Hating-gabi na pero hindi pa rin siya makatulog. Matapos niya labhan ang pinalalabang damit ni Alena sa kanya dumeretso na siya sa silid niya. Maliit lang ang silid na ginagamit niya. Ang kwarto na ginagamit niya noon ay si Alena na ang gumagamit. Naalala niya tambakan ng mga lumang gamit ang silid na tinutulugan niya ngayon. Inayos lang niya iyun kaya nagmukha malinis at maliwanag. She sighed. Akala niya makapagmuni-muni siya kanina dahil alam niya nagpapahinga na ang mga ito. Kanina habang nasa labas siya ng bahay nila may kakaibang pakiramdam siya nararamdaman. Pamilyar yun sa kanya. Iyun yung pakiramdam habang nakatingin sa kanya si Vladimir. Marahas siya napabuga ng hangin. Nasapo niya ang dibdib kung saan mabilis na tumitibok ang kanya puso. Isa lang ang dahilan kung bakit iyun tum

