Pinapakiramdaman niya ang babae na nasa passenger seat ng pick up truck niya. Si April Rose na tahimik lang nakaupo doon. Dinig na dinig niya ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso nito. Sa estado nitong iyun may kasiyahan siya nararamdaman. Ibig lamang niyun sabihin na naaapektuhan ito sa presensya niya. Mabuti ba iyun o masama? Nagkibit siya ng balikat. Isa lang ang sisiguruduhin niya ang mapalapit rito at makilala nila ang isa't-isa. Kanina,hindi niya inaasahan na naghihintay sa labas ng kubo niya ang dalaga. Malayo pa lang nakita na niya ito. Ang mabango nitong amoy ay muli naamoy ng matalas niyang pang-amoy. Napahigpit ang hawak niya sa manibela. She's kinda sweet. Pinagluto pa siya nito ng makakain. "Nabanggit ni Mang Danilo na ilang buwan ka pa lang nandito?"pagbubukas

