Nagising ako dahil sa ingay ng ringtone ng phone ko,kinapa ko iyon at dinikit sa tenga ko para sagutin. "Hello?"sambit ko pagkaraang pagsagot ko ng phone.
"Beshy!!!" sigaw ng nasa kabilang linya,masakit iyon sa tenga kaya bahagya ko pang nilayo ang phone sa tenga ko.
"Andrea?Ano bang nangyayare sayo,at umagang umaga nagsisisigaw ka?"sambit ko,noon ay umupo ako at kinusot ang aking mata.
"Kumakalat ang pictures mo sa internet!"sambit nito.
Kumunot naman ang aking noo at hindi maintindihan ang sinasabi ni Andrea.
"Ha?Ano bang sinasabi mo?"tanong ko.
"tingnan mo yung sinend ko sayo para malaman mo."noon ay tiningnan ko nga ang sinend ni Andrea at nanlaki ang mga mata ko at namilog ang aking bibig dahil sa pagkagulat.
Pictures namin iyon ni Dylan sa restaurant at sa kotse habang naghahalikan kame,nakakawindang ang Article "Young lady dating a Rich bachelor: A Real life Cinderella". Wow.
"Andrea,saka ko na ipapaliwanag may kailangan lang ako puntahan."di ko na hinintay pa ang sagot ni Andrea at binaba na ang phone.
Habang nakasakay ako sa bus ay binasa ko ang nagkalat na pictures at article tungkol sa amin ni Dylan puno rin ito ng mga hate comments na halos laitin ang buong pagkatao ko na para bang kilalang kilala nila ako.
Napabuntong hininga na lamang ako at tumingin sa bintana. Malamang ay kalat narin iyon sa office.
At hindi nga ako nagkakamali!
Pagtungtong ko palang sa building ay napako na sa akin ang mga mata ng mga taong nasa paligid ko,ang iba ay nakatigin sa phone saka titingin sa akin,may mga nagbubulungan pa at nakataas ang kilay.Dumeretso ako sa elevator at umakyat sa 58th floor para puntahan si Dylan.
Gulat na sinalubong ako ni Ella,may halos pagaalala ang mga tingin nito,. "Ms. Irene,anong ginagawa mo dito?"bungad nito sa akin.
"Nanjan ba si Mr.president?"tanong ko,hindi ko na hinintay pa ang sagot nya at dumeretso na sa office ni Dylan.
Sinundan nya ako para pigilan pero huli na ang lahat dahil nakapasok na ako sa loob ng office nito naabutan ko syang abala sa mga paperworks nito,umangat ang ulo nya at tumingin sa amin.
"What are you doing here Ms.Sandoval hindi bat off mo ngayon?"sambit nito.
"Pwede ba tayong magusap Mr. President?"mariin kong tanong.
"Ella you may go."sambit nito sa dalaga na noon ay nasa likuran ko at nakahawak sa pinto.
Sumunod naman ito kaagad at sinara ang pinto,nilingon ko pa sya bago tuluyang umalis.
Tumayo si Dylan sa kinauupuan at naglakad papalapit sa akin,muli nanamang bumilis ang t***k ng puso ko nang makita syang nakatitig nanaman sa akin. "Why don't we have a seat and talk Ms Sandoval?"sambit nito,nauna akong umupo sa couch sumunod naman ito sa akin
"So,i guess you already seen the pictures."sambit nito.
"Oo,at hindi ko maintindihan kung bakit ganon ang lumabas sa article? Meron kabang pwedeng gawin para mabura yon?"nakakunot noo kong sambit.
"Masyado ng maraming tao ang nakakita ng pictures,kaya kahit itake down ko ang mga pictures wala ring mangyayare."sambit nito na tila ba hindi nagaalala sa sitwasyon.
"Mr.president,hindi kaba nagaalala sa image mo? Pwedeng makaapekto yung article sa business mo."sambit ko.
"That's why we need to have a deal."tugon nito.
Muling kumunot ang noo ko. "Ano yon Mr.president?" Sambit ko,"Hey,i told you,dont call me Mr president kapag tayo lang dalawa,unless.. you want me to kiss you again?"aniya.
Napaawang ang labi ko at tumaas ang kilay.
"This is not the right time para magjoke Mr..ahm.. Dylan."Halos nanginginig ko pang sambit.
"Then,lets get married." Seryosong tugon nito,sandali pakong napako sa pagkakatitig sa kanya at pilit na pinoproseso ang mga huling sinabi nya.
"M-married??"utal kong ulit sa huli nyang sinabi,
"Yes,marry me,Irene."ulit nito.
Doon ay napanganga na ako at hindi makapaniwala sa mga narinig,napatayo pa ako sa upuan bago sumagot.
"You must be kidding me,President.. Marriage? Kasal talaga??? Yung ba yung sinasabi mong solusyon?"
Sunod sunod kong sambit,hindi nako mapalagay ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Oo gusto ko si Dylan parang inlove na nga ako sa kanya eh,pero ang magpakasal? Tingin ko Masyado pa akong bata para don, ni sa panaginip hindi ko naiimagine na mangyayari ito. Lumaki ako na nakikita ko kung pano magmahalan at irespeto nila tatay at nanay ang sagradong kasal,kaya gusto kong ganoon din ang mangyari sa akin kung sakali mang ikasal ako sa taong mahal ko,at mahal din ako.