Episode 9

1497 Words
Para akong nanghina at nawalan ng lakas sa nakita ko,hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang konti nalang at bibigay nako.  "Thank you Troy,pero kaya ko na umuwe magisa,isang sakay lang naman ako ng bus mula rito hanggang hotel."mahina kong sambit,"Ok,pero magiingat ka. Nice to meet you Irene."nakangiti nitong tugon. "Nice to meet you too Troy," agad akong sumakay sa bus at hindi ko na sya nilingon pa. Halo halong emosyon at pagkadismaya ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Alam kong wala akong karapatang umarte ng ganito dahil hindi naman kame totoong magasawa ni Dylan,nagpapanggap lang kameng dalawa. Muli kong naalala ang masayang araw naming dito sa Paris,kung pano nya ako tingnan,ang mga ngiti sa labi nya,kung pano nya ako asikasuhin. Lahat ba ng iyon ay parte lang din ng pagpapanggap namin? Wala bang totoo don? Wala ba ni karampot na katotoohanan sa lahat ng iyon? Nagkamali ba ako ng interpretasyon sa mga iyon? Agad na namuo ang luha sa mga mata ko na kanina ko pa iniipon. Wala akong pakialam sa mga makakarinig ng hikbi ko,nakayuko lang ako at patuloy na binubuhos ang emosyon na kanina ko pa kinikimkim. Natigilan ako ng may isang kamay ng lalaki na may hawak ng panyo ang bumungad sa harapan ko at inaabot iyon sa akin,doon ko lang napagtanto na wala akong dalang panyo o tissue man lang kaya inabot ko iyon at agad na pinunas sa muka ko, pagkapunas ko ng mga luha ko ay umangat ang ulo ko para tingnan kung sino ang nagmagandang loob na iyon para pasalamatan. "T-Troy?" utal kong sambit,habang hawak parin ang panyo na inabot nya sa akin. Hindi ko na napansin na sumunod pala sya sa akin pagsakay ko ng bus,lutang at balisa na kasi ako ng mga oras na iyon,wala na sa katinuan ang pagiisip ko, nahihiya akong yumuko muli pero umupo sya sa tabi ko. "That's ok,normal lang naman sa isang tao ang umiyak kapag nasasaktan sya,hindi mo kailangang ikahiya."sambit nito habang nakayuko at hinahabol ang mata ko. "Bakit ka pa nandito?" "I'm worried,alam kong hindi mo kabisado ang lugar na ito,isa pa para kang wala sa sarili kanina kaya nagalala ako na baka kung mapaano ka."sambit nito na noon ay nakatingin na sa harapan. Sino ba tong taong to? Bakit napakabait nito sa akin,bakit napakadali lang sa kanya ang tumulong sa iba kahit hindi naman nya kakilala? "Thank you,ah.. ahm.. yung n-nakita mo,pwede bang wag mo ng ipagsabi sa iba?"sambit ko,kahit na nasasaktan na ako si Dylan parin ang iniisip ko,kaya kame nagpakasal ay para malinis ang pangalan nya,kapag kumalat pa ang nagyari kanina paniguradong masisira ang imahe nya at ayoko namang mangyare yon. "Sure, Im a doctor. I kept many secrets."sambit nito,sabay ngiti. Noon ko lang natitigan si Troy sa malapitan,may dimple pala sya at ang lalim nito,may makakapal syang kilay at perfect shape ng jaw na bumagay sa lips at ilong nyang matangos, sa tangkad nya kahit nakaupo kame at nakatingala parin ako sa kanya. Another perfect guy na siguradong kinahuhumalingan ng kahit na sinong babae.  8pm na ng makarating kame sa hotel,hinatid nya ako hanggang sa lobby,sinabihan ko na syang hindi na nya kailangang gawin pa iyon dahil masyado na akong nakakaabala sa kanya pero nagpumilit parin sya. "Take a rest,ok? Its been a long day." Aniya,mapait ang mga ngiti ko at nagpaalam na sa kanya. "Magiingat ka,thank you ulit sa paghatid."sambit ko,ngumiti naman sya at kumaway na sa akin,tumalikod na ako at sumakay na sa nakabukas na elevator. I expected na wala pa si Dylan,dahil nung umalis kame kanina sa restaurant ay kadarating lang nila nung babae, binaba ko sa coffee table ang bag ko at humiga sa sofa,para akong naubusan ng lakas at hindi ko na kaya pang ihakbang ang aking mga paa papunta sa kama,kahit ilang hakbang nalang ang kailangan kong gawin,di ko namalayan ay nakatulog na pala ako. Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa muka ko,pinikit pikit ko pa ang aking mata saka umupo sa kama,teka,ang huli kong natatandaan ay sa sofa ako nakatulog kagabi,bakit dito na ako sa kama nagising? Si Dylan. "Good morning," isang pamilyar na boses ang bumungad sa akin. Agad napukaw ang paningin ko sa lalaki na nakaupo sa sofa,habang hawak nya sa kanang kamay ang isang cup at ang isang kamay naman ay nakadantay sa sandalan ng sofa. "Pagod na pagod ka yata kagabi,dito kana nakatulog sa sofa."sambit ng baritone nitong boses habang humihigop ng mainit na kape, "Saan ka pumunta?"dugtong na tanong nito habang nakatingin sa akin,hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal kaya ako na ang umiwas ng tingin. "Nabored ako dito sa Hotel,kaya namasyal lang ako."malamig kong sambit,wala akong pinakitang kahit na anong emosyon at muli kong naalala ang nakita ko kahapon at hindi na sya sinagot pa,bumangon na ako at dumeretso sa bathroom saka ito sinarado. Pagpasok ko sa banyo ay humarap ako sa malaking salamin,naalala ko ang itsura nung babaeng kasama ni Dylan,napakasimple lang ng babaeng yon,pero napakaganda,muka syang mahinhin,nakasuot lang sya ng turtle neck na black at nakacoat na blue,at nakajeans pero angat na angat ang ganda nya lalo na ng hinawi nya ang mahaba at maganda nyang buhok,. Hindi ko maiwasang ipagkumpara ang sarili ko sa kanya, medyo nagegets ko naman kung bakit ganon nalang ang taranta nya nung tinawagan sya nito,kahit sino siguro ay matataranta kung ganon kaganda ang tatawag sayo. Pero magasawa na kame,kahit pa sabihin mong hindi yun totoo sa mata ng batas at mata ng tao ay kasal kame. Legal kameng magasawa,sana man lang ay hinintay nya muna ang isang taon.  Tinuyo ko na ang buhok ko at nagayos,ayokong munang Makita si Dylan kaya gusto ko ulit lumabas, total last day na namin dito sa Paris, gusto kong pumunta sa Eiffel tower. Yun dapat ang plano ko pagkatapos kong pumunta sa museum,pero dahil sa nangyare ay nawala na sa isip ko. Lumabas ako ng bathroom na nakaayos na,tumayo si Dylan pagkalabas ko. "San ka pupunta?"tanong nito,hindi ko sya tiningnan at dumeretso lang sa center island at nagprepare ng coffee. "Pupunta ako sa Eiffel,mamamasyal." Sambit ko,ng hindi parin sya tinitingnan. "Bakit hindi mo ako tinext kahapon na aalis ka?"muli nitong tanong na noon ay papalapit sa center island.  "Sorry, nawala sa isip ko eh." Malamig kong tugon na hindi parin sya tinitingnan. Tumango sya ng makalapit sa center table. "Magbibihis lang ako,hintayin mo nako,sasamahan kita."sabay talikod at pumasok sa bathroom,tumingin ako ng marahan sa direksyon nya at nirolyo ang mata, kaya nga ako aalis dahil ayaw kitang Makita eh. Nagbook sya ng taxi para sa amin na naghihintay na sa labas ng hotel,lumabas kame ng kwarto ng hindi ko sya kinikibo,hanggang sa elevator,nakikita ko sa gilid ng mata ko ang mayat mayang pagtingin nya sa akin,bago bumukas ang elevator ay hinawakan nya ang kamay ko,tiningnan ko yon at sinubukang tanggalin ang pagkakahawak nito. "There's a lot of people outside,baka may makakitang paparazzi satin,tiisin mo muna hanggang makasakay tayo ng taxi."sambit nito habang nakatingin lang ng deretcho,umangat ang bibig ko and rolled my eyes.  Talaga ba Dylan? Nagiingat ka sa paparazzi? Kulang na nga lang ipagkalandakan mo yung babae mo kahapon. Gusto kong sabihin sa kanya ang mga nakita ko,gusto kong ipaliwanag nya sa akin ang lahat. Pero sino ba ako? Naglalakad kame sa lobby ng biglang may tumawag sa pangalan ko.  "Irene!"  Sambit ng isang lalaki sa hindi kalayuan, huminto ako at dahil hawak ni Dylan ang kamay ko ay napahinto rin sya,hinanap ko kung sino ang tumawag sa akin at ngumiti ako ng makita ko si Troy. Nakangiti sya habang papalapit sa amin, tumingin ako kay Dylan at nakitang nakakunot ang noo nya at tila ba kinikilala kung sino ang taong papalapit sa amin. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Dylan,hindi nya yata inaasahan kaya napatingin pa sya sa akin. "Hi."sambit nito ng makalapit sa amin. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang nakangiti,nakita kong nakatingin lang sa amin noon si Dylan at nakakrus ang mga braso sa dibdib na tila ba naghihintay na ipakilala ko kung sino ang lalaking lumapit sa amin. "Sorry,di ko nasabi kagabi na dito rin ako nakacheck in."tugon nito. "Are you with him yesterday?"sabat ni Dylan na noon ay sumeryoso ang muka. "Ah,you must be Dylan Montenegro,Im Troy Laurent. Nice meeting you." Inilahad nito ang kanyang kamay para makipagkilala,tiningnan lang iyon ni Dylan at saka matalim na tumingin sa akin.  "Please be quick,the driver must be waiting."malamig nitong sambit saka umalis na at lumabas ng hotel, nagkibit balikat nalang si Troy,nahiya naman ako sa ginawa ni Dylan kaya ako nalang ang nagsorry para sa kanya. "Pasensya kana,masama kasi ang gising non,sorry kahapon ah."sambit ko. "Don't worry, san kayo pupunta?"tanong nito, "Sa Eiffel, last day na namin ngayon kaya gusto kong pumunta don." Tugon ko. "Ganun ba,mauuna na ako sa inyo pauwe ng Pilipinas,mamaya ang alis ko. By the way,maglunch tayo minsan this is my card,call me ok?"sambit nito. Tinanggap ko ang card ni Troy at ngumiti dito. "Sige,mag ingat ka,Salamat ulit,pano mauna na ako ha?"pahabol ko pa bago tuluyang tumalikod,nginitian nya naman ako at kumaway na sa akin para magpaalam. Matatalim na tingin ang bumungad sa akin sa loob ng sasakyan. Nakita pa nya ang calling card na sinilid ko sa bag. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD