Nasa bus na ako papuntang University nang tumawag si Dylan.. Sinabi ko na hindi nya na ako kailangang sunduin dahil alam ko naman na napakalayo ng opisina nya sa skwelahan ko.
"Ihahatid ko na kayo." sambit nito sa kabilang linya.
"Hindi na,may sasakyan naman si Richard,sa kanya na kame sasabay."sambit ko.
"Kasama si Richard?"sumeryoso ang tono nito ng marinig na kasama ang kapatid nya.
"Kailan kapa naging chaperon?" sambit nito,alam kong nangungutya sya that's why I insist na ibaba na ang phone. "Sige na,pababa na ako ng bus." Sabay baba ng phone.
Naglalakad ako sa hallway ng may isang magandang babae ang sumalubong sa akin, si Andrea. Nasa likuran nya si Richard na nakangiti habang papalapit sa akin, "Beshy!" bungad nito sabay yakap.
"Hi sister-in-law,kamusta pagiging Mrs. Montenegro?"pangaasar sa akin ni Ric, nanliit ang mga mata ko at tiningnan sya ng matalim,kumawala naman sa pagkakayakap sa akin si Andrea. "kamusta kana? Di kana nakipagkita saken simula nung huli tayong nagkita ah." Nakanguso nitong sambit. "Sorry,naging busy kase ko lately. Teka,bakit magkasama kayo,sabay ba kayong pumasok?" Puna ko sa kanilang dalawa, nakita kong namula ang mga pisngi ni Andrea at natulala pa nung Makita kong pumulupot ang kamay nito sa braso ng binata.
"Ahm,kame na ni Richard."sambit nito habang nakangiti.
"Ha? Kelan pa? bakit di mo sinasabi sa akin?"
"Gustoko kasing sa personal ko sabihin,eh hindi naman na tayo nagkita. Oo nga pala,kamusta kayo ng asawa mo?" noon ay lumipat sya sa tabi ko at kumapit naman sa braso ko..
"Wag mong iniiba ang usapan,ikaw Richard,kapag nalaman ko lang na niloko mo tong kaibigan ko humanda ka saken."pagbabanta ko kay Richard, tumawa naman ito at saka sumagot. "Don't worry,di ko kayang gawin yon,mahal na mahal ko yang kaibigan mo."sambit nito,dumiin naman ang pagkakahawak ni Andrea sa braso ko at kilig na kilig ang gaga, umasiwa ang muka ko dahil sa lagkit ng tinginan ng dalawa. Napukaw ang atensyon naming tatlo ng may isang matangkad na lalaki ang lumapit sa amin at tinawag ang pangalan ko.
"Irene?"
Umangat ang paningin ko sa isang lalaking nakapolo at nakatrousers na may sukbit na bag sa likod,napansin ko rin ang tinginan ng mga studyante sa paligid na tila ba pinaguusapan ang gwapong lalaki,ang iba ay parang kinikilig habang nakatingin dito,para silang nakakita ng artista at ngayon lang nakakita ng ganong kagwapong muka. Well,ako araw araw kong nakikita ang napakagwapong muka ni Dylan.
Bumilog ang bibig ko bago sumagot. "Troy?" singhal ko, "Irene! Ikaw nga! I can't believe na makikita kita dito." Nakangiti nitong tugon.
"Oo,ako rin. Anong ginagawa mo dito?" sambit ko."This is my school,dito ako nagaaral."sambit nito,lalong lumaki ang ngitiko,akalain mo nga naman ang tadhana. Dito pa kame magkikita ni Troy, hindi ako maayos na nakapagpaalam sa kanya nung nasa Paris kame dahil kay Dylan, at nawala narin sa isip ko na kontakin siya.
"Hindi mo na ako tinawagan after you came back,akala ko hindi na kita makikita." Nakangiting sambit nito.
Napakaliit talaga ng mundong ginagalawan natin. Sa puntong iyon,nanliliit na ang mga mata ng dalawa dahil sa kamustahan namin ni Troy,parang ineeksamina ni Richard ang lalaki at si Andrea ay nakatingin sa akin na parang may ginagawa akong masama.
"By the way, si Andrea, best friend ko at si Richard.. boyfriend nya."nakangiti kong sambit dito.
"Hi, Im Troy Laurent." Inilahad nya ang kanyang kamay,at kinamayan sila Richard at Andrea. "Hi,Im Andrea Delos Santos,best friend ni Irene." Nakangiti na nitong sambit habang nakatingin kay Troy.
"Hi,Im Richard Montenegro,brother in law ni Irene."umangat ang dalawang kilay ni Troy sabay nginitian din ito.
"Im sorry I have a class pa, may gagawin kaba mamaya Irene? Gusto sana kitang makausap eh."tugon nito,lumingon muna ako kay Andrea,tinangka kong sumagot pero inunahan ako nito.
"Ahm,may pupuntahan kasi kame mamaya eh."sambit nito.
"Hmm.. ganun ba? O sige, ganito nalang."kinuha nya ang phone nya at inabot sa akin. "Just give me your number nalang, if ever we both have a free time makapagusap man lang tayo." Tugon nito,naging mabait at hindi naman ako binastos ni Troy nung nasa Paris kame,gentleman nga sya eh kaya wala akong nakikitang masama para tanggihan ito,agad kong kinuha ang phone nya at inlagay ang number ko,tiningan pa nya iyon saka ngumiti sa amin.
"Sige, I have to go. Nice to meet you."nakatingin sya sa dalawa kong kasama. "Sige Irene,mauna na ko baka malate ako sa class."pahabol nito saka nagmamadaling umalis,muli syang lumingon sa amin bago tuluyang nakalayo. Nakatingin lang ako dito at nakangiti habang pinagmamasdan syang papalayo, ng biglang humarang sa harapan ko si Andrea na nanliliit ang mata.
"Who's that guy?" same question of Dylan ng una nyang Makita si Troy.
"Friend ko,nakilala ko sya sa Paris." Kumunot ang noo nito at ganon din si Richard. "Hindi ba magkasama kayo ni Kuya sa Paris?" sabat ni Richard.
"Ahm,oo nga I mean nakilala namin sya ni Dylan sa Paris,ano ba kayo bakit ganyan ang mga reaksyon nyo?"sambit ko.
"He's cute ha."tugon ni Andrea habang nakangisi,namilog naman ang labi nya at nanlaki ang mata ng makitang nakasimangot na si Richard. "I mean,cute sya pero hindi naman pogi" pagbawi nito.
"Hay nako,ewan ko sa inyo."sambit ko sabay naglakad na papunta sa class ko.
After ng class sumama ako kay Andrea at Richardsa mall. Makailang beses ko silang iniirapan kapag nagP-PDA sila.
Naaasiwa kasiako at di ako sanay na may kaharutang lalaki si Andrea. Huminto ako sapaglalakad nang mapansin kong may isang matangkad na lalaki ang papalapit saamin, parang nagslow mo ang lahat ng nasa paligid ko habang naglalakad itopapalapit, napakagwapo nito sa suot nyang shirt na pinatungan ng coat attrousers,nakasuot din ito ng shades na lalong nagalitaw sa matangos nitongilong, muling bumilis ang t***k ng puso ko at lalong lumalala ng makalapit naito,nakatingala nako habang nakapako ang tingin ko sa muka nya na nasa harapan ko na. And then again,naistatwa nanaman ako.
Tinanggal nya ang shades nya at ngumiti sa akin, hay.. nakakapanghina ang mga ngiti nya,bakit ba sya ganyan? Sinasadya nya ba to para baliwin ako? O talagang ang puso ko na ang kusang nagpapabaliw para sa kanya?
"Hi."
Sambit nito,sabay tanggal ng shades nya at bumungad ang napakaganda at mapupungay nyang mata. Nakatulala parin at bahagyang napaawang ang labi. Siniko ako ni Andrea at don lang ako natauhan. Napapikit ako at napahawak sa noo ng mahinuha ko ang ginawa ko,gusto ko nalang lamunin ng lupa ng mga oras na iyon.
"Kuya,bakit ka nandito? Sinusundo mo na ba ang asawa mo?" Sambit ni Richard.
"Precisely. Kanina ko pa sya tinatawagan pero hindi sumasagot." Tugon nito habang nanlilisik ang mga mata sa akin. Napaawang ang bibig ko at naalalang nakasilent ako kanina. "Sige na beshy,sumama kana sa asawa mo. Nakalimutan kong may kailangan pa nga pala kameng puntahan ni Richard,dba?" sabay siko nito sa katabing si Richard.
"Mauna na kame." Sambit ng baritonong boses,sabay hatak sa kamay ko,hindi ko na nagawa pang lingunin o magpaalam pa kanila Andrea dahil sa paghatak ni Dylan sa kamay ko.
Tahimik lang sya habang nagmamaneho,maya't maya ko syang sinusulyapan, wala naman akong nakikitang emosyon sa muka nya,kaya di ko na napigilan pa ang magtanong. "San tayo pupunta?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.
"We are invited to a party..party ng mga Salazar, lots of business man and clients are there. This is your first task as my wife." He said while smirking. My wife. Kahit ilang beses ko pang marinig ang salitang yan ay hindi ako magsasawa.
"kailangan ko ba talagang umattend sa mga party na yan?" Muli kong tanong. "Don't worry, all you have to do is smile in front of them and stay with me all the time. Di mo kailangang makipagusap sa kanila."sambit nito. Sandali akong natigilan, tumingin ako sa suot kong blouse at jeans at napatingin sa kanya, tila ba nahinuha nya ang ibig kong ipahayag kaya ngumiti sya at tumingin sa akin.
"Don't worry, akong bahala. My Cinderella." Nakangiti parin sya ng binalik nya ang kanyang paningin sa kalsada. Muli namang namula ang mga pisngi ko sa hiya o sa kilig? Basta. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, pero isa lang ang sigurado ako. Mahal ko na si Dylan. Mahal ko sya.
Pumunta kames a isang highclass na boutique, namangha ako sa dami at gaganda ng mga damit don,sari sari ang mga gwons at dresses, nakapako ang mga mata ko sa mga ito habang si Dylan ay kausap ang mga staff. Lumapit sa akin ang mga ito at sinamahan ako sa isang kwarto. Lumingon pa ako kay Dylan bago tuluyang pumasok.
Nagsukat ako ng ibat ibang gown at ibat ibangdresses at isa isang pinakita sa kanya,nakakilang palit pa ako pero wala parinsyang nagugustuhan sa mga ito. Pagod na ako at nakasimangot sa kakapalit ng mgadamit, nagdesisyon sya sa huling kong sinukat. It was a sophisticated dress byCinderella Divine.