“Ang impotante stable na si Andrea.” Sambit ko, ramdam ko ang pagaalala ni Charles sa kaibigan ko, ganun din ang magulang ni Andrea. Nakaupo ako sa labas ng kwarto nito at nakasandal ang ulo ko sa pader, napabuntong hininga ako nang maalala ko ang flight ko at trabaho sa Paris, baka pagalitan ako ng boss ko dahil hindi ako nakabalik. Inangat ko ang ulo ko nang may nagabot ng kape sa harap ko, si Dylan. “Thanks.” Pagkaabot ko ng kape, umupo sya sa tabi ko at tahimik na nagmasid sa paligid. Napalingon sya sa akin nang marinig nya ang malalim na pagbuntong hininga ko. “May problema ba?” Tanong nito na noon ay nakatingin sa akin, pero walang emosyon ang muka. “I’m worried, baka mawalan pako ng trabaho dahil hindi ako nakabalik kaagad.” Sambit ko, habang nakayuko at nakatingin sa cup na

