Abala siya sa pagpupunas ng lamesa nila ng matapos mag-umagahan ang kanya madrasta at stepsister. Kakaalis lang ng mga ito kaya ayun naiwan sa kanya ang mga kalat ng mga ito. Minsan naiinis na nga siya sa mag-ina dahil kasambahay ang turing ng mga ito sa kanya. Nagtitiis siya para sa salitang pakikisama. Kung hindi lang dahil sa kanya ama malamang hindi na siya magtatagal dito pero naaawa naman siya sa kanya ama dahil alam niya gustong-gusto nito bumawi sa kanya. "Anak! April Rose?!" Napahinto siya sa pagpupunas ng lamesa ng marinig ang boses ng ama na tinatawag siya. "April Rose!" "Tay.." tugon niya ng pumasok ito ng kusina nila. Masaya ito lumapit sa kanya na tila nanalo ito sa isang lotto. "Anak,tingnan mo ito! May nagbigay sayo!" masayang-masaya nito saad. Natuon ang tingin niy

