Episode 10

1430 Words
"Who's that guy?" tanong nito. "Ah,si Troy,nakilala ko sya kahapon sa museum."sambit ko. "kahapon mo lang sya nakita, pero parang matagal na kayong magkakilala."tugon nito na nakakunot ang noo na para bang hindi kapanipaniwala na magkaibigan lang kame ni Troy,  eh sya nga unang beses ko palang nakita minahal ko na.  hindi ko nalang sya pinansin at inenjoy nalang ang pamamasyal,ayokong masira ang pamamasyal ko ng dahil lang sa kanya. He showed me again his sweetest smiles,parang unti unting nawawala ang sakit na nararamdaman ko kapag nginingitian nya ako,nanghihina ako at di ako makalaban sa mga titig nya na halos tumunaw sa buong pagkatao ko. We go back to our hotel and fix our luggage,maaga ang kinuhang flight ni Dylan dahil may meeting sya sa office, I barely talk to him. Maliban nalang kung may kailangan sya o kaya ay magpapatimpla ng kape,I just focus on putting all my things in my luggage para wala na akong poproblemahin kinabukasan. "Did you enjoyed here?"tanong nito habang nakaupo sya sa sofa at ako naman ay nagaayos ng gamit sa kama. "Oo naman"sagot ko nang hindi natingin sa kanya. "Be careful on those guys na lumalapit sayo,di porket mabait ay wala ng masamang gagawin." Sambit nito. Nahinto ang pagtutupi ko ng damit at sandali pang tumingin sa mga ito. Really Dylan? "I saw you the other day." Sambit ko,nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagangat ng kanyang muka at tumingin sa akin. "May kasama kang babae." Kumunot pa ang noo nya,at saka napaawang ang bibig ng at dumeretcho ng upo. "Where did you saw us?"tanong nito. "Sa Italian restaurant, mukang ikaw yata ang dapat na magingat Mr. President." Sambit ko,naglakad ako papunta ng bathroom dahil sobrang sikip ng dibdib ko, kapag tumagal pa ako sa posisyon na iyon ay baka di ko na makayanan pa. Ngunit hinawakan nya ako sa braso,dahilan para mahinto ang paglalakad ko.  "That's not what you think.." Sambit nito, humarap ako sa kanya at inipon ko ang lahat ng lakas ng loob para hindi bumigay sa harapan nya. "Its none of my business kahit na sino pa ang kasama mo,o kung sino pang babae mo, ikaw na ang nagsabi na alam ng lahat ng tao na kasal tayo,sana naman magingat ka na wag malaman ng iba ang ginagawa mo,"mariin kong sambit at kumalas sa pagkakahawak nito sa braso ko. "And it's none of your business kung kanino ko man gustong makipagkaibigan, don't worry hindi moko magiging sakit sa ulo mo."sambit ko bago tuluyang pumasok sa bathroom,nanghina ang mga tuhod ko at sumakit ng sobra ang dibdib ko dahil sa  nararamdaman ko. Kinubkob ko ang muka ko sa mga tuhod ko at tahimik lamang na umiyak,pagkaraan noon ay narinig ko pang tumunog ang pinto. Nang lumabas ako ay wala na si Dylan sa buong kwarto. Naiwan nanaman akong magisa.  Ilang beses kong sinabihan ang sarili kong hindi na ako dapat pang umasa ng kahit na ano kay Dylan. Pero sa twing nakikita ko ang mga ngiti nya,nawawala ako sa sarili. May kung anong mahika ang bumabalot sa buo kong pagkatao sa twing naririnig ko ang boses nya,sa twing hinahawakan nya ng mahigpit ang aking mga kamay,sa twing tumititig sya sa akin sapat na dahilan iyon para hindi ako magalit sa kanya ng matagal. Naalimungatan ako ng gumalaw ang kama at may naramdaman akong humiga sa tabi ko, agad kong nalanghap ang singaw ng alak sa katawan nya,lasing sya? Bakit? Sa pagkakatanda ko ay ito ang unang pagkakataon na magkakatabi kame sa kama,simula ng dumating kami dito sa Paris ay magdamag lang syang nakatutok sa laptop at trabaho nya,minsan naman ay nakakatulugan nya nalang ito sa sofa. Kinakabahan man ay pinihit ko ang ulo ko para tingnan sya ng bigla nyang ipatong ang kanyang braso sa aking dibdib,nakadantay sya sa akin. Umarangkada nanaman ang bilis ng t***k ng puso ko para bang nabulabog,sa sobrang lakas nito ay marahil naramdaman iyon ng kanyang braso, para nanaman akong naistatwa at hindi makagalaw sa posisyon ko. Napakagwapo at amo ng kanyang muka kahit nakapikit sya,hindi ko na napigilan ang sarili ko at dinampi ko ang dulo ng aking daliri sa kanyang noo,pababa sa gitna ng kanyang ilong at sa labi. Napakaperpekto ng pagkakalikha sa taong ito,hindi ko napigilan ang mapangiti at tila ba nakalimutan kong galit nga pala ako sa kanya. Ito nanaman. Sumasailalim nanaman ako sa kanyang mahika na hindi nya nalalaman. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nyang idilat ang kanyang mga mata.  "what are you thinking?" Sambit nito na halos pabulong nalang. Agad akong tumalikod at napapikit sa sobrang kahihiyan gusto ko nalang maglaho bigla,nakita nya akong pinagpapantasyahan sya, gaga ka talaga Irene! Nakakahiya. Sinubsob ko ang muka ko sa unan ng maramdaman ang mainit na hininga nya sa batok ko,di ko namalayan na nakadikit pala ang muka nya dito. Nakatulog ako sa ganong sitwasyon, Oo, at isa yon sa pinakakomportable kong tulog mula ng dumating kami dito sa Paris. Nagising ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa pisngi ko,nakapikit pa ako ng umupo ako sa higaan at kinusot ang mga mata. "Good Morning," sambit ng isang baritonong boses,agad akong tumingin sa direksyon nito. Nakaupo sya sa sofa habang umiinom ng kape at ang isa nyang kamay ay nakadantay sa sandalan at nakadekwatro pa, napakasarap nyang pagmasdan sa pwestong iyon,para syang isang modelo na nakikita lamang sa mga magazine at libro,napaawang ng bahagya ang aking labi. Natauhan nalang ako ng dumapo ang paningin ko sa kanyang muka,bigla syang ngumiti. "Enjoying the view huh?"he said while smirking. Agad namuo ang pamumula sa aking pisngi at tumayo sa kama,patakbo pa akong pumunta sa bathroom at nilock iyon, "Bilisan mo na magayos para makakaen kapa bago tayo umalis."narinig ko pang sambit nito. Lumabas ako at dahan dahang pumunta sa kusina,nakita ko ang mga pagkaen na nasa center island at tiningnan iyon saka muling tumingin sa kanya na noon at nakatuon na ang pansin sa laptop nya. "Kumaen kana ba?"tanong ko. "Hmm.. "maiksi nitong tugon. Tiningnan ko pa sya ng bahagya at saka kumain nalang dahil sa naramdaman kong pagkalam ng tyan. Tanghali na ng lumapag ang eroplano namin sa Pilipinas, sinalubong naman kame ng isang lalaki,naka suit and tie ito at nakangiti sa amin.  "Welcome back,hows your honeymoon?"Bungad ng lalaki nang makalapit ito sa amin, tiningnan lang sya ng masama ni Dylan at nilingon ako.  "I need to go to office si Raymond na ang maghahatid sayo sa bahay."sambit nito,. Ngumiti naman sa akin si Raymond at sinundan namin sya palabas,may isa pang kotse na nakaabang dito at dun sumakay si Dylan.  "Magingat kayo,Ray.. ingatan mo ang misis ko."Pahabol pa nitong sambit bago sumakay ng kotse. Muli nanamang nangamatis ang aking mga pisngi sa narinig ko,totoo ba yon? Ang sarap pakinggan, di ko maiwasang mapangiti. "Oo naman,ako na bahala."sagot naman ni Raymond habang nakangiti dito,naunang umalis si Dylan na sinundan ko pa ng tingin bago tuluyang pumasok sa sasakyan,tahimik lang ako sa byahe habang nakatingin sa bintana. "Did you enjoyed Paris?"Tanong nito habang nakatingin sa kalsada.  "Oo,hindi nga ako makapaniwala na nakapunta ako ron."tugon ko habang nakatingin sa kanya.  Raymond has a great body built,na kitang kita sa suot nitong suit,bumagay din ang tie sa kanya. Maganda ang muka nya matangos ang ilong,makapal din ang kilay at manipis ang labi. Pero mas gwapo parin si Dylan, halos magkasing tangkad din sila. Napakawerte ko naman,bakit ba ako napapaligiran ng mga magagandang tao?  "Oo nga pala,baka nagtataka ka, kung bakit casual ako makipagusap kay Dylan,Business partner nya ako at kaibigan since highschool."sambit nito habang nakangiti. Tumango ako bago sumagot.  "Ganun ba,kaya pala."sambit ko,napansin ko naman kanina na iba ang pakikitungo ni Dylan sa kanya kaya nahinuha ko nang hindi lang sya empleyado nito. "Wag kang magalala,matino yan si Dylan,adik lang talaga yan sa trabaho pero one woman man yan." Aniya,habang bahagyang lumingon pa sa akin at nakangiti. Napaawang ako sa sinabi nyang "One woman man" talaga ba? Parang hindi naman yon yung nakita ko sa Paris. "Nagulat na nga lang ako ng kumalat ang pictures nyo at sinabi nyang magpapakasal na sya sayo,akala ko hindi pa sya nakakamove on kay Louise.."sandali syang natigilan at kinagat ang kanyang labi at tumingin sa akin na para bang pinagsisihan ang mga sinabi. "Sinong Louise?"marahan kong tanong. "Ah.wala.. ex girlfriend ni Dylan,wala na yon matagal na silang hiwalay non,saka ikaw ang pinakasalan nya kaya malamang kinalimutan nya na yon,sorry nabanggit ko pa."sambit nito. Hindi na ako sumagot at tumingin nalang sa bintana,sya kaya yon? Yung babaeng maganda na nakita kong kasama nya sa Paris? Huminto kame sa isang hotel,pamilyar ito sa akin dahil dito kame kumain dati ni Dylan. "Nandito na tayo."Nakangiti nitong sambit habang binababa mula sa compartment ang mga bagahe ko, "Dito nakatira si Dylan?"tanong ko ng hindi lumilingon dito. "Hindi ka pa ba nya nasasama sa bahay nya? Ditosya nakatira sa Penthouse,malapit kasi sa office."sambit nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD