama nga ang sampataha niya mas brat pa ito kay Alena. Agad natanawan niya ang kanila bahay at nakita ang paglabas ng ama sa bahay nila. Agad naman napahinto sa paglalakad ang kanya ama marahil nakilala nito ang paparating na sasakyan. Kilala nito ang kaniya ama kaya malamang pamilyar ang kanya tatay sa sasakyan na paparating. Agad na inabot niya ang bale na niya saklay. Iniiwasan niya hindi makatingin sa gawi ng babae na nasa harapan ang kanya paningin. Alam niya nakaismid pa rin ito. Napukaw ang atensyon niya ng bumukas ang pintuan sa gilid niya. "April Rose,anak!" turan ng kanya ama na makita siya. Napasinghap siya ng walang pasabi buhatin siya ni Vlad pababa ng sasakyan. "Naku,salamat,Sir,Vladimir.." agad na hinawakan siya ng kanya ama na pinagsasalamat niya dahil hindi na ata siya humihinga habang magkadikit ang kanila mga katawan ng lalaki. Napakainit nga nito parang hindi normal ang temperatura ng katawan nito. Saka Vladimir pala ang pangalan nito! Bagay na bagay rito ang pangalan ng lalaki. "Sige ho,Mang Danilo..tutulak na po kami.." Napukaw ang atensyon niya ng magsalita ito habang nakaharap sa kanila mag-ama. Matiim ang mga mata nito bumaling sa kanya. Mabilis na gumalagabog ang kanya dibdib. "U-uhm,Salamat sa paghatid sakin,Sir Vladimir.."bahagya kabado niya saad na hindi niya alam kung bakit niya iyun nararamdaman . " Walang anuman..madadaanan naman ito sa inyo patungo sa mansion saka mapaano ka pa sa daan lalo pa at bale ang saklay mo.."matiim nito saad. Doon lang nakita ng kanya ama ang bitbit niya saklay. "Anong nangyare dito?" gulat ng ama. Kinakabahan na napatitig siya kay Vladimir. Ayaw niya lumaki pa ang galit ni Alena sa kanya at sa ama nila. "Uhm,Tay..m-may crack na rin kasi ito hindi ko lang pinapansin,natuluyan lang siya ngayon.." pagdadahilan niya. Nakita niya ang bahagya pagsingkit ng mga mata ni Vladimir sa pagsisinungalin niya. Nginitian niya ito para ipakita rito na ayaw na niya ipaalam pa sa ama ang totoo nangyari. "Sige ho,Mang Danilo.." saad na lang nito. Agad na nakahinga siya ng maluwag na hindi na ito nagsalita pa. Tinanaw na lamang niya ang paglayo ng pickup truck na naghatid sa kanya. "Halika na nga sa loob at gagawan ko ito ng paraan para magamit mo pa.." paggiya sa kanya ng ama papasok sa loob ng bahay. Sana makita pa niya ito. Pero mukhang malabo dahil may nobya na nga pala ito. She sighed. Bakit ko ba hinihiling na magkita kami ulit?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD