Inaasahan na niya aastang parang bata si Me-an sa harapan ng kanya magulang dahil sa ginawa niya pagsita rito kanina sa harapan ni April Rose. April Rose,iyun pala ang pangalan ng babaeng itinakda sa kanya. Bagay na bagay sa kagandahan nito ang pangalan nito. "Alam ko na hindi ko dapat pansinin ang sinusumbong ni Me-an..pero talaga bang ginawa mo yun?"sita ng kanyang ina nang maiwan sila sa salas dahil nauna ng tumungo sa dining area ang kanya ama at ang kababata. He sighed. "Alam po natin pareho na hindi po talaga kagandahan ang pag-uugali ni Me-an.."komento niya. Muli umusbong ang inis niya sa ginawa ng kababata kanina sa babaeng itinakda sa kanya. Sigurado siya magagalit ang kanya ina kapag sinabi niya na pinakitaan ng kababata niya ng hindi maganda asal ang kanya mate. Napabuga ng

