Pagkapasok niya sa kanyang munting kubo sakto naman ang pagring ng kanya telepono na iniiwan lang niya kapag nasa farm at sakahan siya. Inabot niya iyun sa may gilid ng unan niya. Mula sa opisina ang tawag kaya agad na sinagot niya iyun. "Goodafternoon,Sir.. May dumating po package sa inyo,ipapadala ko po ba dyan sa inyo?" agad na pagbungad ng sekretarya niya. "Pupunta ako dyan,salamat.." maikli sagot niya rito. Mabilis ang kilos niya agad na naligo siya para puntahan ang opisina niya na nasa bayan pa. "Magandang umaga,Sir Vladimir!" pagbati sa kanya ni Mang Danilo. "Magandang umaga,Mang Danilo..maupo muna ho kayo.." anyaya niya sa matandang lalaki. May pagtataka na umupo ito sa monobloc na upuan sa may gilid ng lamesa kahoy. Sinundan nito ang bawat galaw niya sa loob ng kubo niy

