CHAPTER 5

1432 Words
Maswerte ako dahil ito ang madalas kong nakikita, tama. Makita ko lang sya ay solve nako. Hindi ko namalayan ang ngiti sa mga labi ko. "Are you enjoying your view?"sambit nito kasabay ng pagngisi nito. Agad kong inalis ang ngiti sa labi ko at tumingin nalang sa bintana. Hindi ko alam kung saan kame pupunta,bahala na siguro naman ay wala syang masamang gagawin sa akin,di ba? Nakapako ang mga paa ko sa labas ng isang Hotel,nakatingin sa mga taong lumalabas at pumapasok dito. Wala naman siguro syang balak gawin sa akin sa lugar nato diba? Mukang mali yata na sumama ako sa kanya. Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko. "Shall we?" Nauna syang pumasok sa loob at ako naman ay di malaman kung ihahakbang ko bang paabante ang mga paa ko o pagkakataon ko na iyon para tumakbo,muli nya akong nilingon at tiningnan binaling nya ang ulo nya senyas na sumunod na ako sa kanya. Nginitian ko lamang sya na may kasamang pagaalangan at sumunod narin sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag ng pumasok kame sa isang restaurant na nasa loob pala ng hotel na iyon,maganda ang restaurant at sosyal tingnan. Siguro ay puro mayayaman lang ang kumakaen dito,ngayon ko lang napansin ang ganda ng disenyo ng hotel. Sinalubong kame ng isang lalaki,tingin ko sya ang manager ng restaurant,maganda ang pakikitungo nito sa amin at kilala nito si Dylan,tinatawag nya rin itong Mr.President. doon ko lang naalala ang hotel na pagmamayari ng Montenegro,ito ba yon?namilog ang mga mata ko at binaling ang tingin sa binata,umupo naman ako sa tinurong lamesa ng manager at binigay ang menu sa amin,pagkaraang makaupo si Dylan. Hindi ko maintindihan ang mga nakasulat sa menu,hindi ko rin alam kung anong itsura ng mga pagkaen na nadon dahil pangalan lang at presyo ang nakalagay,napukaw ang tingin ko sa mga presyo ng mga pagkain,walang hindi bababa sa 2,000 pesos ang mga pagkain dito. Muli kong tiningnan si Dylan na noon ay nakatingin din sa Menu. "Isang pasta with steak medium rare at wine."sambit nito sa waiter."Anong sayo Ms. Sandoval?"baling nito sa akin. "Ha?..ahm,yung kagaya nalang din ng sayo."sambit ko habang nakaangat ang gilid ng labi,agad namang umalis ang manager para kunin ang order namin,umayos ako ng upo ng makita kong nakatingin nanaman sya sa akin,parang nagiging hobby nya na ang tumitig sa akin,hindi tuloy ako mapalagay sa kinauupuan ko. "Why you're so tense Ms. Sandoval?"tanong nito na may seryosong ekspresyon ang muka. "Ahm,Mr.President,hindi kase ako sanay sa mga ganitong restaurant kaya siguro di ako mapalagay."sambit ko. "Relax, wala kana sa trabaho. Gusto ko lang may kasamang kumaen you don't have to be so formal kapag tayong dalawa nalang." Sambit nito na may ngiti sa mga mata. Napakabait ni Dylan,wala nakong ibang hahanapin pa sa kanya. "Dont call me Mr. President,Dylan nalang ok? Tayo lang namang dalawa,wala ka naman sa office."dugtong pa nito. "Yes.. sir.. este Dylan." Muli nanamang kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Maya maya lang ay dumating na ang order namin,isang spaghetti at steak, at isang baso ng wine. Mukang masarap,agad nyang hiniwa ang steak na nasa harapan nya ng matapos ay kinuha nya ang plato ko na sinundan ko pa ng tingin at binigay sa akin ang nahiwa nya nang steak. Muli nanamang nangamatis ang pisngi ko ng mga oras na iyon,kung tutuusin ay para na kameng nagdadate dahil kame lang dalawa,napakasweet at gentleman naman ng lalaking ito,nakangiti ako habang kumakaen. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay napansin kong nagtitinginan ang ibang mga customer sa amin at tila ba pinaguusapan kame ni Dylan. Napansin nya naman na palinga linga ako sa mga taong iyon kaya tumingin sya sa akin at binaba ang kubyertos. "Dont mind them,finish your food."sambit nito saka nagpatuloy sa pagkain. "By the way,nasan na nga pala ang mga magulang mo Irene?"tanong nito,sandali akong natulala dahil ito ang unang beses na tinawag nya ang pangalan ko,ang sarap sa tenga.. "Ah,bata palang ako ng mamatay sila,kaya ako nalang magisa ang bumubuhay sa sarili ko. Mabuti nga ay isang taon nalang at gagraduate nako sa college."tugon ko. Tumango tango naman ito na parang nasatisfied na sa sagot ko. "I see Im sorry to hear that." sambit nito habang nakatingin sa akin. "Naku,ok naman na po ako. Isa pa,matagal naman na silang wala." Nakangiti kong tugon. Tahimik syang nakatitig sa akin na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko,hindi ako sanay sa ganoong posisyon kaya hindi ako mapalagay. "Do you have a boyfriend? Irene?"seryosong tanong nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan na itatanong nya iyon sa akin. Muling namula ang aking mga pisngi at umiling. "wala po.. hindi pa ako nagkaka boyfriend."sambit ko. "Really?"tugon nito sabay ngisi sa akin na parang may masamang gagawin. "Are you done? Ihahatid na kita" muli nitong tugon. Tumango lang ako at tumayo na sya para lumabas ng restaurant. Habang naghihintay sa staff na kumuha ng kotse nya sa parking. "Sir.. ahm, Dylan.. hindi mo naman na ko kailangan pang ihatid,nakakahiya na."sambit ko habang nasa likuran nya. "It's already late,ayokong umuwi kang magisa,delikado."sambit nito habang nakatingin lang sa paparatingn nyang kotse. Inabot sa kanya ng driver ang susi at sinenyasan ako na sumakay na. Nagaalangan man ay sumakay narin ako,actually pabor din yon sa akin dahil makakasama ko pa sya ng ilang oras,nangingiti ako habang nasa byahe kame. "Hindi ba delikado sa tinitirahan mo? Para kasing masyadong madilim sa lugar mo" sambit nito habang nakatingin parin sa kalsada. Ngumiti ako bago sumagot at tumingin sa kanya. "Hindi naman,matagal na akong nakatira don,sanay nako."sambit ko. "Im just worried,delikado para sa babaeng gaya mo ang magisa."tugon nito,sumulyap sya saglit saka binalik ang paningin sa kalsada. Nagaalala sya saken?! Bakit? Muling bumilis ang t***k ng puso ko sa mga narinig ko,ngayon lang ako nakarinig ng ganon,ang sarap sa pakiramdam..feeling ko napakaspecial kong tao para sa kanya. Nang makarating na kame sa street malapit sa amin,tinanggal nya ang seatbelt ko na medyo kinagulat ko pa,dahil sa sobrang lapit ng muka namin,umiwas pako ng bahagya dahil sa pagkabigla. Muli naman syang umayos sa kinauupuan nya ng matanggal nya ito. "Thank you Mr.President."sambit ko at ngumiti ng bahagya. "Ingat po kayo sa pagddrive."dugtong ko pa. "I said dont call me Mr.President and dont use po or opo,dba?"muli nyang nilapit ang muka nya sa akin dahilan para mamilog ang mga mata ko sa gulat. "Say it again."with a sexy voice. "H-ha?"Utal kong sambit habang muling nagalburoto ang dibdib ko sa kaba at namula ang mga pisngi ko dahil sa ginawa nito. "Say my name,or else hahalikan kita."tugon nito. "D-dylan." Pagkaraang masambit ko ang pangalan nya ay pumikit sya at nilupig ako ng halik, unti unting dumaloy ang kuryente at lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginagawa nya. Ang sarap ng bawat halik na binibitawan nya. Naaamoy ko pa ang mabango nyang hininga na lalong nagpainit sa aking katawan,marahan at madiin ang ginagawa nyang pangaangkin sa labi ko. Dahil hindi pako nakakahalik ng kahit na sino noon ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin kaya nakatikom lang ang bibig ko. Muli nya akong tiningnan. "Open your mouth,Irene"Para akong tau tauhan na basta nalang sumunod sa sinasabi nya,sa puntong iyon ay hinalikan nya kong muli pinasok nya ang dila nya sa bibig ko dahilan para mapahalinghing ako,napakasarap ng ginagawa nya ngayon ko lang naramdaman ang ganong sensasyon,blanko na ang isip ko at hinayaan ko nalang na kusang sumagot ang katawan ko sa mga ginagawa nya,napakabango nya at nagugustuhan ko ang paghagod nya sa aking bewang dahilan para lalo pang tumindi ang paghahalikan namin. Ngunit sa kalagitnaan ng sarap ay bigla na lamang syang huminto at umayos ng upo nya,napahawak sya sa ulo nya at tumingin sa akin na noon ay hindi alam kung anong nangyayare. "Im sorry Irene,I shouldn't have done that."sambit nito. Hinawi ko ang buhok ko at bakas parin sa muka ko ang pagkalito,saka ako nakaramdam ng hiya napakagat labi na lamang ako at nagpaalam na para umalis. "Thank you Mr president sa paghatid,mauna na po ako."Dali dali akong bumaba ng sasakyan nya at halos takbo lakad ang ginagawa ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at parang gusto ko nalang maglaho dahil sa kahihiyan. Bakit ako pumayag na halikan nya ako? Bakit sya nagsosorry sa akin? Bakit sya huminto? Hindi nya ba nagustuhan ang ginawa ko? Hindi ako nakatulog ng gabing iyon sa kaiisip kung anong muka ang ihaharap ko pagpasok ko sa trabaho. Madaling araw na ng tuluyang tablan ako ng antok,nagising na lamang ako sa ringtone ng cellphone ko.. kinapa ko iyon at nakapikit pang sinagot. "Hello?" Inaantok kong sagot. "Beshy!"sigaw ng nasa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD