Alam niya na gusto niya makita muli ang babae na si April Rose kaya nang maihatid niya ang kababata sa villa ng mga ito agad na tinungo niya ang tinitirhan ng dalaga. Mula sa kinatatayuan niya sanga ng isang santol ilang metro ang layo mula sa bahay ng babae ay tumanaw siya at mukhang hindi naman siya mabibigo makita ito ngayon gabi. Mula sa madilim na kinaroroonan niya nakita niya ang paglalakad ni April Rose palabas sa bahay ng mga ito gamit ang saklay nito na binale ng batang babae kanina. Nagsalubong ang mga kilay niya ng maalala nagsinungalin ito kanina kay Mang Danilo tungkol sa nabale nito saklay. Naikuyom niya ang mga palad. Hindi niya talaga nagugustuhan ang nangyayare sa kanya mate. Inaapi nila ang babae itinakda sa kanya! Calm down,my men..baka hindi ka na naman makapagpigil

