Present time...
Sinalubong kame ng isang middle aged man,at bumati kay Dylan. At binuksan ang pinto ng sasakyan
"Welcome to Paris, Mr.President." tiningnan lang sya ni Dylan at dumeretso na sa loob ng kotse.
"Welcome to Paris, Mrs. Irene Montenegro."bati nito sa akin,nginitian ko sya at sumakay narin sa sasakyan, hindi ko na napigilan pa ang pamumula ng aking pisngi ng marinig ko ang "Mrs. Irene Montenegro" parang panaginip lang ang lahat.
Hinatid kame ng driver sa La Bristol Paris, maganda ang hotel magarbo ang mukang mamahalin. European style ang disenyo nito,may malaking chandelier sa lobby na pagpasok ko pa lang ay pumukaw na sa aking paningin,nagniningning ang aking mga mata sa sobrang ganda ng mga furnitures nito, nagulat ako ng hawakan ni Dylan ang kamay ko papunta sa reception.
"Bonjour, nous avons une reservation sous le nom d'Antonio Montenegro."sambit ni Dylan sa receptionist,nagulat ako dahil hindi ko akalain na marunong din palang magfrances si Dylan, lalong kuminang ang mga mata ko sa kanya.binitawan nya ang kamay ko ng Iniabot sa kanya ng babae ang card keys ng makumpirma nito ang reservation namin sa hotel, ngumiti pa ito bago itinuro kung saan kame dadaan.
"Merci." Maiksing sambit ni Dylan saka muling hinawakan ang kamay ko at pumunta sa elevator, nakasunod naman sa amin ang isang bell boy na nagdala ng mga bagahe namin, halos napatalon ako sa tuwa ng makita ko ang kabuohan ng kwarto,napakalaki nito at may dalawang malalaking bintana, may isang napakalaking kama at dalawang side table,nakapatong naman doon ang magkabilang lamp shade,meron din sala set sa tapat ng kama at coffee table, sa gilid ay may isa pang pinto at iyon ay papasok sa isang walkin closet at sa dulo non ay ang bathroom,napakalaki ng banyo,meron din baththub at nakahiwalay ang shower,habang tinitingnan ko ang baththub ay hindi ko maiwasan ang pamumula ng aking mga pisngi,ano kaba Irene,kalian kapa natuto na magimagine ng mga ganyang bagay? Nakakahiya ka. Lumabas nako sa bathroom at nilapitan ko si Dylan na noon ay kakapasok lang nya ng mga bahage namin.
"Grabe,ang ganda dito." Nakangiti kong sambit,umupo sya sa sofa at niluwagan ang necktie nya.
"Yeah,this is nice room. Di ka pa ba gutom? Sabihin mo lang magpapadeliver ako, they also have a restaurant sa baba we can eat there."sambit nito.
"Mamaya nalang,hindi pa naman ako nagugutom." Sambit ko.
"Ok,I'll take a shower first." Tugon nito sabay tayo at pumasok sa bathroom. Muli nanamang tumalon ang puso ko ng sinabi nyang magsshower sya,mula ng dumating kame dito ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.
Lumabas syang nakapagpalit na ng itim na longsleeve at pantalon,habang kinukusot nyang maliit na puting towel ang basa nyang buhok,umalingasaw ang pabango nyapagbukas palang ng pinto, muli nanamang nagalburoto ang puso ko,tumayo ako ngmakalampas na sya sa akin at dali daling pumasok sa bathroom, naligo narin akoat nagpalit ng damit,dahil malamig dito sa Paris ay puro makakapal na damit at sweater ang nasa maleta ko,hindi naman ako ang nagayos ng mga bagahe ko kaya hindi ko alam kung ano ang mga laman nito,dahil bigla nalang itong binigay sa amin ng isang staff after ng reception. Pinili kong isuot ang sweater na white at pantalon na black,hindi naman malamig sa loob ng kwarto dahil may heater kaya tama lang iyon. Lumabas ako ng bathroom at nadatnan ko si Dylan na busy sa laptop nya at may mga papel na nakalatag sa coffee table,naisipan kong magtimpla ng kape kaya niyaya ko sya.
"Do you want coffee?"tanong ko habang papalapit sa kusina.
"Sure."maiksing sambit nito ng hindi parin ako nililingon, inilapag ko ang coffee nya sa table at umupo rin ako sa couch sa gilid nya habang hawak ang kape ko.
Nakita kong busy sya sa pagtatype kaya hindi na ako umimik at inenjoy ko nalang ang coffee ko habang nakatingin sa malaking bintana.
"You don't have to come to office anymore."sambit nito,habang nakatingin sa mga papel na iniisa isa nya sa table.
"Why?" tanong ko, sayang naman,kung kelan naeenjoy ko na ang trabaho ko saka naman ako aalis.
"You don't have to work, just focus on your studies,hindi magandang tingnan na nagtatrabaho ka parin bilang secretary ko, remember you're already my wife, you don't have to do that stuff." Aniya,na noon ay nakatingin na sa akin. My wife. Parang napakasarap naman pakinggan,hindi ko namalayan ang pagkagat ko ng bahagya sa aking labi.
"Don't get me wrong, ayoko lang na pagmulan pa yon ng kahit na anong issue."seryosong sambit nito,napatuwid ako sa pagupo ng marealize kong nakatingin parin pala sya sa akin at nakita ang naging reaksyon ko.
"Alam ko naman iyon." Sambit ko kasabay ng pagangat ng labi ko.
"Good." Tumango tango pa ito pagkasagot nya.
Bumaba kame para kumaen sa restaurant na nasa loob lang din ng La Bristol, nilibot ko ang paningin ko sa paligid,napakasosyal ng restaurant na iyon,iilan lang din ang mga kumakaen, tumingin ako sa kanya habang naorder sya dahil hindi ko maintindihan ang mga nakasulat sa menu.
"Pwede bang ikaw nalang ang umorder para sa ken?" sambit ko. Ngumiti naman sya at muling binaling ang tingin sa menu, saka umorder sa waiter na noon ay nakatayo lang sa gilid naming at naghihintay.
"Can we have Royal Dublin bay prawns,sweetbreads and wild pike dumplings."sambit nito.
"Avez-vous quelque chose monsieur?" tanong naman ng waiter,nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang naguusap sila, hindi ko man maintindihan pero manghang mangha ako kay Dylan.
"Et vins de Bordeaux de 1845, ce'st tout, merci."huling sambit nito,agad namang umalis ang waiter at kinuha ang menu. Bumaling ang tingin nya ng Makita nyang makatingin ako sa kanya.
"What?" sambit nito na may pagtaas pa ng kilay.
"Madalas kaba dito sa Paris? Ang galing mo kasing magfrances."sambit ko.
"That's my work, marami akong client na foreigner kaya kailangan kong aralin ang mga linggwahe nila,you know,para hindi ka mabenta. You are a Montenegro now kaya kailangan mo ring matutunan ang makibagay sa mga tao lalo na sa mga higher class."sambit nito sabay ngiti sa akin.
"Me? Why? Sabi mo hindi ko na kailangan maging secretary mo, kaya hindi na ako ang kasama mo sa mga meetings mo."tugon ko.
"Yeah,you're not my secretary anymore, but you're my wife,you have a bigger responsibility and role in my business."paliwanag pa nito,sabay inom ng tubig. It's the second time around. Pangalawang beses nya nang binanggit ang salitang my wife. Hay,kung sana totoo nalang ang lahat ng ito,ang saya siguro sa pakiramdam.
Pagkatapos naming kumaen,pinunasan nya ang bibig nya ng table napkin bago nagsalita. "We need to have an agreement,para maging maayos ang pagsasama natin." Seryosong sambit nito,tumango naman ako,dahil yun din ang nasa isip ko, hindi naman porket kinasal na kame ay dapat na kameng magturingan bilang tunay na magasawa.
"what's your condition?" tanong nya sa akin habang nakatingin sakin. Umayos ako ng upo at deretsahang sinabing "No physical contact."sambit ko. Tumawa sya at ininom ang natirang wine sa baso nya,
"We can't do that,lalo na kapag nasa harap tayo ng mga tao at ni Papa,magtataka sila kung bakit malayo tayo sa isat isa."sambit nito,kumunot naman ang noo ko, "Then, no physical contact kapag tayo nalang dalawa, at lalong lalo na ang kiss and..and." putol kong tugon,hindi ko masabi ang gusto kong sabihin,nahihiya ako at ang awkward ng word na "s*x" lalo na sa kagaya ko na wala namang alam at karanasan pa don.
"kiss? We already did that, and don't worry hindi ko gagawin sayo yang iniisip mo, hindi naman tayo tunay na magasawa para gawin yon."aniya habang nakatingin sa muka ko, "And my conditions are, no boyfriend, text or call me wherever you go, don't go home later that 9pm, and don't disturb me while im working. Is that clear?" sambit nito, habang may pagtaas pa ang kilay, napanganga naman akosa mga kondisyon nya,isa lang ang saken, pero ang dami ng gusto nya.
"Ok,fine. Pero hindi ko masisigurado na wala akong magiging boyfriend."sambit ko kasabay ang pagirap dito.
"Really? Seriously? Alam ng lahat na asawa mo ako,and yet naghahanap ka pa ng boyfriend?"nakakunot nitong sambit.
"Wag ka ngang judgemental, hindi lang naman puro babae ang nakakasama ko sa school syempre may mga lalaki rin akong kaklase at boy friend, ok? Halika na inaantok nako."sambit ko saka tumayo at nauna sa kanya palabas ng restaurant. At naiwan syang nakanganga sa akin, that's my way of teasing him,nakakatawa ang reaksyon nya.
"Should I transfer you to all girlsschool?"pahabol pa nito habang naglalakad kame papunta sa elevator.
"Seryoso ka?!" singhal ko sa kanya.