Sumakay kame sa elevator at namangha ako sa pagbukas nito isang malaking couch at coffee table ang bumungad sa akin sa sala,may mga mamahaling furnitures at paintings din na nakasabit sa pader,puting puti ang pintura nito kasabay ng puting sahig, linawag naman na galing sa glass wall ang nagsisilbing ilaw nito dahil tanghali palang at mataas ang araw, napakalawak ang komportable ang lugar na ito, ng maipasok na ni Raymond ang mga maleta ay nagpaalam narin ito.
"I have to go Irene,may meeting pa kase ako together with Dylan mamaya,maiwan na kita ha."sambit nito, "Ako lang magisa dito?"sambit ko pa ng lingunin ko sya.
"Wag ka magalala,sasabihan ko si Dylan na umuwi ng maaga,Im sure magmamadali na laging uuwi yon dahil may naghihintay na sa kanya."Sambit pa nito,napangiti ako sa huling sinabi nya at hindi na sumagot pa. saka sya tuluyan ng umalis.
Inikot ko ang buong bahay, at nakita ko ang isang nakaawang na pinto marahil dito ang kwarto nya. Hindi,ang kwarto naming dalawa. Binuksan ko iyon at pumasok,maluwag ang kwarto may isang queen size bed sa gitna at carpeted ang buong kwarto,may chandelier sa gitna ng kisame at maliit na ilaw sa apat na sulok ng kwarto,may malaking flat screen din sa tapat ng kama,white at gray ang tema ng kwarto,black ang bed sheet at puti naman ang mga unan at comforter,may isa pang pinto sa loob ng kwarto binuksan ko iyon at napaawang ang aking bibig sa nakita,isa iyong malaking walk in closet na punong puno ng mga damit pambabae,mga bag,sapatos at mga alahas na nakalagay sa glass na mesa sa gitna,sa kabilang side ay mga damit at gamit ng panlalaki,siguro ay kay Dylan iyon. Mukang mamahalin ang lahat ng mga gamit don, medyo natakot ako nab aka makabasag o makasira ako ng gamit kaya lumabas ako may sarili ring banyo ang kwarto na mahahalintulad ko sa bathroom sa Paris,meron din iyong baththub at hiwalay na shower.
Pumunta naman ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng pagkalam ng tyan,binuksan ko ang mga drawer at cabinet pero wala akong nakitang mga stock ng pagkaen,binuksan ko ang isang malaking ref pero puro bottled water at mga alak ang laman non . kumunot ang noo ko, hindi ba sya kumakaen dito?
Umupo ako sa couch at kinuha ang phone ko,gusto ko syang tawagan at sabihing pupunta ako ng grocery, pero naalala ko ang sinabi nya na wag na wag ko syang iistorbohin sa trabaho. Kaya tintext ko nalang sya.
*Pupunta ako ng grocery may gusto ka bang kainin para sa dinner mamaya?*
Sandali pa akong nakatingin sa screen ng phone ko,pero wala akong reply na natanggap mula sa kanya. Kaya kinuha ko ang bag ko at umalis na,pumunta ako sa pinakamalapit na grocery at namili,halos mapuno na ang cart ko sa dami kong pinamili na mga sangkap para hindi na ako magpabalik balik pa dito, mayat maya ko ring tinitingnan ang phone ko sa pagbabakasakaling may reply si Dylan sa text ko pero wala, halos matatapos nako sa pamimili ng magvibrate ang phone ko,agad ko iyong kinuha at tiningnan kung sino ang nagtext.
*I have a dinner meeting,sa labas na ako kakain.*
Sandali akong natulala sa screen ng phone ko attiningnan ang mga nilagay ko sa cart,parang nainis ako at nagbago ang isip ko,binalik ko lahat ng kinuha ko at umalis ng grocery,umasa ako sa sinabi ni Raymond na maaga na sya laging uuwe dahil may naghihintay na sa kanya. Tss..Nakalimot nanaman ako. Nakalimutan ko nanamang pagpapanggap lang ang lahat ng mga ito.
Tinawagan ko si Andrea at nagkita kame sa isang restaurant.
"Ano?!" sambulat nito. Nagtinginan sa amin ang ibang customer dahil sa pagsigaw nya. "Ano kaba! Hinaan mo nga yang boses mo!"sambit ko dito.
"Beshy,alam mo ba yang pinapasok mo? Pumayag ka na pekein ang kasal nyo ni Dylan?"nagaalalang sambit nito,alam ko,ang tanga ko diba?
"Naipit lang ako sa sitwasyon,isa pa hindi yon peke,nakarehistro yon sa NSO,saka isang taon lang naman eh.,pagkatapos non babalik na ang lahat sa dati.."tugon ko.
"Beshy,ganun din yon,nakarehistro man o hindi ang kasal nyo maliwanag pa sa sikat ng araw na pagpapanggap lang ang ginagawa nyo,pano kung may ibang makaalam nito? Magkakagulo kapag nagkataon."tugon nya na noon ay nakakunot ang noo.
"Kaya nga sayo ko lang sinabi eh."giit ko pa.
"Hindi mo alam kung anong mga mangyayari sa loob ng isang taon na magkasama kayo, pano kung mauwi nayan sa totohanan? Kaya mo bang panindigan lahat ng to?" hindi ko naisip na sasabihin iyon sa akin ni Andrea,pero alam ko naman..kampante ako at malabong mangyari na mauwi sa totohanan ang pagpapanggap naming ni Dylan,Malabo.
"Imposible yon.. dahil.. dahil may iba syang gusto."halos hindi ko pa mabitawan ang mga salitang iyon. Napaawang ang bibig ni Andrea at sumandal sa upuan na halos hindi makapaniwala sa sitwasyon ko,kinuha na lamang nya ang kanyang juice at ininom yon.
Bumalik ako sa penthouse matapos naming kumain at magkwentuhan ni Andrea,sinuri ko ang buong bahay,walang bakas ni isa ni Dylan, lumapit ako sa couch at hinagis don ang bag ko, umupo ako at sumandal,nakatingin ako sa kisame,napabalikwas ako ng narinig ko ang pagbukas ng elevator at niluwa non si Dylan,sandali kameng nagkatitigan bago sya naglakad papalapit sa couch.
"Sorry,late na natapos ang meeting."seryosong sambit nito.
"Ah.."maiksi kong tugon.
habang nilapag ang bag sa couch at pumunta sa kusina,nakita kong natigilan sya pagbukas ng ref, kinuha nya ang isang bottled water at binuksan saka ininom ang laman non,"Akala ko naggrocery ka?"tanong nito ng makainom na ng tubig.
"Ah,sa labas nalang ako kumain kasama si Andrea. Kumain kana ba?"tugon ko, tumango lang sya at muling lumapit sa bag nya, "We should go to the grocery together,tomorrow."sambit nito bago kunin ang bag nya,ngumiti pa sya bago ako tuluyang talikuran. At ako? Naistatwa nanaman ako sa kinalalagyan ko, I composed myself at pinilit na hindi mapangiti,pero hindi ko mapigilan, ang lalaking yon. Parang alam na alam nya ang kahinaan ko.
Nasa sala parin ako ng lumabas sya galing sa kwarto, agad na sumingaw sa buong paligid ang amoy nyang napakabango,nakasuot lang sya ng t-shirt at pants na gray pero napakagwapo nya paring tingnan, tumingin lang sya sa akin,marahil nagtataka sya kung bakit nandon lang ako at nakaupo ng diretso sa couch.
"Hindi ka ba maliligo?"tanong nito,habang papalapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at nabigla sa narinig. "Ha? Ahm, oo.." nawawala nanaman ako sa sarili ko,para nanaman akong baliw, tumayo ako at nagmamadaling pumasok sa kwarto,nakita ko pa na ngumisi sya ng sundan nya ako ng tingin, siguro ay nahahalata na nya ang pagiging tulig ko, halatang halata.
Naging casual naman ang mga sumunod naming mga linggo,katulad ng sinabin nya,sumama sya sa akin sa pagogrocery at pamimili ng iba pang gamit sa bahay,alam kong di nya naman kailangan gawin pa iyon dahil busy sya sa trabaho, pero Masaya ako dahil mas pinili nya paring samahan ako. Walang mapagsidlan ang kasiyahan na binibigay nya sa akin. Lumipas pa ang mga araw at dumating muli ang pasukan, magiging abala naman ako sa school dahil graduating na ako. Ito ang unang araw ko bilang graduating student,excited ako sa mga mangyayari, at namimis ko rin ang bonding namin ni Andrea. Huling kita pa namin ay nung kumain kameng dalawa sa isang restaurant.
Maaga akong gumising dahil ayokong mahuli sa skwela, wala na si Dylan ng bumangon ako. Baka maaga rin syang umalis at pumasok sa trabaho, hindi na namin napagusapan pa ang nangyari sa Paris,kinibit balikat ko nalang din ang minsang hindi nya paguwe,at minsang paguwe nya ng lasing sa penthouse. Hindi naman nagbago ang pakikitungo nya sa akin,gentleman at maasikaso parin sya, minsan gusto ko nalang gumawa ng kahit na anong kwento para lang may mapagusapan kame,gusto ko pa syang lubos na makilala, ngunit tila sya mismo ang umiiwas sa akin sa twing tinatangka kong magopen ng conversation, isang taon lang Irene. Kaya ko pa. kakayanin ko pa,magpipigil ako hanggang sa matapos ang kasunduan naming dalawa, at bumalik ang lahat sa tama nitong kalagyan.
Kumain muna ako at saka umalis narin,medyo malayo layo na ang byahe ko papuntang University kaya dapat kong agahan,lalo na't napakatraffic dito sa umaga.
Nasa bus ako ng makatanggap ako ng text mula kay Dylan.
*Susunduin kita mamaya,anong oras ang uwi mo?*
Ngumiti ako,pero hindi ako sumagot sa text nya at tiningnan muna ito sandali, naalala kong napakalayo ng office ni Dylan sa University,baka maabala ko pa sya kaya nireplyan ko nalang sya na wag na dahil kakain kami sa labas ni Andrea.
Muling tumunog ang phone ko at ng tingnan ko iyon ay tumatawag na si Dylan sa akin.. muling bumilis ang t***k ng puso ko,madalang pa sa ulan kung tawagan ako ng lalaking ito,kaya hindi ako sanay na makausap sya sa phone.
"Where will you go?" bungad ng baritonong boses nito.
"Ahm, Di ko pa alam kay Andrea,baka sa mall lang?" tugon ko.