CHAPTER 8

1501 Words
We went to the famous sights in Paris, I was so excited and nervous because this was the first time na nakapasyal ako sa ibang bansa, and ofcourse kabado dahil kasama ko si Dylan, he's wearing the most beautiful smiles,kagaya ng ngiti nya noong unang beses ko syang nakita, sa sobrang saya ko,nakalimutan ko ang lahat ng problema ko, magaan ang pakiramdam ko kapag kasama si Dylan at kapag nandyan sya walang segundo na hindi tumitibok ng mabilis ang puso ko, it was him. He's the only one who made me feel this way,sya lang ang lalaking gumising sa natutulog kong p********e. May ilang araw pa kame dito sa Paris, naging ok naman ang ilang araw naming pamamasyal sa buong syudad. Masaya kasama si Dylan, I know this is not a real marriage,pero pinaramdam nya naman sa akin kung pano maging isang babae,napakagentleman nya at maalaga. Lalo tuloy akong nahuhulog dahil sa mga ginagawa nya, I was standing in front of center island of our kitchen habang hinihintay na matapos ang timer ng coffee maker, he was sitting in the bed at busy sa laptop nya, pinagmamasdan ko lang sya habang nakatingin sya sa laptop nya,then a sudden call appears on his phone na nasa side table,kinuha nya iyon at tiningnan muna ang screen bago sinagot ang phone saka tumingin sa akin, agad kong binaling ang paningin ko sa coffee machine para di nya mahuli na nakatingin ako sa kanya. Tumayo sya at pumasok sa bathroom,nakita kong sinagot nya ang phone at nilapit sa tenga bago pa man makapasok sa loob. Nagtataka naman akong sinundan sya ng tingin at sinilip pa mula sa kusina, sinawalang bahala ko nalang iyon,baka tungkol iyon sa office. Nagsalin ako ng coffee sa dalawang cup at balak ko sanang ibigay ang isa kay Dylan,pero lumabas sya sa bathroom na nakabihis ng maayos at nakacoat, tiningnan ko lamang sya at hinintay na magsalita,lumapit sya sa akin sa kusina,nasa pagitan namin ang center island. May kinuha sya sa coat nya isang card and pin code. "I need to go somewhere, just use this card if you need anything."sambit nito, hindi na ako nakapagsalita at nakapagtanong pa dahil nagmamadali syang tumungo sa pintuan. Inisip ko rin kung dapat ba akong magtanong o may karapatan ba akong magtanong ng mga bagay na personal tungkol sa kanya. Muli kong tinitigan ang coffee na hinanda ko para sana sa kanya, tinapon ko nalang iyon sa sink. It's already midnight at hindi parin sya bumabalik,nagsisisi tuloy ako at bakit hindi ako nagtanong kung saan sya pupunta bumagabag sa akin ang mga naging reaksyon nya pagkatanggap ng tawag, it seems urgent kaya siguro nagmamadali syang umalis. Sino kaya yung tumawag sa kanya at bakit ganon nalang ang reaksyon nya na halos magkandara sya makaalis lang? madaling araw na ng makatulog ako dahil sa pagiisip. Umupo ako sa kama at kinusot pa ang mata ko bago ito tuluyang imulat,tumingin ako sa kaliwang bahagi ng kama ngunit wala parin si Dylan,hindi ba sya umuwe? Pumasok ako sa walkin closet at sinilip ang bathroom pero wala rin sya. I look at my phone to check kung may text o tawag man lang ba galing sa kanya pero wala. Naligo nalang ako at nagbihis,at nagprepare ng coffee,saka ko napansin ang card at pincode na binigay nya kagabi,na nasa ibabaw parin ng center island. Naisip kong lumabas nalang at sayang naman kung magsstay lang ako dito sa hotel. Pagkakataon ko narin yon para makapagmuni muni, once in a lifetime lang mangyare na magpunta ako sa lugar na ito kaya susulitin ko na. Dahil gusto kong maexperience ang hangin sa Paris,sumakay ako sa double decker bus na papuntang Louvre Museum. Nagenjoy ako sa bawat madaanan namin,tanaw na tanaw ko rin ang Eiffel tower mula sa taas ng decker bus,kinuha ko ang cellphone ko at walang sawang kumuha ng pictures. Saglit kong nakalimutan si Dylan at ang mga tanong na bumabagabag sa isipan ko,gusto ko lang sulitin ang araw na iyon. Tulad ng inaasahan,napakaganda ng museum ngayon lang ako nakapasok sa ganon kaganda at kalaking museo. Don ko rin nakita ang painting ni Leonardo da Vinci na si Mona Lisa,halos mahulog ang panga ko ng Makita ko iyon dati ay sa mga libro at internet ko lang yon nakikita pero ngayon ay sa personal na. hindi na ako umalis don at ilang minuto pa akong tumitig sa painting na iyon. "She's beautiful."halos pabulong kong sambit. "But shes sad."sabat ng isang matangkad na lalaki na may hawak na camera at sukbit na backpack sa likod,nasa gilid ko sya na noon pala ay nakatayo at nakatingin din sa painting. Tumingin ako sa kanya at kumunot ang noo. "She married a merchant named Francesco del Giocondo at the aged of 15 and trade her as a slave."sambit nito habang nakatingin sa painting, tumango tango naman ako binalik ang tingin sa painting. "Sorry,I interrupt you,"muling sambit nito na noon ay nakatingin na sa akin. "No,it's ok."sambit ko, "Im Troy Laurent." Pakilala nito,napako pako sa kinatatayuan ko at nakatingala sa maganda nitong muka,matangkad at mestiso sya,matangos ang ilong at malago ang buhok,noon ay nilahad nya ang kanyang kamay kasabay ng pagpapakilala.. nang nakita nyang hindi ako agad nakasagot ay binawi nya iyon. "Ahm., sorry, naisip ko lang na magpakilala, kase muka kang Pilipina."dugtong nito,nagtatagalog sya! Medyo slang pero ang ganda ng boses nya,naalala ko tuloy si Dylan, natawa nalang ako, "Ah,Pilipino kaba? Akala ko kase French ka. Nagtatagalog ka pala."sambit ko. "Im half French,at ang mommy ko ay Pilipina,that's why.."tugon nito na parang nahiya at kumamot pa sa ulo. "Im Irene sando...Irene Montenegro." Sambit ko,natigilan pako dahil muntik ko ng makalimutang kinasal na nga pala ako at isa na akong Montenegro. Mabait naman si Troy at palabiro kaya madali syang pakisamahan,sinamahan nya ako maglakad at magikot sa buong museum,kinuwentuhan nya rin ako tungkol sa mga history ng mga sculptures at iba pang nandon. "Nagbabakasyon ka rin ba dito?"tanong ko sa kanya. "Yeah,ahm.. actually Im getting my PhD in Medicine sa Philippines, sembreak lang kaya nagbakasyon muna ako dito."sambit nito na may baritonong boses. "Doctor ka?"tanong ko,medyo nahiya ako sa kanya sa pagtaas ng kilay nya dahil sa tono ng tanong ko ay parang hindi kapani paniwalang doctor sya. Minsan talaga yan ang nagpapahamak sa akin. "Ahm, don't get me wrong, akala ko kase photographer ka,di ko akalain na doctor ka."sambit ko tumingin pako sa camera na dala nya. Tumawa naman sya, at inangat ang camera na hawak nya. "This is just my hobby, kapag nabobored ako, I'll just take some pictures."paliwanag nito, tumango naman ako. Di ko halos namalayan ang oras dahil sa kadaldalan ni Troy. It's almost 6pm na pero maliwanag parin naman, uuwi na sana ako pero niyaya ako nito na kumain muna bago umalis dahil medyo malayo dito ang hotel ko. Dahil nagugutom narin ako,kaya pumayag na ako. Kumaen kame sa isang Italian restaurant,umorder lang ako ng pasta at isang coffee. "Magisa ka lang ba dito,Irene?" tanong nito bago lumagok ng juice. "Hindi,kasama ko ang asawa ko."tugon ko. "Hmm.. I knew it, You're Mrs. Montenegro, Dylan Montenegro's wife?"nagulat ako at tangkang magtatanong kung paano nya nalaman,pero inunahan nya ako. "You're wedding is a hot topic in the Philippines. Real life Cinderella."pabiro pa nitong sambit,natawa naman ako sa sinabi nya,na totoo naman,Im the real life Cinderella, that after one year i will come back from being a pauper. "But how come na hindi mo kasama ngayon ang prince charming mo?"muli nitong sambit. "Ah, may ginagawa lang sya nainip kase ako sa hotel kaya naisipan kong mamasya."sambit ko,na may mapait pang ngiti. Muli kong naalala si Dylan buong maghapon nya akong hindi tinext o tinawagan,nasa hotel na kaya sya ngayon? Umiling ako at muling kinuha ang coffee ko saka ininom ito. Muntikan ko nang maibuga ang kape ko at halos lumuwa ang mata ko ng mahagip ng paningin ko ang pumasok sa pinto. Si Dylan.. at.. may kasama syang babae. Oo si Dylan nga,anong ginagawa nya dito?kaya ba hindi sya nakauwe kagabi dahil busy sya sa babaeng yon? Sya ba yung tumawag sakanya kagabi kaya nagmamadali syang iwan ako? Hinawakan nya pa sa bewang ang babae at inalalayan sa pagpasok,parehas silang nakangiti at mukang Masaya. Nataranta ako ng maghanap na sila ng mauupuan,mabuti nalang at maraming tao sa restaurant at hindi nya ako nakita,yumuko ako at nagtakip ng muka. Nagtataka naman sa akin si Troy at tanong ng tanong kung ok lang ba ako. Hanggang sa mapalingon din sya sa dereksyon nila Dylan na noon ay nakatayo parin at naghahanap ng mauupuan. Lumingon syang muli sa akin,dali dali syang tumayo at hinatak ako papalabas ng exit sa kabilang side ng restaurant. Halos habulin ko ang aking hinga dahil sa paghangos ko,ganon din si Troy. "Are you ok?" tanong nito sa akin makaraang makabawi ng hininga. Tumango lang ako at lumingon pa sa likuran, ang lalaking yon. Wala pang ilang araw kameng nakakasal nangbababae na kaagad. "Thank you Troy, uuwi na ako."sambit ko at naglakad papalayo dito,ngunit hinabol nya ako. "Wait.. Irene,ihahatid na kita."pahabol nitong sambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD