Kinakabahan na naeexcite na ewan. Papalit-palit iyun. Pero isa lang ang pinag-aalala niya baka hindi magustuhan ni Vladimir ang niluto niyang Carbonara. Especialty niya iyun. Iyun ang naisip niya ipang-thank you gift sa binata sa niregalo nitong mamahalin na saklay sa kanya. Ang sabi ng Tatay Danilo niya tuwing meryenda bumabalik ng kubo ang binata mula sa farms ng mga ito kung saan doon siya naghihintay ngayon bago ito magtungo sa mansion ng mga ito para magmerienda. Kinakabahan na bumuga siya ng hangin at bigla niya nahigit ang hininga ng makitang nasa harapan na pala niya ito. Hindi niya namalayan na dumating na pala ito? "U-uhm,magandang hapon,Sir Vladimir.."kabado niya saad. Patuloy pa rin sa malakas na pagkabog ang kanya dibdib. Napahigpit ang hawak niya sa tupperware. " Magan

