“Thank you Mr. Komoto.” Pahabol pang sambit nito, hinatid naman ni Raymond ang kliyente at naiwan kaming dalawa ni Dylan. “Not bad Ms. Sandoval.” Sambit nito bago uminom ng wine. Inabot nya sa akin ang isang brown envelop, napatingin ako don habang inaabot yon sa akin. “This is our contract.” Sambit nito. Muling nanumbalik ang tagpo kung saan nagkaroon kami ng kasunduan ni Dylan. Binuksan ko ang envelop at nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang nakasulat,”Totoo ba to?” sambit ko, “halos doble pa to sa sinasahod ko sa Paris.” Napangiti ako sa sobrang saya, hindi narin pala masama ang pagpayag ko na magtrabaho kay Dylan. “Just do whatever I ask you to do.” Napawi ang mga ngiti ko sa sinabi nya at kinilabutan, bakit parang may iba akong nararamdaman sa tinuran nyang iyon? Bumal

